Motte - Don't Run Away
***
AllisonOnce upon a time, I was a cold heartless bitch full of hatred for my own mother. I got rid of everything that will make us remember her. And even the memories. Ayoko na ng may maalala sa kanya. Ayoko ng muling masaktan. That's why I promised myself to be successful without her. I'll survive without her. We will survive without her.
I was a firm believer of keeping promises. Hindi ko inaakalang ako pa mismo ang sisira sa pangako ko. How could I not accept her again if my dad longs for her? If I met Blake because of her? If I was protected from the Project because of her guards and snipers around me? Just how could I?
Si dad, siya lang ang meron ako sa nakaraang sampung taon. Siya ang nakasama ko sa mga panahong sirang sira ako dahil sa sakit ng pang-iiwan ni Mama. Siya ang kasama ko noong gumraduate ako ng grade school. Siya ang kasama ko sa mga contest na napapanaluhan ko. Siya ang kasama ko sa mga masasayang pangyayari sa buhay ko.
Binigay ni dad ang lahat ng gusto ko. He loved me like how he loved my mother. Tapos kaunting pagsasakripisyo lang ay hindi ko magawa? Walang wala naman ang sakripisyo ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin noon. I don't want to break his heart again.
I was looking emotionlessly on the mirror of my vanity. I was combing my long hair while thinking of ways how to avoid bumping into my mother. Yes, dito na siya sa bahay ulit nakatira. They even planned to buy a new house for us. And hell, they want me to live with them! I don't want to! I can't!
That's why I took my friends suggestion and also Blake's. Matapos magsuklay ay bumaba na ako. Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang tawa nina Mama at dad sa kusina. Nang makarating sa kusina ay naabutan ko silang nagtutulungan sa pagluluto ng almusal namin.
It feels weird. Sanay ako na si dad ang nagluluto at kasabay kong kumain. Ang weird lang na tatlo na kami sa lamesa tuwing umaga. I feel like I will never be used to this setup.
"Oh, Kate anak. Upo ka na dyan ginugulo lang ako nitong tatay mo eh. Stop it, Art!" saway niya kay dad na talaga naman ang kulit. Umupo na ako sa lamesa at inantay ang niluluto nila. Makalipas ang ilang minuto ay nikabas na rin nila ang pagkain. Fried rice, bacon and fried eggs. Si Mama ay umupo sa harapan ko at nakangiti pa talaga. Will I ever be used to this?
"Kain na, nak. Diba may pupuntahan kayo nina Blake?" tanong ni Mama. Nasabi ko na kasi ito sa kanila kagabi.
"Saan ba kayo pupunta, Kate?" tanong naman ni dad na naglalagay ng kanin sa plato niya at inabot kay Mama.
"Thanks." sabi ni Mama.
"Maghahanap po kami ng bahay na malapit sa Saint Claire." I blurted out and it made them silent for a moment. Sino ba namang hindi? Eh isang linggo palang naman ang lumipas mula ng tumira dito si Mama.
"Sigurado ka ba, Kate?" tanong ni dad at tumango ako.
"Mas madali kasi kung nasa Wilford ang kukuhain naming bahay para hindi na kami babyahe ng two hours araw araw." I explained to them. Malungkot naman tumango tango si Mama. Mukhang alam niya na rin ang dahilan kung bakit ako bubukod.
"You'll be fine right, dad?" tanong ko kay dad na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Maybe he didn't like the idea.
"Who will you live with?" seryosong tanong nito na parang isang imvestigador sa paraan ng pananalita nito. I chuckled.
"Bridgette, Hiro , and Blake, of course." sabi ko at marahang natawa. Dad and his protectiveness.
"Okay. But remember my rules, Kate. Diploma muna bago singsing." ayan nanaman siya. Hindi ko na nga alam kung matatawa ba ako o maiinis. Come on, Blake and I are two responsible adults.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...