37: The truth untold

20 2 0
                                    

Theory of a Deadman - Not Meant to Be

***
Allison

No one is ready to face the truth. It requires a lot of courage to do it. Minsan kahit nalaman mo na ang totoo minsan mas gusto mo pa na hindi mo nalang nalaman kasi sobrang sakit pala.

Life asked death, why do people love me but hates you? Death answered, because you're the beautiful lie and I am the painful truth.

Minsan mas gusto mo nalang na umaktong wala kang alam kahit pinapatay ka na sa loob. Kasi hindi mo kaya ang sakit ng katotohanan.

Meron din namang mas gusto nilang malaman ang totoo para hindi maging tanga kahit gaano pa kasakit ang katotohanan. They want to be hurt by the truth rather than be fooled by lies.

No one wants to be fooled. We want to avoid being hurt.

But no one is able to avoid pain. Ang galing mo naman kung ganon.

Pain teaches people to become the stronger version of themselves. Pain changes people to become wiser.

Pain ruins relationships.

And me, I am ruined by the painful truth. Sa sobrang dami ng sekreto ni Blake sa akin ni hindi ko kailan man naisip na may kinalaman ito kay Desiree. Damn. Simula ng mamatay yang hayup na yan puro kamalasan nalang ang nararanasan ko. Ano bang kasalanan ko sa kanya? Sinaktan ko ba siya? Eh ni hindi ko nga siya nilalapitan eh! Nagmumulto ba siya at ako ang napag-tripan niya? Aba baliw pala siya eh!

Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ito sa murang edad? I'm just eighteen years old for Pete's sake! Dapat puro aral lang ako sa panahong ito para makapasok sa pinakamagandang med school sa Queensborough. Dapat pinaplano ko na ang future ko.

"Ali? Ayos ka na ba?" tanong ni Bridgette. Hindi ko nga alam kung paanong nandito siya eh. Hindi ako sumagot at tulalang tiningnan ang bintana ng kwarto.

Sana pala naging araw nalang ako. Para nasa langit lang ako at hindi masasaktan.

"Ali, I'm worried about you. Ano bang nangyayari sayo?" umiiyak na sabi ni Bridge pero hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong lakas para magsalita. Ni hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kaniya eh. Alangan namang sabihin kong baka may kinalaman si Blake sa pagkamatay ni Desiree. Sabihin ko na magkakilala sila ni Desiree bago ito mamatay at bago kami magkakilala. Ang gago naman kung ganon. Kakamove on lang nito mula kay Hiro tapos ngayon dadagdagan ko pa? No thanks, mas mabuti pang ako nalang ang masaktan mag-isa kesa naman idamay ko pa siya.

Sa huli ay walang nakuhang sagot sa akin si Bridge. Lumabas muna siya para magluto ng kakainin ko. Hinayaan ko lang siya. Pumunta na ako sa banyo para maligo and to clear my mind. I'm wearing my bathrobe when I went inside the bathtub. Napapikit ako sa lamig ng tubig. Idagdag pa ang mga scented candles na nakasindi.

Can I stop my mind from functioning? I want to stop myself from thinking. Natatakot ako sa pwede kong gawin. I'm afraid of my thoughts. Nilubog ko ang katawan ko sa tubig. Mula sa labas ay naririnig ko ang boses ni Bridge na kinakatok ang pinto ng banyo na ni-lock ko kaninang pagpasok ko. Narinig ko nalang ang pagkasira ng pinto at ang pag-ahon sa akin sa tubig at ang malambot na bagay na nagbibigay ng hangin sa akin. Iyon lang at nawalan na ako ng malay. Finally, peace.

***

Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay agad kong narinig ang iyak ni Bridgette sa tabi ko habang hawak ang kamay ko na pinipisil pisil niya pa.

Putangina. Bakit nandito pa ako?! I don't want to be here! Ayoko na dito! Ayoko na!

"Ali, calm down." pigil sa akin ni Bridge. Nag-aalala niya akong tiningnan ng makita niya akong umiiyak.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon