Aqua's POV
Nagising ako na nasa loob ng isang kotse. Nakita ko na sya ang nag ddrive.
Sarap yata tumalon palabas ng kotse."Kung ano mang iniisip mo, wag mo nang ituloy."
Aba, mind reader na yata to.
"Vaughn, itigil mo ang kotseng to." Utos ko. Hindi man lang nya ako pinansin.
"Pvtangina sabi nang itigil mo!" Sigaw ko at tinigil naman nya ang kotse. Muntik pakong mag ma untog. Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng kotse. Gabi na rin pala. Wala na ring tao sa paligid. May kutob ako na hinabol ako ni Vaughn pero wala akong pake alam.
Sh*t naliliyo pa rin ako.
Habang nag lalakad ay may nakita akong nag titinda ng ice cream!
"Kuya pabili po isa." Aba e sa nagugutom ako eh.
"Kuya dalawa na po." Sabi nung lalaking nasa likod ko. Ayt.
"Kuya kanya na lang po yan" At umalis na ko dun. Wala akong planong makipag usap sa kanya ngayon. Tumakbo ako ng tumakbo para lang hindi na nya ako makita pa.
Tatawagan ko na lang si kuya---Tyrone?!
"Aqua? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah."
"Ahm.. Pumapasyal lang hahaha"
"Ahh. Anong nangyari sa damit mo?"
"Ketchup lang yan. Medyo madungis ako kumain hahaha"
"Okay! Sabay ka na lang sakin?"
"Saakin sya... Sasabay."
"Oh Gab nandyan ka rin pala."
Hindi ko pinansin si Vaughn "Sige Tyrone sayo na lang ako sasabay." Nginitian naman nya ako at hinila papunta sa kotse nya. Wala na rin namang nagawa si Vaughn.
It was a silently painful ride. Wala rin naman akong lakas para mag salita kaya mas ayos nang ganito.
Bumaba na ako at nag pasalamat sa kanya.
"Aqua! You're finally home. Kanina ka pang iniintay ni Kristen-- Anong nangyare sayo?!" Sabi ng kuya.
At nandun nga si Kristen prenteng naka upo sa salas sinenyasan ko naman si kuya na mamaya ko na lang sasabihin.
"Aqua! Oh my Lord finally! Sh8 are you okay?" Sigaw ni Kristen.
Lumapit sya samin at sinabing may kailangan daw syang sabihin. Dun ko na lang rin sasabihin kung anong nangyari sakin.
Kristen's POV
Nag punta kami nila Aqua sa may veranda nila at nag simulang mag kwento kung bakit ko biglang sinabi na mag sskip kami.
*Flashback*
Shet naman. Inaantok ako bat ganun. Kung pede lang sanang hindi pumasok e. Papunta pa lang ako ng classroom nang may makita akong mga itim na pigura. I have a bad feeling about this. At dahil sa kuryosidad lumapit ako pero hindi nag pakita sa kanila.
"Yang apat na babae sa star section. Laging mag kakasama. Madali nyo silang makikilala dahil sa kakaibang aura na mayroon sila. Siguraduhin nyong hindi na sisikatan ng araw pa ang mga yan. Lalo na yung isa." Sabi nang isang lalaki. Bigla namang may nag patak na kung ano mang litrato mula sa isang lalaki. Malayo saakin ngunit kita ko kung sino ang nasa larawan na nag patak...
Si
Aqua.
Dun ko napag tanto na kami ang tinutukoy nyang apat na babae. At mukhang si Aqua pa nga ang target ng mga hinayupak na to.
Pupuntahan ko na dapat yung mga lalaki nang may humigit sakin---si Gab. Kanina pa pala syang nasa tabi ko. Which means aware rin sya sa nangyayari.
"Ako na bahala basta lumayo na lang muna kayo."
Agad ko namang sinunod iyon dahil may dalang mga baril ang mga lalaking yun. Mas magiging delikado kung dito magaganap ang kung ano mang mangyayari.
.
.Tama nga ako. Sinundan nila kami palabas ng school ngunit malayo sila samin. Nakita ko na rin si Gab na sinusundan yung mga lalaki at alam kong nakita rin ni Aqua yun kaya nag paalam sya na aalis. Tinry ko syang pigilan ngunit ayaw talaga. Pumayag na lang ako dahil baka hindi kayanin ni Gab yung mga yun. Sana lang okay sila.
Dumating naman si Grey, Jake, at Kyle na ipinagtaka namin.
"Bat kayo andito?" Ako yan.
"Kase nandito kami." Etong si Kyle mamaya sasapakin ko. Nag tatanong ako ng ayos nagpapaka gag* na naman.
Napansin kong nakatitig lang si Aera kay Grey, nag iintay ng sagot sa tanong ko kanina.
"Ahm.. Pinapunta kami ni Gab dito. Iuwi daw kayo ng maayos." May sumagot din na ayos. Si Grey nga pala yun.
"Bakit daw?" Tanong naman ni Flair. Grey just shrugged.
"Asan nga pala yung dalawa?" Tanong ni Grey.
"Mahabang kwento. Tara na lang umuwi." Aya ko sa kanila. Sana lang talaga okay sila. Nakatulala ako kung saang direksyon nag punta yung dalawa nang mag sigawan ang mga kasama ko. Akala ko naman kung ano na.
Ayaw magpa sakay ni Grey sa kotse nya kaya lang sobrang kulit ni Aera kaya nag pilit syang doon sumakay kahit ayaw ni Grey. Dapat doon rin sasakay si Flair nang humarurot na ang sasakyan ni Grey. Hinila naman ako ni Kyle para sumakay sa kotse nya. At katulad kanina tumakbo si Flair papunta sa direksyon namin nang umandar na ang kotse. Wala na tuloy syang choice kundi kay Jake sumakay hahahaha. Awa ko sa batang yun.
*End of Flashback*
Tapos na kong mag kwento at lahat ngunit tulala pa rin si Aqua.
"Earth to Aqua! Hello?" Sigaw ko ngunit imbis na sumigaw tulad ng nakasanayan, tiningnan lang nya ako.
"S-so kung hindi sinundan ni Vaughn yung mga yun, baka patay n-nako ngayon?" Tanong nya at tumango na lamang ako.
"Ano nga palang nangyari sayo?" Tanong naman ng kuya nya kay Aqua.
"Fight with some guys on my way back." Tipid na sabi nya at bumalik sa pag kaka tulala. Okay, something is definitely not right here.
"K-kailangan..." Panimula ni Aqua
"K-kailangan kong puntahan si Vaughn!" Sigaw nya at tumayo at tinangka na tumakbo papunta sa pinto nang hindi kayanin ng katawan nya kaya nabagsak lang sya sa sahig. Pinilit nya parin ngunit pareho lang ang nangyayari. Bumabagsak lang sya hanggang hindi na talaga kayanin ng katawan nya at nag collapse na sya sa sahig. Binuhat naman siya ng kuya nya papunta sa kwarto nya.
"Nag text sakin si Kyle susunduin ka na daw." Sabi ni Grey pag ka baba galing sa kwarto ni Aqua. Ano?! At bakit naman ako susunduin ng lalaking yun?!
"Bago mo itanong kung bakit, sabi nya,
Ako ang nag dala sa kanya dito so it's my responsibility to bring her back.
Yun daw." Pagpapatuloy nya. That definitely sounds like Kyle alright.
At tumunog na nga ang doorbell nila. Nakita ko na si Kyle na nag aabang sa labas. Hays. Nag pasalamat ako kay Grey at tuluyan na ngang umalis.
Tahimik lang akong nakasakay sa kotse nya ng may tumawag sakin. Si ate?
I accepted the call.
"Yes ate?"
"Uwi na ASAP. Andito sina mom and dad."
I immediately dropped my phone.
"WAG MO NA AKO IHATID! KUNG KAILANGAN KONG MAG LAKAD MULA DITO PAPUNTA SA AMIN GAGAWIN KO! WAG MO LANG AKO IHATID!" Sigaw ko.
---------
^__^
BINABASA MO ANG
His damn life
Teen Fiction[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.