Hero - Family of the Year
***
AllisonMagkahawak kamay kami ni Blake na naglakad habang hawak ko ang dalawang bouquet ng rosas. Naiwan naman sa kotse ni Blake si Bridge na panay ang reklamo dahil sa init ng panahon. Maaga pa naman pero sadya lang talaga na mataas ang araw.
"Ready, babe?" malumanay na tanong ni Blake habang nakatingin ako sa harapan namin. I don't know why my knees are wobbling. Am I scared?
"We're already here, Alice. Let's just end this. You know you need this too. Kuhain ko lang yung frame." he kissed my forehead before going back to the car to get the frame. Ako naman ay hindi na inantay si Blake na makabalik at nagsimula ng maglakad papasok sa sementeryo.
Rosenburg's Public Cemetery
Ang lugar kung saan inilibing si Desiree pati na rin si Olivares. Dapat talaga ay naghahanda na kami para sa aming graduation ceremony mamaya. Kaya lang ay pinilit ko si Blake at Bridge na dumaan muna kami dito. It's been months since the two of them died because of that damn project.
Isang linggo na rin ang lumipas simula ng sunugin ni Mama ang laboratoryo ni Principal Pemberton. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakikita. Maraming nag-assume na namatay ito o umalis na ng bansa kung sakaling nabuhay ito. Agad naman siyang pinalitan ng isang bagong principal. Hindi rin naman tumagal ang issue dahil abala ang lahat para sa graduation naming mga senior.
Lumapit ako sa lapida na may mga pamilyar na pangalan. Ang foundation ang umasikaso ng pagpapalibing nilang dalawa dahil nga nadamay sila sa kasamaan ni Principal Pemberton. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ng kapatid ni Desiree kahit ilang beses ko na itong tinangkang kausapin. Mukhang galit pa rin ito sa akin at ako ang sinisisi sa pagkamatay ng kapatid niya.
"Hey." bati ko sa pangalan na nakasulat sa lapidang kaharap ko.
Desiree C. Alvarez
"It's been a while, Des. I'm sorry kung ito lang ang nagawa ko para sayo. But hey, mukhang patay na si Principal Pemberton. Blaze's now safe with his family. Yung ate mo naman ay hindi ko papabayaan kahit pa ayaw ako nitong kausapin." kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng suot kong jeans. Pinunasan ko ang lapida nito na natatabunan ng mga ligaw na dahon at nilagay ang dala kong bulaklak.
"Sorry. Sorry, kasi dahil sa akin nadamay ka." lumuluhang saad ko habang nagsisimula ng sumikip ang aking dibdib. I feel so guilty. Kung hindi dahil sa akin hindi naman siya idadamay ni Principal Pemberton dahil lang sa nakita niyang mga papel. Sana hindi na lang niya binalak na sabihin sa akin. Sana ngayon buhay pa siya.
"Don't blame yourself, Al. Her sister is just too clouded with anger right now but I'm sure hindi ka rin niya sinisisi. Principal Pemberton is the one who's at fault here, not you." agad akong niyakap ni Blake mula sa likod ng makabalik na siya sa tabi ko. I nodded at him.
"Hey, Desiree. Sorry about the last time we talked. I'm really sorry I broke your heart. In your next life, you'll find someone who's better than me. May you rest in peace." sabi ni Blake bago niya tinabi sa nilagay kong bulaklak ang graduation picture ni Desiree na naka-frame. Sabay kaming tumayo ni Blake.
"It's over now, Desiree." bulong ko habang nakatingala sa kalangitan.
"Hey! Hindi pa ba tayo aalis? Ang init na kaya! Tsaka kanina pa ako hinahanap ni Hiro!" reklamo sa amin ni Bridge na naka pameywang. Napairap nalang ako ng banggitin niya ang pangalan ni Hiro. Ilang buwan matapos malaman ni Bridge ang ginawang panloloko sa kanya ay muli siyang niligawan ni Hiro, but this time with no hidden inentions, no games of pretensions.
BINABASA MO ANG
The Project Perfect
Mystery / ThrillerIt all started when a student commited suicide at the rooftop of an elite school. Allison, the campus princess of the said school was the only witness. Her almost perfect life will never be the same as danger starts to come after her. Can she unfol...