13: Puzzled

14 2 0
                                    

Allison

It's been four hours since the incident. The corpse has been identified. She's Arlene Olivares, a sophomore student. Nang magtanong kami sa mga kaklase niya ay sinabi nilang hindi nila ito nakita matapos ang lunchtime. Nasa food club ito kaya imposibleng pumunta siya dito sa auditorium on her will. Ang food club ang nagma-manage ng pagkain ng mga bisita. Their members are limited for her to leave her post.

"The school covered it already." Bulong sa akin ni Bridgette habang nakatingin kay Principal Pemberton na panay ang ngiti sa mga media. Napairap ako.

"Nacontact na ang parents ng biktima. They'll go straight to the morgue." balita naman ni Blake na hindi ko alam kung saan nanggaling.

We've been stuck here for hours dahil dinumog ng mga taga media ang auditorium. Hiro has been looking at the ceiling for awhile now. Seryoso itong nakatingin sa kisame na para bang may lalabas doon.

"Paanong bumagsak mula doon ang biktima? Are you sure na walang nakapansin, Allison?" seryosong tanong ni Hiro sa akin.

"Principal Pemberton asked me to accompany the chairman. Kababalik ko lang din dito." sagot ko. Tumango lang ito sa akin at muling tumingin sa kisame. Is he trying to image what happened?

"It's imposible to hide someone up there. Depende nalang kung expert ang gumawa." tila nawalan na ito ng rason na maisip. It's really hard to solve this without the help of the police. Kung tutulong man ang mga ito, mamadaliin naman nila kaya parang wala ring nangyari.

"It's up to us now." sabay buntung- hininga ni Bridgette. Yeah, it's up to us now. Kung walang kikilos, hindi ito matatapos. Dadami ang mapapahamak.

"But, where are we going to start? Everyone's been busy all day. Imposibleng may makapansin pa sa culprit." I agree on Bridge.

"First let's check the CCTV recordings on the hallways of the auditorium. Baka nahagip siya ng camera pwera nalang kung nasa blind spot ito. But Claymore's crazy about security, so let's hope." sabi ni Blake and we all head to the monitoring room. Pagkapasok sa loob ay muntik pa kaming pagalitan ng mga naka duty doon. Pero dahil kilala naman kami ay pinayagan rin kaming ireview ang mga recordings.

"What time, Miss Montreux?" tanong sa akin ng isa. I looked at my friends.

"Simula ng buksan ang auditorium. Eight o'clock." sabi ko. Napakamot naman ito ng ulo sa narinig.

"Masyadong matagal para isa isahin natin Miss Montreux. Bibigyan ko nalang kayo ng kopya ng bawat recordings at kayo na ang manood." sabi nito at inutusan ang isa na kopyahin lahat ng video mula umaga hanggang sa mangyari ang insidente.

"Bakit mo nga pala kailangan, Miss Montreux?" biglang tanong nito bago ko pa makuha ang usb sa kamay nito.

"Someone's been found dead in the auditorium. Allison is from the club that uses the auditorium." si Blake na ang sumagot. I saw the fear that registered in the man's face.

"Jusko po. Sunod sunod na ang nangyayari sa school." sabi nito at napa antanda ng krus. Hinila ko na si Bridgette at lumabas. Sumunod naman ang dalawa sa likod.

"I'll send all the videos to your emails. Make sure to watch every video. Note every suspicious thing you noticed." seryosong sabi. They nodded in chorus.

"Seems like someone's not having her beauty sleep." parinig ni Hiro kay Bridgette. Napasimangot naman ito pero hindi gumanti.

"Also, we're going to ask around." pahabol ko.

"About the kid?" tanong ni Bridge.

"No. Sa mga galing ng auditorium. Lahat ng bisita ay auditorium ang unang pinuntahan pagkarating dito sa school. Kailangan nating malaman kung may napansin silang kakaiba. Whether it is someone or something." mariing utos ko sa kanila.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon