44: The most dangerous deal

17 2 0
                                    

Satellite - SALTNPAPER


***
Allison

I'm walking in utter darkness. No lights, only sparks from the bombs being thrown here.

I couldn't hear the cries anymore but sounds of guns being fired towards our direction.

Hindi ko na mabilang kung ilang pintuan na ang binuksan ko para mahanap si Blaze. Siya lang ang makakatulong sa akin na makalabas sa impyernong to. Literally, dahil sobrang init na dito kahit gabi naman. Pagliko ko sa isang hallway ay tumambad sa akin ang mga bangkay ng mga taong nakasalamuha ko dito sa mansion. May ilang mga naka lab coat na sigurado akong kasama ni Principal Pemberton sa mga maiitim niyang balak.

Kung pinauulanan na kami ng bomba at bala, aba hindi naman nagpapahuli ang mansion dahil naririnig ko din ang pagsabog patungo sa direksiyon ng mga kalaban nila. Taray handa ang mansion na to sa mga intruders.

I shook my head away from the thoughts. I need to focus. Hindi ako pwedeng mamatay dito.

Pinulot ko ang baril na nakita kong katabi ng isa sa mga bangkay na nakahandusay sa carpeted floor ng mansion. Tiningnan ko ang bala, kaya pa to. Hinawakan ko ang baril ng mahigpit pati na rin ang kahoy na hawak ko ng makarinig ng mga yapak na papalapit sa aking pwesto.

It's really ironic that I hate violence, yet here I am holding a gun and a wood to protect myself. But I'm sure self defense lang ang kalalabasan nito.

Nang makalagpas na ang paa nito sa pinagtataguan ko ay malakas kong hinampas ang batok nito gamit ang kahoy na hawak ko. Agad itong napahiga sa sahig na walang malay. Kinuha ko ang hawak nitong baril at binagsak sa mismong mukha niya ang kinuha ko kaninang baril. It created a loud sound.

Napamura ako ng may magpaputok papunta sa pwesto ko. May kasunod pala tong pinalo ko. Pinaputukan ko sila ng dalawang beses gamit ang nakuha kong shotgun sa pinalo ko kanina at mabilis na tumakbo habang pinipilit iwasan ang mga putok ng baril papunta sa akin. Ilang beses pa akong napamura ng tumama ito sa vase na katabi ko. Kinuha ko ang isa pang vase at binato sa kanila bago muling tumakbo. Nang makakita ako ng hagdan ay dali dali akong tumakbo paakyat dahil nakikita ko na ang mga lalaking humahabol sa akin na papalapit. Shit, bakit ang bilis nilang tumakbo? Mga athlete ba sila? Mga champion ng marathon? Hayup maaabutan ata nila ako dahil ayoko ng sports. Ayoko ng legwork!

Gustong gusto ko ng huminto sa pagtakbo dahil sumasakit na ang mga paa ko. Ito talaga ang kahinaan ko eh. Mahihirapan akong takasan at taguan sila dahil ayoko ng pagtakbo. Napapagod na ako.

"Shit!" napamura ako ng muntikan ng tumama sa akin ang bala na pinaputok nila. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko at agad ma nakaiwas. Lumingon ako pabalik sa kanila at pinaputukan sila ng dalawang beses. Bumagsak ang isa sa kanila na tinamaan ko sa hita. One down!

Napangiti ako ng makitang huninto sila para tulungan ang kasama nila. Ginamit ko itong pagkakataon upang tumakbo ng mas mabilis upang hindi nila maabutan. I cursed when I heard my stomach growled. Hindi nga pala ako kumain ng maayos ng tanghalian. Bwisit! Hindi ko alam kung nasaan ang kusina ng mansion. Nagugutom na ako.

Napahinto ako ng may makita akong armadong lalaki na papunta sa direksyon ko. Agad ko itong pinaputukan at saktong tumama sa bandang sikmura. Napaluhod ito at sumigaw sa sakit. Hindi na ako nagsayang pa ng oras muling tumakbo palayo.

"Miss A!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar na makita ang mukha ni Blaze. May hawak itong assault rifle at nakangiti ng malawak sa akin. I saw two shadows approaching him. I shot them twice and it hit both of their legs.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon