TEN

203 5 0
                                    

Shanelle

" kayla where the hell are you?! " sigaw ko sa pangalan ng bruha kong best friend, one and half hour na akong naghihintay dito sa baba hanggang ngayon ay hindi pa din siya tapos ang sarap talagang sabunutan ng babaeng to.

" coming already! " balik sigaw niya sakin, haayyy salamat naman at pababa nadin sa hagdan ang bruha na kontodo ang porma, parang saang party naman ang pupuntahan ng bruhang to ehh sa bar lang naman kami psh.

" woah are you sure you're coming with me? Or your going to someone's party? " sarkastikong tanong ko sa kanya pano ba naman naka cocktail ang bruha samantlang ako naka short at off shoulder blouse lang, nahiya naman ang outfit ko sa ayos ng babaeng to.

" come on girl nandon ang chad my loves ko dapat lang na magpa beauty ako ng bongga noh. " tsk tsk tsk wala na talagang pag asa ang babaeng to.

" whatever kay, lets go we're already late, my friends called me they're already there. " sabi ko sa kanya, nagpaalam na muna ako kay keyla bago ako naglakad papunta sa pinto habang nakasunod naman si kayla sa akin.

" ang kj talaga ng kapatid kong yun kahit kailan, bakit daw ayaw niyang sumama? " tanong ni kayla sa akin ng makasakay na kami sa kotse niya, syempre nagtitipid si aketch kaya kotse niya ang gagamitin namin ma datong naman tong bruhang to kaya ok lang sa kanyang magsayang ng gas hehehe.

" May kailangan daw siyang tapusin na work niya kaya hindi siya makakasama. " sagot ko sa kanya but knowing this witch hinding hindi niya tatanggapin ang rason ng kapatid niya kahit alam na alam naman niya na hindi talaga mahilig mag gagala yung kapatid niya na sobrang workaholic.

" duh ang sabihin mo kj lang talaga ang manang na yun, pustahan tayo tatandang dalaga yun si ate lage nalang kasi siyang nasa loob ng bahay at kapag lumabas naman ay sa kompanya lang din ang tungo niya, hayyyy ewan ko talaga sa kapatid kong yun kung bakit ganon ang ugali niya, kambal kami pero ewan kung bakit sobrang layo ng pag uugali naming dalawa. " aniya na ikinangiwi ko naman, bakit ba kasi niya pilit na ipinagkukumpara ang ugali niya sa kapatid niya, hindi naman kasi porket kambal kayo ay pareho na din kayo dapat ng ugali, magkambal lang sila pero magkaibang tao pa din sila kaya natural lang na magkaiba talaga sila ng ugali.

" girl hayaan mo nalang yun si keyla, suportahan mo nalang kasi siya sa mga bagay na gusto niya at huwag mo nalang kontrahin, alam na niya ang makakabuti para sa kanya matanda na si keyla girl at alam natin pareho na kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya. " sabi ko nalang sa kanya, bakit niya ba kasi pinoproblema si keyla ehh mas dapat pa nga siyang problemahin kesa sa kapatid niya, mas malala kaya siya lalo na ang pagkahilig niya sa night life.

" oo nalang girl, wala naman na akong magagawa tungkol sa kapatid kong yun malala na ang pagka manang nun, sana nag madre nalang siya para naman may hustisya pag naging matandang dalaga siya. "

" girl ang bata pa ni keyla kaya huwag mo na munang problemahin ang pag aasawa niya, ehh ikaw nga jan wala ding boyfriend kakahabol mo jan kay chadie kahit alam mong wala ka namang pag asa sa kanya. " sabi ko kaya nakatanggap agad ako ng matalim na tingin galing sa kanya.

" wow ha kaya mahal na mahal kita shantot ehh ramdam na ramdam ko ang pagiging harsh bestfriend ever mo leche! "

" ooppps! My bad, alam mo kasi kaylang maganda, " panimula ko na ikinangiti naman agad niya, yan tayo ehh nasabihan lang na maganda halos mabanat na ang mukha kakangiti kahit alam naman niyang binobola ko lang siya shhhh huwag maingay baka paglakarin ako ng bruha, pulubi pa naman ako ngayon kahit pamasahe wala. " hindi sa nagiging harsh ako sayo kaya ko paulit ulit na pinapaalala sayo na wala kang pag asa don kay chadie, ginigising lang kita sa katotohanan para hindi ka masaktan sa bandang huli, ganon kita kamahal alam mo ba yun? At isa pa baka ikaw ang tumandang dalaga jan kakahabol mo kay chadie noh. " patuloy ko dahilan ng pagsimangot na naman niya.

Heal His Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon