SEVEN

210 5 0
                                    

Shanelle

mabilis na lumipas  ang araw hindi ko man lang namalayang mag iisang linggo na pala akong nagtatrabaho dito sa C Airlines at ngayong araw nato ang huling araw ni emi dito sa kompanya, kaya naman matinding lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil napalapit na din kasi sa akin si emi, kami ang laging magkasama sa araw araw ng pagtatrabaho ko dito sa loob ng isang lingo at dahil sa napakabuti ni emi sa akin ay madali talaga kaming nagkasundo, naging close ko na din naman si beth kaso dahil hindi naman ganon kalapit ang office ng mga boss namin ay nagkakasama lang kami tuwing lunch time at breaktime na madalang lang din mangyari dahil sa boss kong hindi ko maintindihan.

Sa loob ng isang lingo kong pagtatrabaho dito sa kompanya ng pamilya ni hero ay binigyan na niya agad ako ng isipin na nagpapasakit ng ulo ko, dahil sa mga kinikilos at pinaparamdam niya sa akin.

Halos araw araw niya akong niyayayang mag breakfast, at kapag wala siyang gagawin at pupuntahan tuwing lunch time ay kailangan nakabuntot ako sa kanya sa madaling salita ay kailangang magkasama kaming kumain ng lunch, kaya naman nagsisimula na kaming pag usapan ng mga taong nagtatrabaho dito, kesyo may relasyon daw ba kami ng boss ko, or kung bakit daw lagi lagi kaming magkasama ng boss ko na kahit sa pagkain ay halos hindi kami mapaghiwalay na dalawa at ang mas nagpakulo ng dugo ko ay nang may marinig akong nagsabi na malandi daw ako dahil nilalandi ko daw ang boss ko, what the hell!

Kaya naman nagsisimula na akong mairita sa mga chismis na naririnig ko, ngali ngali ko na ngang sigawan ang mga chismosa dito sa kompanyang pinagtatrabahuan ko kung hindi lang ako pinipigilan lagi nina emi at beth ay baka ang dami ko nang kaaway dito nakakabwisit naman kasi ang mga naririnig kong sinasabi nila tungkol sa akin samantalang hindi naman nila ako kilala.

" hey shan are you listening to me? " kalabit ni emi sa akin.

" h-huh? Ano nga ulit sinasabi mo? " pilit ang ngiting tanong ko sa kanya, kung saan saan na naman kasi lumilipad tong isip ko nakalimutan ko pang kausap ko nga pala si emi.

" hay nako tama nga ako dada ako ng dada dito hindi ka naman pala nakikinig, is there something bothering you? " may pag aalala sa boses na tanong niya sa akin.

" nah wala noh malungkot lang ako dahil iiwan mo na ako, bakit kasi kailangang umalis ka pa? " pag papalusot ko sa kanya.

" nako ano ka ba naman hindi naman ako mawawala noh, friends naman na tayo diba? Tawag ka lang sa akin kung kailangan mo ng kaibigan or kausap darating ako kaya huwag ka ng magdrama jan dahil pwede naman tayong magkita anytime mo gusto. " sabi niya na nagpangiti naman sakin.

" thanks em, masaya talaga akong makilala ka at syempre naman noh friends na talaga tayo sa ayaw at sa gusto mo.... " sabi ko na ikinatawa naming dalawa. " pero hindi mo rin talaga maiaalis sa akin ang malungkot dahil sa pag alis mo em, pano ba naman kasi nasanay na akong araw araw kang kasama sa loob ng isang linggo ko dito natural lang na ma mimiss talaga kita noh, paniguradong magiging malungkot na dito dahil iiwan mo na ko. "

" ikaw talaga, ok lang yan noh nanjan naman si beth ehh, mas masaya kasama yun kasi parang clown yun ehh. " sibi niya na ikinatawa na naman naming dalawa.

" hindi naman din kami laging nagkakasama nun kasi nga hindi naman magkalapit ang mga table namin, iba pa din yung nandito k at kasama ko lage na kagaya nito. " malungkot na sabi ko sa kanya, paniguradong maninibago ako sa pag alis ni emi pero anong magagawa ko, hindi din naman pwedeng kaming dalawa ang secretary ni hero haaayyyyy...

" nako tigilan na natin ang dramang to, huling araw ko na nga to dito magdadrama paba tayo, cheer up ok, masasanay ka din kalaunan kaya huwag ka nang malungkot ok? " sabi ni emi sa akin kaya napangiti nalang din ako sa kanya.

Heal His Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon