16: Never going to be caught

15 2 0
                                    

Allison

Weekend. Pinili kong ikulong ang sarili ko sa aking kwarto hanggang hapon. I'm planning on sneaking inside Principal's office to find something valuable to my investigation.

How can I trespass without getting caught? Siguradong magagalit si dad sa akin kapag nalaman niya ang gagawin ko o kung mahuli man nga ako.

Sa huli ay napasabunot nalang ako sa aking buhok. Should I ask Bridge and Hiro to help me? Or Blake?

Oh come on, Ali. Sino ang tutulong sayo kapag narinig nila ang suicidal mong plano? Baliw lang, Ali. Baliw lang.

We all have our own prominent background that we need to protect at all cost and I'm sure they'll have second thoughts if I tell them what I am planning to do. Pero hindi naman pwedeng hindi ko subukang malaman ang katotohanan sa likod ng mga papel na ito. Paano ako makakagalaw kung hindi ko alam kung anong dapat kong gawin?

Paano ko maibabalik ang tahimik kong buhay kung hindi ko malalaman ang tunay na nangyari kay Desiree? Ang mabigat na dahilan ng pagkamatay nito? Hahayaan ko na lang ba na wala akong gawin? But this involves me! Gusto kong malaman kung bakit ako nadamay dito. Kung bakit sa dinami dami ng tao sa Rosenburg eh ako ang napili nilang sirain.

I held my phone and dialed Bridgette's number.

"Oh, bat napatawag ka? What's the matter?" bungad ni Bridge sa kabilang linya. Nasaan ba ang babaeng to at parang ang ingay ng background niya?

"Where are you? I need you to come here and help me." diretsong saad ko rito.

"Eh? Wala ako sa Rosenburg, Ali. Nasa Castleburg ako. We'll be gone for a week, didn't I tell you?" napabuga nalang ako ng hangin sabay napairap. Edi sana naalala ko kung sinabi niya.

"Si Hiro? Alam mo ba kung anong ginagawa niya?" tanong ko rito.

"At bakit ko naman dapat malaman?" mataray na tanong nito sa akin. Kung nasa harapan ko lang ang bruhang 'to baka nahila ko na ang buhok nito.

"You've been flirting with each other for months now, Bridge. Don't tell me you guys we're still playing." hindi naman sa ayaw kong sumaya si Bridge, but, if they were just playing, shouldn't they stop now? Habang wala pang nahuhulog at napapaso sa paglalaro nila ng apoy?

"We're not, okay? Ewan ko ba dun at nagiging close sa akin. Di naman siya ganun sa 'kin dati."

"Whatever, bye na. Wala ka naman palang maitutulong sa akin." nakasimangot na sabi ko at binaba ang tawag. Pabagsak akong nahiga sa aking kama sabay napasabunot sa aking sariling buhok. This is hopeless. Blake and I were still awkward with everyone assuming that there's something with us. It would embarrassing if I ask him to come with me and sneak in someone's personal space.

This is really hopeless. I think I should stop now. Pero hindi kasi maalis sa isip ko ang mga nasa papel na nakuha ni Desiree. Those were just simple school related papers. Students informations. Why did they have to kill her just because of those papers? Hindi ba pwedeng kuhain nalang nila at patawan ng parusa si Desiree? Bakit kailangan pa siya patayin?

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon