***
Allison
Maaga akong pumasok dahil na rin sa text na natanggap ko mula kay Blake. Nagulat pa nga si Dad kasi masyadong maaga but anyways wala naman siyang magagawa but to drop me off. Ayos lang din daw kasi marami siyang gagawin ngayon sa foundation kaya hindi niya ako maihahatid pauwi.
Pagkababa ng kotse ay mukha ni Blake ang sumalubong sa akin. Naka busangot ito dahil mukhang kanina pa ito nag-aantay sa akin.
"Pagong ka ba? Nag-text ka na on the way na pero that was two hours ago!" sigaw nito.
"I did not clarify so sorry. Bat ba ang aga mo ako pinapasok?" he looked so done with me. Sumunod naman ako rito ng maglakad ito papunta ng auditorium ng Claymore Univ.
I shouldn't have went to school early. Today's friday. The exam day and Desiree's memorial ceremony. What the hell bakit hindi ako nainform? Bwisit.
Puno ang auditorium ng mga estudyante mula sa dalawang Claymore school at mga kalapit na schools. May mga matatanda din na nasa gilid para lang maki usyoso. Nasa unahang row naman ang mga tao ng foundation good thing Dad isn't here.
"Akala ko hindi ka pupunta, Ali." sabi sa akin ni Bridge ng makita ako. She saved a spot for me. How sweet.
"Hindi ko nga naalalang ngayon ito eh." pag-amin ko. Nawala sa isip ko sa dami ng nangyari sa akin sa loob ng isang linggo.
Tahimik lang ang lahat ng nasa loob habang pinakikinggan ang eulogy ng mga close kay Desiree even her classroom teacher. Napuno ng iyakan ang loob ng auditorium ng ilabas ang graduation picture ni Desiree. Dapat ay gag-raduate na ito ng college kung hindi lang siya namatay. Kita ang panghihinayang sa mukha ng mga kamag-anak at kakilala ni Desiree.
Nang representative na ng foundation ang sunod na magsa-salita ay hinila ko na si Bridgette para lumabas. I have no time to listen to their crap. Matapos nilang takpan ang nangyari rito ang kapal ng mukha nila para magpakita pa rito. But anyways sila nga pala ang may-ari ng Claymore.
Nahirapan din kami na iwasan ang media na naka abang sa labas. Ang iba pa sa kanila ay nakilala agad ako kaya halos dumugin nanaman ako mabuti nalang ay mabilis na tumulong ang mga security guards ng school.
"Galing kayo ng university?" usisang tanong ni Penelope ng makapasok kami sa classroom.
"Yes. Dumaan lang." sabi ni Bridgette at umupo na sa desk nito.
Tuwing exam day lang natatahimik ang mga estudyante ng Claymore. Pamatay ba naman ng brain cells ang mga tanong sa exam. Saglit ko namang tiningnan si Bridgette na mukhang relax na relax lang habang nagsasagot at may kinakain pa itong KitKat. Nang lumingon naman ako gilid ko ay mga blankong mata naman ni Blake ang nasalubong ko. Huh? Tapos na siya sa exam? I feel threatened tuloy at baka mawala sa akin ang korona.
Bumalik nalang ako sa huling tanong na nagpapahirap sa akin. Sino bang naka isip ng tanong na ito at makumpronta nga.
If you will be given one wish, what would it be?
Others may call me stupid because it's just a simple question but sometimes the simplest questions are the toughest to answer.
Everyone felt exhausted after answering all of the seven exams for today. Recess ngayon at mukhang mga zombie ang karamihan.
"Go to science lab." rinig kong sabi ni Blake ng dumaan ito sa likuran ko. Sumunod naman agad ako at hindi na inantay si Bridgette na kumukuha ng pagkain namin. Nang makarating sa science lab ay agad akong naupo sa isang stool.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...