Shanelle
One week pang nag stay si hero sa hospital bago siya pinayagan ng doctor niyang lumabas dahil na din sa kagustuhan ng parents niya, kaya naman halos doon nadin ako naglalagi sa loob ng isang linggong pananatili niya doon.
Hanggang ngayon ay hindi pa din nahuhuli ang demonyong si erick kaya sobra sobra ang pag iingat namin, kahit saan ako magpunta ay nakabuntot ang mga bodyguard ko at dahil napaka seloso ng boyfriend ko ay kumuha siya ng babaeng personal bodyguard ko kaya ang labas ay tatlo ang palaging nakabuntot sa akin dalawang lalaki at isang babae.
Paglabas ni hero sa hospital ay hindi pumayag ang Parents niya na sa condo niya siya tumira kaya pinilit ng mga ito na doon na muna siya sa mansion nila habang hindi pa tuluyang gumaling ang sugat niya, nung una ay ayaw pa niya pero wala din siyang nagawa dahil sumali na ako sa pagkumbinsi sa kanya.
" special delivery for the beautiful love of my life. " napaangat ako ng tingin sa pinto ng office ko nang bigla nalang itong bumukas at ang nakangiting gwapong mukha ng boyfriend ko ang bumungad sa paningin ko.
" hey hon, what are you doing here? " nakangiti na ding tanong ko sa kanya habang naglalakad siya palapit sa akin.
" im here to deliver your lunch hon, it's already past twelve honey come on eat your lunch first. " aniya pagkatapos niyang humalik sa akin at naglakad na siya papunta sa maliit na table na nasa gitna ng office ko.
" hmmm ang sweet naman ng boyfriend ko, baka masanay ako at hanap hanapin ko na ang laging paghahatid mo ng lunch at snacks sa akin dito hon. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" well that's my purpose hon, ang sanayin ka sa pag aalaga ko para hanap hanapin mo ako so that you'll never think of leaving me again. " malambing na sabi niya habang nakatitig ng matiim sa akin, alam kong malaki ang naging epekto ng hiwalayan namin noon kaya hanggang ngayon ay alam kong may pangamba pa din siya kaya naman tumayo na ako at lumapit sa kanya.
" I won't hon, kaya huwag kang masyadong praning jan, iiwan lang kita kapag sinabi mo sa aking ayaw mo na sa akin o kapag sinabihan mo akong iwanan na kita, na alam ko namang hinding hindi mo gagawin, am i right honey? " malambing na tanong ko sa kanya na ikinangiti niya naman.
" never hon, never, you're mine and will forever be mine. " aniya bago ako hinapit sa bewang at binigyan ng isang napakasarap na halik sa aking mga labi, halik na akala koy saglit lang pero nagkamali ako dahil ang mabagal na halik niya sa umpisa ay unti unting naging mapusok at mapaghanap, hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag upo niya sa sofa at ngayon nga ay nakakandong na ako sa kanya habang tinutugunan ng kasing init at pusok ang mga halik niya.
We're literary making out here inside of my office now, buti nalang at kumatok si elsa sa office ko upang ipaalala sa akin ang meeting ko mamayang one pm, kaya napaghiwalay kaming dalawa ni hero na kung nagtagal pa ang halikan namin ay baka first time in history na makakagawa ako ng mahalay na bagay sa loob ng office ko.
" come on lets eat, baka ma late ka pa sa meeting mo mamaya hon ako pa sisihin mo. " he said while chuckling kaya inirapan ko nga, may gana pa siyang pagtawanan ako ehh kasalanan niya naman dahil sa kalandian niya.
" che! Nakakainis ka. " pagmamaktol ko sa kanya.
" okay im sorry, come here and eat already hon. "
Dahil sa ayoko namang ma late sa meeting ko mamaya ay kumain na ako kasabay niya, ramdam ko ang pagbabago ni hero after naming magka bati ulit, mas naging sweet siya sa akin, mas naging caring, at mas naging clingy, mayat maya niya akong kinakamusta kapag nasa office ako, mayat maya din niya akong tinatawagan kapag hindi kami magkasama at katulad ngayon lagi lagi niya akong dinadalhan ng lunch at snack.
BINABASA MO ANG
Heal His Broken Heart
RomansaShanelle Andrea Arcadia the daughter of the owner of Arcadia Group of companies choose to turn her back at the life that her parents wants her to live, because of the arrange marriage her parents planed for her she left her wealthy life and decided...