Allison
Saturday. The day to keep my promise with Chairman. I am waiting in front of her big mansion, much bigger than ours. I keep on ringing the doorbell. Bat ang tagal ng mga tao dito? Nang sa wakas ay bumukas ang pinto ay isang matandang babae ang bumungad sa akin. Puro puti na ang buhok nito at kita na ang bakas ng kanyang katandaan. Nakasuot ito ng grey na blouse at itim na pencil skirt. Taray naman ng maid's uniform nila.
"Young mistress Allison?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
"Uh, yes?" sagot ko na medyo nag-aalangan. Binuksan niya ng malaki ang gate kaya pumasok ako. Nang maisara niya ang pinto ay nauna itong lumapit sa front door ng mansion. Itinulak niya ito upang makapasok at sumunod naman ako rito. Ang tema ng interior nito ay puti. Mula sa pintura ng pader hanggang sa mga kasangkapan at kagamitan sa loob ay puro puti. Aakalain mong anghel ang nakatira rito. Ang hirap sigurong maglinis dito. Sa bahay kasi namin ay si Dad ang mas madalas na maglinis.
"Maupo ka po muna diyan sa sala. Tatawagin ko lang si Ma'am. Kumain ka na po ba Young mistress Allison?" ang pormal naman itong magsalita nakaka ilang. Eh mas matanda naman ito kasi akin.
"I already have. Tawagin niyo nalang po si Chairman." sabi ko nalang. Tumango naman ito at nagpaalam na aakyat muna. Naiwan naman akong tinitingnan ang bawat disenyo ng bahay. Mukhang galing sa ibang bansa ang karamihan sa mga gamit. Sa pader ay may mga painting na nakasabit. May malaking flat screen tv. May mga paso ng mga indoor plants. Maamoy rin ang sariwang hangin na pumapasok sa nakabukas na pintuan ng porch. Naputol ang paglilibot ng aking mga mata sa ilang yapak na naririnig ko na mukhang pababa ng grand staircase nila. Nandodoon si Chairman na nakasuot ng puting night gown at mukhang kagigising lang. Agad gumuhit sa maganda nitong mukha ang isang malapad na ngiti. Parang tuwang tuwa ito na makita ako. Patakbo itong bumaba ng hagdan. Parang bata.
"Allison! Welcome to my house! This is really surprising. Akala ko ay nakalimutan mo na ang pangako mo sa akin noong foundation day." sunod sunod na sabi nito habang hindi maalis sa labi nito ang ngiti. She's really weird. Hindi ako kumportable sa ngiting binibigay niya.
"Ah hehe. I have some free time pero aalis din po ako bago maglunch. Mag-iinquire po kasi kami ng mga kaibigan ko." sabi ko rito. Isiningit ko lang siya sa schedule ko ngayong araw. Hindi ko ugali ang mangako na hindi ko naman tutuparin.
"Oh really? Senior year ka na nga pala. So anong school ang balak mong applyan?" curious na tanong nito sa akin.
"I'm going to a med school so Grimstellar is one of the best choices. Nagsabi na rin po ako sa Dad ko na papasok ako sa isang arts academy to take lessons for painting and drawing." dagdag ko pa. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi sa kanya pero may isang bahagi ng utak ko ang nag-uutos sa akin na gawin ito. Yung kabilang side naman ay hindi gusto ang presensiya niya because she's reminding me of the mother figure life failed to give me.
"Really? That's good dahil alam mo na kung anong gusto mong gawin sa buhay. And an arts academy? You like to draw? Can you me give me a portrait of my face?" I was taken a back. Pareho sila ng reaction ni Dad ng sabihin ko ang tungkol sa arts academy.
"I will po." nasabi ko nalang. Matapos mag-usap ay sinamahan niya akong maglibot sa bahay nito. Mayroong tatlong palapag ang mansion na ito. Sa first floor ay ang sala, kusina at dining room. Sa likuran ng bahay ay nandodoom ang maids quarter, infinity pool at garahe nito ng sampu nitong sasakyan. Sa second floor ay may anim na kwarto ang master's bedroom nito ay ang pinakahuling kwarto sa hall. Sa third floor naman ay may apat na kwarto ang isa ay kwarto para sa anak na kinukwento nito. Mayroong maliit na hagdan papunta ng rooftop kung saan nakatayo ang mga telescope at ilang mga bench. Seems like Chairman enjoys watching the stars at night.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...