Shanelle
Seriously ano bang nangyayari dito sa boss kong to, hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit siya kanina sa pinsan niya ng tanungin nito ang pangalan ko, dahil para sa akin ay maayos namang nagtanong ang pinsan niya pero bigla nalang niya itong sinungitan.
Tapos ngayon naman ay si emi ang isinama niya sa meeting niya with the board kaya ang akala ko ay galit siya sa akin dahil hindi ako ang isinama niya pero nung dumaan siya sa table namin ay may pa kindat kindat pa siyang nalalaman psh baliw na ata ang kumag nato.
Bipolar ata tong boss kong to ehh, sa isang linggo kong pagtatrabaho dito parang hindi ko pa talaga nakukuha ang ugali niya na minsan ay masungit minsan naman ay mabait.
At ang pinaka nagpapalito sa akin ay ang pakikitungo niya na sa akin lang niya ginagawa.
Hindi naman kasi siya ganon sa ibang mga empleyado niya, kaya tuloy hindi ko maiwasang bigyan ng kahulugan ang mga pinapkita niya sa akin, pero dahil sa ayaw ko ngang maging assuming ay binabaliwa ko na lang ang lahat ng mga ginagawa niya.
Dahil wala si emi at wala akong makausap ay inabala ko nalang ang sarili ko sa mga papeles na nasa table ko ngayon, kailangan ko din kasing matapos ng maaga ang lahat ng trabaho ko ngayong araw dahil sa usapan namin nila emi at beth na mag night out mamayang gabi, dahil nga sa ito na ang huling araw ni emi dito sa kompanya kaya nagkayayaan kaming gumimick mamayang gabi parang farewell party nadin namin para kay emi.
" shan sabi ni beth sa zeus tayo mamaya ok lang? " napaangat ang ulo ko kay emi ng bigla nalang itong sumulpot sa harap ko.
" sure why not. " sagot ko sa kanya bago binalik ang tingin ko sa ginagawa ko.
" great, so doon nalang tayo magkita kita mamaya message mo nalang kami kapag ikaw ang mauna don ok? "
" ok, tayong tatlo lang ba? " tanong ko sa kanya.
" hmmm i think so, pero kung may gusto kang isama ok lang din. " nakangiting sagot niya sa akin.
" ohh ok, baka magsama ako ng friend ko mamaya. " sabi ko ng maalala ko si kayla, yun pa lalo pag nalaman non na sa bar ni chad ang punta ko talagang magkukumahog na sumama yun.
" ok mas marami mas masaya. "
" hmmm magkakasundo si beth at yung friend ko panigurado medju magkatulad ang ugali nila ehh. " sabi ko habang nakangiwi kay emi na ikinatawa naman niya.
" oh by the way bago ko makalimutan inimbitahan ko nga pala si sir hero kanina, narinig niya kasi kaming nag uusap ni terry ehh. " nakangiwing sabi ni emi habang nakatingin sa akin na animoy inaalam ang magiging expression ko sa sinabi niya.
" ok lang yun paniguradong Hindi naman yun pupunta lalo pa at babae tayong lahat siya lang ang maiiba kapag sumama siya. " kampanteng sabi ko, hindi naman siguro nanainisin ni hero na sumama sa aming mga babae noh ma bobored lang siya kapag sumama siya.
" hmmm pano kung sumama siya? " tanong ni emi na halata ang pang aasar sa tono.
" edi sumama siya. " sagot ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan namin at hindi nadin naman siya nagsalita pa ngunit alam kong sumusulyap sulyap siya sa akin paminsan minsan.
" Andi did you finish the document that i asked you to check yesterday? " napalingon ako kay hero na nakatayo sa gilid ng table ko, wow lang ang sipag niyang magpunta dito ha may entercom naman siya bat di nalang yun ang ginamit niya para tanungin ako.
" yes sir. " ani ko at hinanap ang document na kailangan niya. " here sir, it's all done. " sabi ko sabay abot ng document sa kanya.
" thanks, and ohh can you make some coffee for me and bring it to my office. " utos niya bago ako tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Heal His Broken Heart
RomanceShanelle Andrea Arcadia the daughter of the owner of Arcadia Group of companies choose to turn her back at the life that her parents wants her to live, because of the arrange marriage her parents planed for her she left her wealthy life and decided...