Shanelle
Anong oras na pero hindi pa din ako makatulog ikot lang ako ng ikot sa kama ko, bwisit naman kasi yung mokong na yun ehh ano ba kasing nakain niya at sinabi niya yun.
Kahit dalawang linggo na ang nakakaraan ng sinabi niyang nagseselos siya kay sir jhon ay ganito pa din ang nararamdaman ko, halos hindi ako makatulog sa gabi kakaisip dahil hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niyang yun at hindi ko maiwasang mag isip ng mag isip at ang masama pa ay nagsisimula na akong mag assume na may gusto nga si hero sa akin, kahit ayokong isipin yun ay hindi ko talaga mapigilan, binibigyan niya naman kasi ako ng dahilan para mag assume ako dahil sa araw araw na ginawa ng diyos ay palala ng palala ang mga pinapakita niyang ka sweetan sa akin, kahit anong iwas ang gawin ko sa kanya wala akong magawa dahil nasa iisang kompanya kami at siya ang boss ko, secretary niya ako kaya natural lang na mayat maya niya akong tawagin lalo na kung may ipapagawa siya sa akin.
Pero sumosobra na talaga yung hero na yun at mas lumala ang topak niya nitong mga nakaraang araw dahil halos hindi na niya ako palabasin sa opisina niya, gusto nga niyang ilipat ko na ang table ko sa loob ng office niya, ganon na siya kabaliw.
Arrrrrrgggghhhh!!! Kailangan ko na talagang matulog maaga pa naman ang alis namin bukas, huhuhu parang awa mo na lord patulugin mo na ako.
Sa susunod na araw na ang birthday ng triplets na anak anakan ni hero kaya bukas babyahe na kami papuntang bukidnon, excited ako na ewan, excited dahil makakapunta ako ng bukidnon, masaya ako dahil may bagong lugar na naman akong mapupuntahan, mahilig kasi akong mag travel gusto kong libutin ang buong mundo kaso dahil sa busy ng buhay ko hindi ko magawang mag travel ng mag travel, kaya naman sobrang saya ko kapag may mag aaya sa aking mag travel at sana naman maging masaya tong byahe naming to bukas, haiiist.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at nakaramdam na din ako ng antok kaya naman hinayaan ko na ang sarili kong tangayin ng kadiliman.
" SHANELLE HEY! Girl wake up! " naalimpungatan ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko sabayan pa ng sigaw ni kayla na abot hanggang kabilang bahay.
" girl nandito na si papa hero mo, gumising kana jan iiwan ka na namin. " sigaw ulit niya kaya naman napabangon akong bigla, shit ngayon nga pala ang alis namin papuntang bukidnon, arrrggghhh! Parang kakapikit ko lang ehh.
" oo na maliligo lang ako at mag aayos pakisabi nalang na antayin lang ako saglit. " sagot ko sa kanya para matigil na siya kakakalampag sa pinto ng kwarto ko.
" bilisan mo jan, huwag mong paghintayin ng matagal ang gwapong papa. " sabi pa niya bago ko narinig ang paglalakad niya paalis.
Aiiissshhh baliw na talaga yung babaeng yun, pero teka tama ba yung narinig ko kanina na iiwan nila ako, so sasama ang bruhang yun sa amin? Ay ewan makaligo na nga.
Buti nalang talaga at nakapag empaki na ako kagabi dahil kung hindi patay talaga ako, ayoko pa naman yung minamadali ako dahil pag ganon ay marami akong nakakalimutan.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at nag ayos, hindi naman ako mahilig maglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha ko kaya mabilis lang akong natapos at binitbit ko na ang mga gamit na dadalhin ko at naglakad na ako palabas ng kwarto ko.
Pagdating ko sa living room naabutan ko sina hero,kayla at keyla na masayang nag uusap.
" hey guys, " kuha ko sa attention nila kaya napalingon silang lahat sa akin. " good morning sir sorry napasarap ang tulog ko, kanina ka pa ba? " tanong ko kay hero at nagtaka naman ako ng nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot ang noo niya.
" hahahaha nakakatawa ka talaga girl sanay na sanay ka bang nasa trabaho at sir ka pa din ng sir kay hero kahit nasa labas na kayo ng kompanya? " natatawang tanong ni kayla sa akin, shoot now i know why his expression is like that when i asked him, sheez nakalimutan kong ayaw na ayaw nga pala niyang tinatawag ko siyang sir.
BINABASA MO ANG
Heal His Broken Heart
RomanceShanelle Andrea Arcadia the daughter of the owner of Arcadia Group of companies choose to turn her back at the life that her parents wants her to live, because of the arrange marriage her parents planed for her she left her wealthy life and decided...