21: Doubting everything

15 2 0
                                    

Allison

Maaga palang ay naghanda na ako sa pagpunta namin sa Saint Claire. I decided na doon nalang mag-take ng entrance exam. Hindi ko alam kung anong decision nila Bridgette pero sigurado akong susundan ako nito.

Nagbigay na rin ako ng one hundred thousand worth of donation sa Grimstellar.

Well, nagtake na ako ng exam sa iba't-ibang colleges all through out Queensborough. Nakatanggap rin ako ng mga emails sa mga colleges sa ibang bansa para magtake ng exam sa kanila. Pero hindi ko tinaggap dahil ayokong iwan si Dad na mag-isa sa bahay.

Tumayo na ako ng marinig ang busina ng sasakyan ni Blake. Nasa back seat nanaman ang dalawang tukmol kaya wala akong choice kung 'di ang umupo nanaman sa passenger seat. Of course I have to act like I didn't like what they did when in fact I am singing thanks because of them. 

"Morning. Let's go." sabi ko.

"Sigurado ka na bang sa Saint Claire ka Ali?" tanong ni Bridge.

"Yeah." tipid na sagot ko.

"Then I guess, I'll take the exam today too." sabi nito.

"Seryoso ka? Baka hindi ka tanggapin dahil sa grades mo." sabi ni Hiro. Sinapak naman agad ito ni Bridge. Nagsimula nanaman silang mag-away. Wala talagang araw ang tahimik kapag magkasama sila.

"I'll take one too." sabi ni Blake. I turned to his side andraised an eyebrow. Sinigurado kong hindi kami makikita ng dalawa sa likuran. 

"Really? But I thought you'll go to Grimstellar?" tanong ko rito. Kasi kahapon masaya ito ng pumunta kami sa school nito noon. Too bad Brianna ruined it.

"Yeah. Kung nasaan ka nandoon din ako." natameme naman ako sa sinabi nito at hindi agad nakasagot. Aw, my poor heart can't take his sweetness. 

"Yun oh!" pang-aasar ni Bridgette na tapos na atang makipag-away kay Hiro. Matapos ang kalahating oras ay nakarating na kami sa Saint Claire. Agad kaming bumaba ng sasakyan at pumunta sa information office. Ako na ang lumapit para magtanong.

Kagabi kasi ay tinawagan ko ang Auntie ko na siyang headmistress ng Saint Clare kasama ang dalawang pinsan ko na mga teacher dito.

"Hello, I'm looking for the headmistress's office." magalang na tanong ko sa babaeng naka pwesto dito.

"Ahh. Nasa second floor room 13 po." nagpasalamat ako at agad dumiretso sa lugar na tinukoy nito. Nakasunod sa akin ang tatlo. Agad kaming pumasok sa loob ng opisina. Nakaupo si Auntie Leigh habang nagbabasa ng mga papeles.

"Secretary Amara, I already told that I'm waiting for someone. I'll attend that meeting after---" nahinto ito sa pagsasalita ng mag-angat ito ng tingin.

"Allisoooon!!" energetic na sabi nito at agad akong niyakap ng mahigpit. She's actually one of my faves.

"Auntie Leigh, it's been a while." sabi ko at tinapik ang likod nito para humiwalay ito ng yakap sa akin.

"Akala ko nagbibiro ka lang kagabi. Sabi ko tuloy kina Grey at Gael na baka hindi ka pumunta. Oh, may mga kasama ka pala. Hi, Bridgette." bati nito kay Bridgette.

"They're my friends. That tall one is Blake and that moody one is Hiro. Guys, this is my Auntie Liegh, the headmistress of Saint Claire." pakilala ko rito.

"Hello, please take care of our princess. Oo nga pala at kukuha kayo ng exam. Secretary Amara!" sigaw nito. Pumasok naman ang isang babae na siya atang secretary ni Auntie Leigh.

"Yes, headmistress Montreux?" tanong nito.

"Pakisamahan naman sila sa examination room. Daanan niyo rin si Grey at Gael, okay. See you later, Allison!" sabi nito. Lumabas na kami ng opisina nito.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon