32: They have started to move

13 2 0
                                    

***
Allison

I was awakened by my phone's constant ringing. Inis na kinuha ko iyon at agad na napabuga ng hangin ng makita ang pangalan ni Bridgette sa screen. Ano nanaman kayang problema nito?

"What the hell is wrong with you, Bridge? Don't you know that it's 3 fucking 13 in the morning!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Calm down. I'm really sorry, okay! But, ngayon ko lang kasi nabasa yung text mo. How about Blake? Magka away ba kayo kasi lagi siyang nagtatanong sa akin tungkol sayo. Ayos lang ba kayo?" how amazing she is. Wala siyang time para gantihan ang mga bwisit na nanakit sa kaniya pero may oras siya para pakinggan ang mga hinaing ni Blake. Really?

"Just a little misunderstanding. But going back, ano bang problema?" tanong ko but this time ay kalmado na ako.

"Yayayain sana kitang bumili ng damit para sa party na sinasabi mo." why am I friends with her again?

"Oh God, Bridgette. You called me this early for that? Just wear anything!" inis na sabi ko at ginulo ang buhok ko. I really need to sleep because I've been having trouble sleeping this past few weeks dahil sa sobrang dami kong iniisip.

"Basta samahan mo ako mamaya. I'll come pick you up! Skl, Kuya Sam gave me the car I used when I ran away. Naaalala niya daw iyon kapag nakikita niya ang sasakyan. Maybe papalitan ko nalang ng kulay. Sige na tulog ka na ulit. Bye~" agad akong napairap ng ibaba na nito ang tawag. Ang adik talaga ng babaeng yon pero mas lalong lumala ng maging brokenhearted. Nilapag ko nalang ang cellphone ko sa ibabaw ng bed side table at muling pumikit.

Kinaumagahan, pagbaba ko palang ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang ingay ng boses ni Bridgette. Nagkakalat naman si gaga. Nasa sala ito at nanonood ng spongebob squarepants habang kumakain ng popcorn. Feeling bahay ah.

"What are you doing here this early? Kumain ka na? Aga aga popcorn ka na agad." sunod sunod na tanong lo at pumunta sa kusina.

"Masyadong tahimik sa bahay. Di kasi sila sanay na hindi tumatambay doon si Hiro. Nakaka-inis na rin sila kaya dito muna ako maglalagi. Kumuha lang ako ng cereal dyan sa ref niyo." sagot nito na saglit ako nilingon bago muling binalik ang atensiyon sa harap ng tv. I shrugged my shoulders and helped myself to eat.

Habang abala sa pagkain ay bigla nagtext si Ate Blaire. Muntik ko na tuloy mabuga ang tubig mula sa bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla.


From: Scooby Doo's Daphne

Blake's gone mad. Anong ginawa mo dun? Ayaw magpapasok ng kahit na sino sa kwarto. Nag-away ba kayo, sis? Ilang araw na siyang hindi kumakain at puro tubig lang. I'm getting worried. Pakibatukan naman para tumino uli.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon