Dashboard Confessional - Stolen
***
AllisonI never imagined that I will be this nervous once in my life. I can feel my whole body shaking. Should I back out?
"Babe, are you okay?" tanong ni Blake sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"When are they coming?" I changed the topic. Mamaya kasi tawanan pa ako nito kapag sinabi ko sa kanya, lakas din kasi nito mang-asar bwisit. Kung di ko lang talaga to mahal iiwan ko to.
"They should be here by now." sabi nito habang nakatingin sa wristwatch niya. May narinig kaming tunog ng stilettos kaya agad akong naplingon sa pinto ng bahay nila Blake akala ko kasi parents na niya.
"Ali pretty!!" sigaw ni Ate Blaire at agad lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay parang ayaw na niya akong makahinga.
"Blaire, your squeezing her." hinila ako ni Blake palayo sa Ate nito na tiningnan lang siya ng masama.
"We never saw each other for months! Anong karapatan mo para agawin si Ali sa akin?" parang batang sabi ni Ate Blaire. Napasapo nalang ako ng noo dahil pinatulan pa ito ni Blake. Hay naku.
"She's my Alice." simpleng sabi nito at nginitian ang kapatid. Inis na napairap nalang si Ate Blaire at umupo sa harap ko.
"If I were you, Ali. Break up with this jerk. He won't make you happy." she said while throwing glares to Blake.
"That's none of your business, Blaire. Maghanap ka na rin kasi ng boyfriend mo sige ka tatanda ka ng walang kasama." pang-aasar pa nito kaya siniko ko na ito ng mahina.
"Queens don't need Kings." mataray na sabi nito at nagflip ng buhok.
"Do you want to meet Kuya Sam? He's Bridgette's older brother." wika ko. Agad namang napunta sa akin ang atensiyon nilang dalawa. May mali ba sa sinabi ko?
"Really? You'll set me up?" excited na tanong nito sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Uh, yes?" bigla tuloy akong nagdalawang isip. They won't kill each other right?
"Meron na namang madadagdag sa listahan ni Blaire." singit ni Blake sa tabi ko. Binelatan lang ito ni Ate Blaire. Ilang minuto pa kaming nag-usap habang wala pa ang parents nila. Para akong naging instant referee dahil sa dalawang to na kulang nalang ay magbatuhan dila mh kutsara at tinidor sa sobrang inis sa isa't-isa. Paano nakasurvive ang parents nila sa kanilang dalawa?
"What's with the noise. Bakit ang ingay niyo nanamang dalawa ha?" agad akong napalingon sa nagsalita at laking gulat ng makita kung sino iyon. Agad namang tumigil sa pag-aaway ang dalawa at sinalubong ang mga magulang nila habang ako ay nanatiling nakatayo at hindi gumagalaw.
You've gotta be kidding me.
"Aren't you supposed to greet me, Miss Montreux?" sabi ni Sir Harris habang nakangiti sa akin. Napangiwi ako dahil dito at pinilit ang sarili ko na lumapit sa kanila.
"Hello po." awkward na bati ko rito at nang tumingin ako sa Mama nila ay mas lalong nanlaki ang mata ko.
"Miss Dianne? What the hell is happening in this world?" hindi makapaniwalang sabi ko. Ang sarap magwala.
"Mag-asawa kayo?" sabay turo ko sa kanilang dalawa. Hindi kapani paniwala promise. Sobrang baliw ang pagkakakilala ko kay Sir Harris habang sobrang strict but caring at the same time naman si Miss Dianne. Tapos ilang taon na silang kasal? Natiis nila ang isa't-isa? Unbelievable.
"Ang sakit mo namang magsalita, Miss Montreux." sabi ni Sir Harris sabay hawak sa dibdib nito. Napangiwi ako dahil sa pagiging isip bata nito.
"Hayaan mo na yan, Allison. Kain na tayo." hinila na ako ni Miss Dianne palayo kay Sir Harris na nagda drama pa rin. Nagsi upo na kami habang inaantay na mailabas ang lahat ng pagkain na niluto ng mga kasambahay nila.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...