9: What a creep!

16 2 0
                                    

Allison

Habang nag aalmulsal ay ikinuwento ko kay Dad ang nangyari kahapon sa school switch.

"You'll get your ear bleed hearing Bridgett's nonstop complains. Lahat ng bagay sa university ay may reklamo siya lalo na sa canteen kasi hindi siya makakain ng marami." dagdag ko pa. Natawa naman si Dad.

"Si Bridgette talaga. Why don't she ask her Mom to pack her lunch?" suggest nito.

"Her Mom's too busy for that. Everyone in that house are busy as hell." sabi ko. Mga kilalang tao ang parents ni Bridgette isama pa ang kuya Samuel niya na sumunod sa yapak ng pamilya nila at pinasok na rin ang business world.

"You think magne negosyo rin si Bridgette? Pero malabo iyon base on her personality."

"She have her own line. Tsaka hindi naman siya maghihirap kung sakali." sabi ko. Sa dami ng pag aari ng pamilya nila pwede na siyang maging jobless for three decades. Idagdag pa ang business ng ancestors niya.

"Pero iba rin yung pinaghirapan mo. Anyways, finish up alis na tayo." inilagay ko na sa sink ang plato ko at sinundan si Dad sa sasakyan.

"Hindi ako sanay na ihatid ka sa university." natatawang sabi nito. Bumaba na ako kumaway sa papaalis nitong sasakyan.

"Aliiiii!!" sigaw ni Bridgette mula sa malayo. Kakababa lang nito ng sasakyan at patakbong lumapit sa akin.

"Good morning campus princess." bati nito ng makalapit na sa akin. May itinuro naman ito at nang tingnan ko ay sina Blake at Hiro iyon na sabay naglalakad papalapit sa amin. We agreed na sabay sabay kaming papasok sa classroom dahil kami lang naman ang magkaka kilala rito. Malayo palang ay tanaw na namin ang kumpol ng mga tao sa harap ng classroom namin.

"What are they doing?" tanong ni Bridgette. Nang mapansin kami gumilid sila para makapasok kami sa back door ng classroom at naupo sa mga upuan namin sa likuran. Hindi ako agad nakaupo dahil may naka upo sa pwesto ko. Lalapit na sana si Blake ng pigilan ko ito.

"I got this." sabi ko na nagpahakbang rito pabalik. Lumapit ako sa lalaking prenteng nakaupo sa pwesto ko at nakasuot na headphones. Malakas kong hinampas ang lamesa nito dahilan para magdilat ito ng mata at salubungin ang mata ko.

"Move." mariing utos ko rito pero ang hinayupak ay ngumiti lang.

"Iyo ba to? Sorry ha, wala kasi akong nakitang panglan." sabi pa nito.

"Are you trying to pick a fight?!" sabi ni Bridgette na nahawakan naman agad ni Hiro.

"No, because that's a property from the foundation. But, is that yours? Kung gusto mo yang upuan na yan sige kuhain mo kung gusto mo pa nga iuwi mo. Kay sir John ka magreklamo dahil dyan niya ako pinaupo. Now, excuse me." at itinulak ko ang katawan nito para maalis sa upuan ko. Rinig ko ang daing nito ng bumagsak ito sa sahig pero nagpatay malisya lang ako. Rinig ko naman ang mahihinang tawa ng mga tao.

"Blaze!" nanlaki naman ang mata ko ng tawagin ito ni Blake. What?! They know each other?

"Hey, dude! Long time no see!" he replied still piercing me with his eyes. Nice try though. Tsk. Bumalik na sa kani kanilang upuan ang lahat ng pumasok sa classroom si sir John. Shock is evident in his eyes as he saw this guy beside me.

"Mr. Blaze De Silva. Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito? As far as I can remember, hindi mo ito klase." masungit na sabi ni sir John. He resembles Miss Dianne, once I go back I'll introduce them to each other sayang naman ang lahi nila kung hindi mapapadami.

"Narinig ko kasi na kasama sa school switch ang kaibigan ko kaya nandito ako. And I'm happy I get to see his face. I'm happy to see you, Blake." kumaway ito habang papalabas ng classroom pailing iling naman akong tiningnan ni sir John. Maybe he knows I made a little scene.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon