28: This won't kill me

13 1 0
                                    

Kelly Clarkson - Sober

***
Bridgette

"Thanks, Varron. I don't know what I'm going to do without you." I sincerely told him. He just smiled at me and just watched me na pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng mga tanong nina mommy at kuya Sam dahil hindi nila nakita si Hiro na ihatid ako. Nasanay na kasi silang ito ang naghahatid sa akin pauwi. Isa pa ang namamaga kong mga mata. Ilang oras ba akong umiyak?

Hindi ko sila pinansin at dire diretsong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama.

"It was just a game. It was just a game."

Paulit paulit ko itong naririnig sa utak ko. Napaupo ako sa kama ko at ginulo ang buhok ko. Tumayo ako at humarap sa vanity mirror ko and looked at my reflection.

"What happened to you, Bridge? You look like shit." I said to my said. Eyes as red as blood. Messy make up. Smudged eyeliner. What a mess! Kumuha ako ng tissue para alisin ang lahat ng ebidensiya ng heartbreak sa aking mukha.

I won't die from this. This won't kill me.

"Putangina." I cursed ng maramdaman ko nanamang tumulo ang mga luha ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko ngunit hindi ko magawa dahil sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit.

I'm still breathing but I feel like I just died. Ito ba yung sinasabi nilang nakakamatay ang breakup? Putangina hindi nga naging kami eh. Paano pa kaya kung naging kami edi ako nalang ang pumatay sa sarili ko kung ganon.

Kung tatanungin ako kung mahal ko pa? Oo agad ang sagot ko. Kung kaya ko pa? Tangina hindi na. Para akong mamamatay dahil ang hirap huminga.  Ang galing ko pa namang awayin si kuya Sam every time na nakipag break ang jowa niya. Kesyo ang oa niya at hindi naman niya ikamamatay ang breakup. Pero tingnan niyo kung anong nangyari sa akin. Tangina napaglaruan si gaga. Ang galing galing mag-judge ng mga katulad ko noon. Palibhasa kasi ay hindi ko pa nararanasan. Pero ngayong naranasan ko na nakakatangina ang sakit.

Parang kang pinapatay pero humihinga ka pa rin.

"Bridge? Are you okay?" tanong ni kuya Sam mula sa labas ng kwarto ko.

"I'm fine." I tried to sound okay but my voice betrayed me. It cracked.

"Can you open the door? Let's talk, Bridge." he asked me calmly.

"I'm really fine kuya. I just.... I just want to be alone." mahina kong sabi pero mukhang narinig ni kuya kasi hindi na ito muli pang kumatok.

I covered my mouth and cried for hours. I cried my heart out. I cried until I fell asleep hoping it'll be okay when I wake up.

Kinabukasan ay nagising ako sa paulit ulit na pagkatok sa pintuan ko. Sinundan iyon ng boses ni mommy, daddy, kuya Sam pati na rin ang lahat ng mga kasambahay namin.

"Bridgette? Are you awake now? Open the door?" Mommy's voice cracked. Akala siguro nila nagbigti na ako dito sa loob ng kwarto ko. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para patayin ang sarili ko. Tsaka hindi ako tatanggapin sa langit kung sakaling pinatay ko ang sarili ko.

I'm stronger than this. Ito ang lagi kong pinapaalala sa sarili para hindi ako sumuko sa buhay.

"I'm not going to school today." sabi ko ng malakas sapat para marinig nila at kumalma ang mga kaluluwa nila at para malaman nilang buhay pa ako.

Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila at tinuloy ang plano ko kagabi. I'm going to leave this house. Oops! It's not what Cami did. Babalik din ako kapag clear na ang utak at isipan ko. Kaya habang vibrate ng vibrate ang phone ko ay busy naman ako sa pag-iimpake ng mga damit. Kasabwat ko si Varron na siyang nagwithdraw ng cash na gagamitin ko kahapon. Kala ko ng pipigilan niya ako eh pero ang baliw umoo agad.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon