17: Really a suicide

15 2 0
                                    

Allison

Awkward atmosphere. That's the only thing we have. After that embarrassing curtain moment I kept my silence and let Blake take the lead. Dahan dahan lang ang lakad namin dahil kahit narinig namin na nasa baba na ang ibang guards ay hindi naman kami sigurado kung ilan ba ang nagbabantay dito sa school. Knowing Claymore, they must've hired at least twenty guards. Yeah, that's how obsessed they are with security.

"Why are you walking behind me? Walk beside me, Allison." maotoridad na sabi nito na muntik ng magpa-arko ng kilay ko. Kanina lang ang lakas nitong mang-asar sa akin ah. Ang moody niya.

"Okay." tipid na sagot ko at sinabayan na siya sa paglalakad. Nasa main building na kami at malapit na sa opisina ni Principal Pemberton.

"So what's the plan?" mahiang tanong ko kay Blake na magkasalubong ang dalawang kilay. Ano nanaman bang problema nito?

"Ikutin muna natin ang buong building para malaman natin kung may nagbabantay ba malapit sa opisina ni Principal." seryosong sagot nito.

"Let's split." sabi ko at akmang aalis na ng pigilan ako ng kamay ni Blake. I shot him a confused look.

"And why should we?" inis na tanong nito.

"Mas mabilis kung maghihiwalay tayo. Bitaw na, Blake." pilit kong hinihila mula sa kamay niya ang braso ko. I am starting to get irritated! Ano bang problema niya ha?! Mas gusto ko pang manahimik alang siya kesa ganito siya na nagagalit na hindi ko naman kung ano ang dahilan. Gosh! Ang mga lalaki talaha ay sakit sa ulo.

"No, Alice. Paano kung may nakasalubong ka na nagbabantay?" agad umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Is he underestimating me? Me?! Allison Montreux?! Is he serious?!

"Blake, time is running. We need to move fast. I can take care of myself. I'll meet you in front of his office after ten minutes." sabi ko. Hindi na siya nakaangal. Napagkasunduan namin na sa baba ako habang sa taas naman siya. Mabilis akong naglakad pababa at muntik ng mapamura ng makita ko ang isang guard na papaliko. Agad akong nagtago upang hindi niya makita.

"That was fucking close!" sigaw ko sa sarili ko. Nang makalagpas na ang lalaki ay naglakad na ako at nagmasid sa paligid. Wala na rin naman akong nakasalubong sa baba kaya umakyat na ako at hinintay si Blake sa tapat ng opisina ni Principal Pemberton thinking of ways how to open his locked door. I don't know how to do pick locking and didn't imagine myself resorting to it.

"Alice." napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Blake na nagpupunas ng kanyang pawis. Lumapit ito sa akin.

"You good?" tumango ako sa tanong nito.

"So, how would we open this door?" tanong ko sa kanya but he just shrugged his shoulders. Napatanga ako.

"Seryoso ka?" halos pasigaw kong sabi sa kanya. Natawa ito sa reaksyon ko. Lumapit ito sa akin at napaatras naman ako ng lumapat ang kamay niya sa aking buhok at may kinuha mula doon.

"Hey!"

"What?" tamad na tanong nito at hawak na niya ang hair clip na nasa buhok ko.

"Nothing. Go on." sabi ko. He eyed me suspiciously pero agad ding binawi ang tingin at lumapit sa pinto. Napabuga naman ako ng hangin. What's that, Al?!

Pinasok niya sa butas ng doorknob ang hair clip na galing sa akin at kinalikot ang doorknob. I'm not sure if it will work--

"Done." anunsyo ni Blake at binuksan ang pinto. Napanganga ako. Didn't expect it will work. Naunang pumasok si Blake at sumunod ako.

"So, where should we start? And what are you going to find?" bumaling sa akin si Blake. Hindi ako kaagad nakasagot. I don't even know what I have to find.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon