Shanelle
" woah you're so beautiful girl, paniguradong mas maiinlove lalo sayo si hero niyan. " masayang sabi ni kayla pagpasok niya sa kwarto ko pagkatapos kong maayusan.
" hmmm huwag mo na akong bulahin jan tulungan mo nalang akong isuot tong wedding gown ko. " nakangiting sabi ko sa kanya sabay lapit sa gown ko na nakalatag na sa bed ko.
" sure tara isuot na natin sayo yang gown mo at ng makaalis na tayo, anong oras na baka mainip na yung groom mo doon kakahintay sayo at sunduin kapa dito. " natatawang sabi niya habang lumalapit sa akin.
" nasan na sila keyla? " tanong ko sa kanya pagkatapos kong maisuot ang gown ko.
" nandon na sila sa simbahan chinicheck niya kung ok na lahat don, alam mo naman yung kapatid kong yun gusto lahat perfect sa paningin niya kahit di niya naman kasal to psh. " aniya kaya hinampas ko nga sa braso niya bruha kasi.
" aray ano ba! Bakit bigla ka nalang nanghahampas jan?! " bulyaw niya pa sa akin.
" che! Ang sama kasi ng ugali mo, ang sweet nga ni keyla ehh kasi kahit hindi niya kasal to ay nag eefort talaga siya upang maging perfect ang lahat sa wedding ko. " nakangusong sabi ko pa sa kanya kaya napangiwi naman siya.
" tss, ang aarte niyo lang talaga, siya halikana dito at gawin na natin ang last touch jan sa buhok at pagmumukha mo at para makaalis na tayo. " aniya bago ako iginya paupo sa harap ng vanity mirror ko.
Ilang minuto din ang ginugol ni kayla bago siya nakontento sa kabuuan ko.
" ayan tapos na, gosh ang ganda ganda mo talaga girl, kahit pa nga siguro basahan ang suot mo maganda ka pa din, kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit baliw na baliw sayo yung fiancee mo. " natatawang sabi niya sa akin kaya natawa na din ako.
" hi there my princess are you done? " napalingon kami sa pinto ng bumukas ito at pumasok si mom sa loob ng kwarto ko.
" yes tita tapos napo ang pinakamagandang bride natin. " nakangiting sagot ni kayla kay mom.
" wow you're so beautiful baby, I can't believe that you're really getting married now, parang kailan lang ang liit liit mo pa, but look at you now, you become a beautiful woman and soon to be Mrs Hero Steve Cortez. " naiiyak na sambit ni mom habang papalapit sa akin at niyakap ako.
" mom. "
" im happy for you princess, and im really sorry kung nagawa kitang ipagkasundo at binalak na ipakasal sa ibang lalaki noon, im really really sorry my princess. "
" it's ok mom, besides hindi naman natuloy yun kasi hindi niyo din ako pinilit diba? Kaya kalimutan na natin yun mom, and this is not the right time to be sad mom, this is my wedding so, we should be happy right? At isa pa ayokong umiyak mom masisira ang make up ko. " natatawang sabi ko sa kanya kaya natawa nadin siya.
" ok you're right we should only be happy today because this day is one of the special day in your life, kaya tara na at hinihintay ka na ng groom mo doon baka hindi ma mapakali yun don ngayon. "
" susunod na kami mom, mauna na kayo hindi din naman tayo magsasabay sa iisang sasakyan. "
" ok, so mauuna na kami sa inyo, sumunod na kayo kaagad dahil may 30 minutes nalang kayo, don't be late okay? "
" of course mom, I can't be late on my wedding day. " natatawang sabi ko sa kanya, niyakap niya muna ako at hinalikan sa pisngi bago siya tuluyang lumabas ng silid ko.
" let me check your face for the last time, then we're ready to go. " ani kayla at lumapit sa akin at nung tingin niya ay ok na ang lahat ay inalalayan na niya akong tumayo hanggang sa paglabas ng bahay, inalalayan naman ako ng mga body guards ko pasakay sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Heal His Broken Heart
RomanceShanelle Andrea Arcadia the daughter of the owner of Arcadia Group of companies choose to turn her back at the life that her parents wants her to live, because of the arrange marriage her parents planed for her she left her wealthy life and decided...