THIRTY SIX

194 5 0
                                    

Shanelle

Nagising ako sa ingay ng paligid ko at bigla akong napamulat ng mga mata ko ng maalala ko ang nangyari habang papunta kami sa simbahan kanina kung saan dapat ako ikakasal kay hero, nangilid ang mga luha ko ng maalala ko si kayla at si denise na duguan habang nakahandusay sa malamig na sementadong daan na iyon kung saan kami hinarang ng grupo ng demonyong si erick.

" finally nagising ka na din, kanina pa ako na aalibadbaran kakatingin jan sa mukha mo habang naghihintay na magising ka. " pasinghal na sabi sa akin ni maris na bigla nalang sumulpot sa kung saan at ngayon ay nakatayo na sa harapan ko habang magkakrus ang mga kamay sa dibdib niya.

Tsss bakit ba kasi siya nakatingin sa akin, baliw din talaga tong babaeng to ehh.

" ano bang kailangan niyo sa akin? " matigas na tanong ko sa kanya.

" tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga para magtanong pa kung anong kailangan namin sayo?! " singhal niya sa pagmumukha ko habang dinudotdot ng hintuturo niya ang noo ko.

" maris! What the hell are you doing?! " nabaling ang tingin ko sa lalaking bigla nalang sumigaw at dali daling lumapit sa amin.

" im just talking to this stupid woman here, so stupid to ask me kung ano daw ang kailangan natin sa kanya, Isn't it obvious idiot! You're here because this man here standing beside me wants you, and I don't want you to be married to my hero. " aniya sabay ngisi ng nakakaloko sa akin, bitch!

" erick ano pa bang kailangan kong gawin upang maintindihan mo na hindi kita gusto at may mahal akong iba, bakit hindi mo maintindihan na hindi kita mahal at kahit anong gawin mo ay si hero lang ang mahal at mamahalin ko! Kaya please parang awa mo na hayaan mo na ako,dahil kung talagang mahal mo ako at may pakialam ka sa nararamdaman ko hahayaan mo ako kung saan ako liligaya erick, hindi lang ako ang babae sa mundo mahahanap mo din ang babaeng para sayo erick at hindi ako yun. " pagsusumamo ko habang nag uunahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko, ngunit parang walang narinig na naglakad palapit si erick sa akin habang may nakakalukong ngisi pa sa mga labi nito.

" you know what my baby shanelle? wala akong pakialam kung hindi mo man ako mahal o gusto basta ang importante ay kasama kita at higit sa lahat ay hindi ka makakasal sa gagong cortez na yun dahil akin ka shanelle, akin ka lang at walang ibang lalaking mag mamay ari sayo kung hindi ay ako lang, at yang pagmamahal na sinasabi mo? magagawan natin ng paraan yan baby, marami kang oras para matutunan akong mahalin at huwag kang mag alala dahil nandito lang naman ako handang maghintay sayo kahit gaano pa yan katagal basta't nandito ka lang sa tabi ko palagi.

" nababaliw ka na erick, nababaliw kana! Sinasabi ko sa inyo hindi kayo magtatagumpay sa mga binabalak niyo dahil mahahanap ako ni hero, kahit saang lupalop niyo pa ako dalhin! " sigaw ko habang nag pupumiglas sa pagkakatali ko gustong gusto kong kalmutin ang mukha niya, pasalamat siya dahil nakagapos ang mga kamay ko.

" ano ba! Can you shut your fvcking mouth bitch! Your so loud and your voice is annoying the hell out of me! " bulyaw na naman ni maris sa akin, impakta talaga tong bwisit nato, ang arte arte akala mo naman maganda bwisit!!!

" that's good then, hanapin niya kami para naman hindi na ako mahirapang hanapin pa siya at tapusin, mas maganda nga yun ehh palay na ang lalapit sa manok. " nakakalokong sabi ni erick sabay tawa na parang demonyo, hindi ko mapilang kabahan sa sinabi niya, hindi imposibleng mapatay niya si hero nagawa nga niya itong saksakin noon ngayon pa kaya na para na talaga siyang baliw.

" pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako dito mga hayop kayo! Pakawa..... "

Natigil ako sa pag pupumiglas at pagsigaw ng biglang bumaling ang pisngi ko pakaliwa dahil sa malakas na sampal ni maris " maldita ka! Diba sabi ko sayo manahimik ka!! Ang ingay ingay mo naririndi na ako sayo! " sigaw niya sa akin matapos niya akong sampalin.

Heal His Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon