14: The show

15 2 0
                                    

Chapter's song: CLC - Show

Allison

So awkward.

Ito ang unang pumasok sa isip ko ng makarating kami sa school. Yeah. Everyone saw me getting out of Blake's luxury car. Kasunod ko namang lumabas si Blake.

"Sila ba? They've been really close these past few days." bulong ng isa sa gilid namin. Malaman ko lang pangalan mo di ka na sisikatan ng araw.

"Campus royalties." dagdag pa ng isa. I rolled my eyes at mas binilisan pa ang lakad. Nang makapasok sa loob ng classroom ay agad naman akong pinagtinginan ng mga kaklase ko. Kasunod ko kasi si Blake na walang ekspresyon ang mukha.

"What?" I sounded a little irritated kaya bumalik sila sa kani kanilang pinagkaka abalahan. Matapos ang nangyari sa foundation day ay napag pasyahang itigil na ito at bumalik kami sa aming regular schedule.

"You found something, Ali?" tanong agad sa akin ni Bridgette pagkaupo ko palang.

"Yeah. How about you?" balik na tanong ko rito.

"Wala naman. Nasa tenth video palang ako. I noted every suspicious thing for me. Pakita ko sayo mamaya." sabi nito at humarap na sa board ng dumating ang teacher namin sa Math. Bridgette has been studying real heard. Nakakapanibago man ay masaya ako sa pagbabago nito.

An hour later and the school bell rang. Lumabas na si Sir Daniel ng classroom. Nagsimula naman uling umingay ang klase kaya panay na naman ang saway ni Sheena sa mga ito. Bigla namang lumapit sa akin si Chienna.

"Ali." tawag nito. I look up to face her.

"Oh?" lumabas ito ng classroom kaya sinundan ko. She looks like something's bothering her.

"What's wrong, Chi?" malambing na tanong ko rito at lumapit.

"It's about what happened yesterday sa auditorium." now that she said it I became serious. Baka may sasabihin itong valuable sa ginagawa naming investigation.

"What about it?" tanong ko. Kita ko naman sa ekspresyon nito ang pagdadalawang isip.

"Come on, tell me." I held her wrist to make her face me.

"They killed the sophomore to scare you, Ali." takot na takot na sabi nito. My forehead creased.

"Elaborate please." hiling ko rito.

"Kahapon, may kumausap sa akin. Hinahanap ka niya. It was a guy but I'm not sure kung taga rito siya sa school. Sabi ko nasa auditorium ka. He thank me and left. I find him suspicious kasi may red marks yung white coat niya. Then...then." she started crying.

"Please, Chi. You need to tell me." pilit ko rito. Kung ang lalaking nakita niya ang culprit malaki ang tyansa na matapos na namin ang kasong ito ng walang tulong ng mga otoridad.

"Nilapitan niya yung sophomore na kumakain ng lunch niya sa may lounge. Tapos bigla nalang bumagsak yung babae. Pinigilan ko ang sarili ko na tumakbo. I'm really scared. Tapos bigla nalang silang nawala ng malingat ako. I tried looking for them but I couldn't. Tapos narinig ko nalang ang nangyari sa auditorium kinagabihan. I felt really guilty. I couldn't sleep kasi nagre replay sa isipan ko ang nangyari." sabi nito habang patuloy na umiiyak. It must have been really scary for her.

"Tahan na. It's not your fault  You tried, right? That fact is enough. Hush now." sabi ko rito. Nang matigil na ito sa pag-iyak ay bumalik na rin kami sa loob. Tahimik lang ako hanggang sa tumunog ang bell para sa lunch. Sinamahan naman nila Lauren si Chienna so I felt relieved.

"Why is Chienna crying? Inaway mo ba?" tanong ni Justin sa akin. Binato ko rito ang hawak kong ballpen.

"I did not! May kinuwento lang siya sa akin about the incident yesterday." sabi ko at inabot mula sa kamay nito ang ballpen na ibinato ko sa kanya. I'm not that bitch to make someone cry. I'm on my control mode.

The Project PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon