Coldplay - Fix You
***
BridgetteKnock Knock
I was awakened by the sudden knock on my door. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang nasa labas ng kwarto ko. Putangina bat nandito tong gagong to? Sino nagpapasok dito?!
"Get out!" sigaw ko sabay turo sa hagdan namin. Nanlilisik ang mata na tiningnan ko ito pero hindi man lang siya natinag. Kapal ah. He still has his smug look on me. Pansin ko rin ang pagbawas ng timbang niya, mahaba na rin ang buhok niya at may kaunti ng stubbles sa kanyang mukha. Pero bakit nga ba nandito tong hayup na to. Bakit to hinayaang gumala gala ni Cami?!
"Get the fuck out of our house! I don't wanna see you fucking face! Get out! Get out!" sigaw ko rito at tinulak tulak ito kahit hindi naman ito gumagalaw sa pwesto nito. Tangna naka glue ba ang paa nito sa sahig namin? Narinig ko ang pagbukas ng pinto ni Kuya Sam at agad lumapit sa amin.
"Hiro my man! Anong nangyayari? Nag-aaway ba kayo?" takang tanong ni Kuya Sam at nagpapapalit palit ang tingin sa amin ni Hiro.
"Bakit nandito yan? Paalisin niyo yan!" sigaw ko sabay turo kay Hiro na wala pa ring emosyon ang mukha. Nanggigigil ako sa hayup na to. Gustong gusto ko siyang sapakin.
"Ha? Eh mommy and daddy let him in. What's the matter, Bridge?" clueless na tanong ni Kuya Sam. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok at padabog na bumaba para hanapin sina mommy at daddy. Kapwa sila nakaupo sa sofa at nagdadal dalan. Lumapit ako sa kanila at agad sumigaw.
"What is that devil doing here? Bakit niyo siya pinapunta dito?!" tuloy tuloy na sigaw ko.
"Oh, Hiro you mean? Namimiss na kasi namin siya dahil hindi na masyadong nagpupunta dito." sagot ni mommy kaya mas lalo akong nainis.
"Fuck, paalisin niyo siya now na." utos ko. Tumayo naman si dad na masama ang tingin sa akin.
"When did you learn to be disrespectful to your own parents, Bridgette?" galit na tanong sa akin ni daddy.
"I don't want to see him. Get him out of the house." giit ko. Si mommy naman ang tumayo.
"Ano bang nangyayari sayo, anak? Mula ng bumalik ka galing sa Florence ay galit na galit ka na kay Hiro. Bakit hindi mo sabihin sakin?" ayan naman si mommy sa malambing ng niyang tono. Hindi ako madadala dyan mommy.
"Just get him out of the house." inis na sabi ko at aalis na sana ng marinig ko ang boses ni Kuya Sam mula sa taas. Kaaway niya ata si Hiro. Patakbo akong umakyat sa taas kung saan naabutan kong sinusuntok ni Kuya si Hiro na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Aba, ang gago hindi man lang lumaban. Magpapa-kamatay na ata.
"Kuya, stop it." sabi ko sabay hila kay Kuya palayo kay Hiro na hawak ang dumudugong labi. Rinig ko naman ang tili ni mommy at agad tinulungan si Hiro na tumayo.
"Samuel, anong kaguluhan to?" galit na sabi ni daddy at tumingin kay Kuya na gustong gusto pang sugurin si Hiro.
"Eh gago pala yan eh! Dapat lang sa kanya yan." sagot ni Kuya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa realization. Alam na ni Kuya kung anong nangyari sa min ni Hiro? Kaya ba niya sinuntok si Hiro? Pero paano nalaman ni Kuya?
"Kuya, alam mo na?" mahinang tanong ko.
"Oo. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Bridge. Kuya mo ako!" napakagat labi at napayuko nalang ako sa sinabi ni Kuya. He's mad at me. Galit siya kasi hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Hiro. Ayoko lang naman kasing malaman nila na sangkot si Cami dito eh. Ayokong magalit nanaman sila kay Cami. Ayokong masaktan sila.

BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Gizem / GerilimIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...