Goo Good Dolls - Black Balloon
**
AllisonI woke up feeling relieved. Bridgette's back in Rosenburg.
Bumaba na ako papuntang sala matapos kong makaligo at makapag bihis. Nasa dining table na sina Dad at Blake na sabay kumain. Really? Parang mas anak pa ni Daddy si Blake kesa sa akin.
"Come here, Alice." para naman akong aso sa sinabi nito. Pairap akong lumapit sa kanila at umupo sa tabi nito. Kumuha siya ng plato ko at siya mismo ang naglagay ng pagkain dito.
"You were like her slave, Blake." Dad said and laughed.
"I'm not treating him like a slave!" giit ko. Inutos ko ba sa kanya lahat ng ginagawa niya? Hindi naman ah!
"I'm glad to serve Alice." ayan nanaman siya sa mga nakakakilig niyang mga banat. Bwisit ang aga aga pa eh!
Hanggang sa makasakay ako sa kotse ni Blake ay inaasar pa rin ako ni Dad. Inirapan ko lang ito. Matapos makapag paalam ni Blake dito ay sumunod na rin ito sa kotse at pinaandar ito papuntang Claymore. Gaya ng nakagawian ay sabay kaming papasok sa classroom pero hindi kami gagaya sa mga katulad nina Hope at Daniel na wagas kung maglambingan. Though, hindi kami ganun ni Blake. Mas madalas pa nga ata kaming mag-away kesa maglambingan eh.
Idagdag pa si Ate Blaire na kulit ng kulit sa akin na punta daw ako sa bahay nila. Iniisip ko palang na pupunta ako sa bahay nila ay kinakabahan na ako. Mamaya bigla kong makita ang parents nila. I'm not ready to be grilled!
"Hey, what are you thinking?" pukaw sa akin ni Blake. Kung saan saan nanaman pala nakarating ang isip ko. Ngumiti lang ako at umiling.
"Bridge, can you tell what happened?" tanong ko sa tahimik na babaeng parang paulit ulit na hinihiwa ang fried chicken na nasa plato niya. It's as if may iniisip siyang kapalit yung chicken na kaawa awa.
"Ha? About what?" she asked innocently.
"About you and Hiro. He's been aloof since you came back from your little vacation. Hindi na rin siya sumasama sa atin at kung sasama naman siya ay hindi siya nagsasalita. I guess, I have the right to know, Bridge." malumanay na sabi ko rito. I saw pain crossed her eyes.
"Later. I'll tell you all later." sagot nito. I really felt disappointed in her. I'm here to listen to her why can't she tell me? Nang matapos ang lunch ay hindi ako umiimik na bumalik sa upuan ko pagkabalik namin sa classroom. I just kept my mouth shut and listened to our teacher discussing something in front. Habang busy akong nakikinig sa sinasabi ng teacher namin ay biglang vibrate ang phone na nasa ilalim ng desk ko. Kinuha ko ito at binasa ang message mula kay Blake.
From: ♥♥♥
Just understand her. It might be a little sensitive to talk about. Smile babe :)
Nilingon ko ito at sinimangutan bago nagtipa ng menshae para rito.
To: ♥♥♥
We're in the middle of the class! Eyes in front!
Nang lingunin ko ito ay nakatitig ito sa cellphone niya na nakangiti. When he look at my side I looked away and focused my attention to my teacher but a small smile escaped from my lips. He never fails to cheer me up. I'm really lucky to have him.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...