Aqua's POV
Naaliw ako masyado sa tv sa room ni Vaughn. MAY NETFLIX! Hindi lahat ng ospital may Netflix ang tv nuh!
"Ako naman" Pag tatawag ni Vaughn pero di ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya nanonood ako ng Brothers Conflict eh.
"Antagal tagal na nyang labas at pustahan tayo napanood mo na yan! Ako naman" Patuloy nya pero di ko pa rin sya pinapansin. Nanonood yung tao dito!
"Kalamo sya yung pasyente" Bulong bulong pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Aba bakit ba? Gusto ko manood. Price ko na rin yun sa pag aalaga sa kumag na to.
WAH NAG KISS SILA NI SUBARU!!!
Pero mas gusto ko si Yusukeee!
"Halikan lang pala gusto mo lika dito" Naitapon ko yung libro, na randomly na nakapatong sa lamesa, papunta sa direksiyon nya. Head shot!
Deserve nya yun gag* e.
"Ansakit! Ako naman manunuod!" Bigla syang tumayo, not minding yung kung ano mang naka kabit sa katawan nya.
Pagagalitan ko na dapat sya nang kunin nya ang remote na hawak ko. Binigyan ko sya ng isang nakamamatay na tingin.
Nginisian nya ako at nag tatakbo ng paikot ikot sa kwarto na sinundan ko naman. Aba, kelangan ko yung remote!Nang mapagod na ako kahahabol sa kanya ay tumalon ako sa upuan at derecho ang landing sa mukha nya.
*blag*
*creek*
*snap*
Lahat yan ay nangyari sa parehong oras. Ang pag kahulog naming dalawa sa sahig ay kasabay ng pag bukas ng pinto at pagka putol ng naka kabit sa katawan ni Vaughn.
Tiningnan namin yung nagbukas ng pinto at bumungad samin ang kapatid ni Vaughn na si Kuya Denver na napaka oa at may pa takip takip pa ng mata.
"Hoy kayong dalawa! Kung hindi nyo na mapigilan, dapat sa hotel kayo nag punta or pede rin namang sa bahay! Dapat dun nyo ginagawa yang pag gawa nyo ng bat- ARAY BON BON-- ITIGIL MO YAN!" Sigaw ng kuya ni Vaughn nang pag babatuhin sya ng kanyang kapatid ng kung anu anong bagay na mahagilap.
Dahil hindi na makayanan ni Kuya Denver ang ginagawa sa kanya ng kanyang kapatid ay napilitan syang lumabas ng kwarto.
Natawa ako sa kanila lalo na sa nickname ni Vaughn!
"Stop laughing and get off me!" Sigaw nya at tatawa tawa akong sumunod.
"Yes sir Bon Bon- pfft- hahahahaha" Sinamaan nya ako ng tingin at binuksan ko naman ang pinto upang papasukin ang kuya ni Vaughn.
Tumawag rin ako ng nurse para ayusin yung nabigtal na nakakabit kay Vaughn.
"Hoy, ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Vaughn sa kanyang kuya. Ni hindi man lang nya tinawag na kuya ang kanyang kapatid.
"Respeto mo, asan? Tsk, binibisita ko lang naman si Aqua." Ako daw? Laki ng sapak sa ulo neto. "Diba Aquaaa?" Lumapit sya sakin at bigla bigla na lang akong niyakap. Na estatwa ako dahil sa pagka bigla. Ahhm??
Tiningnan ko si Vaughn na masama ang tingin sa kanyang kapatid habang nag labas lang ng dila si Kuya Denver na tila ay nang aasar.
Isip bata talaga to?
Binitawan na ako ni Kuya Denver at ngumiti sya kay Vaughn ngunit bakas dito ang pagka lungkot niya.
"Heather" Isang salita pero biglang nag bago ang aura ng mag kapatid.
For a second, I saw a hint of sadness in Vaughn's eyes but replaced with anger right away.
"Get out please." Paki usap ni Vaughn habang naka tingin saming dalawa ng kapatid nya. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang rin ako.
Nag punta kami sa may veranda ng 4th floor.
Kating kati nako mag tanong kay Kuya denver pero ayoko namang maging chismosa kaya pinili ko na lang tumahimik.
Sino ba talaga si Heather?
"Heather is our sister." He said with a smile flashing on his face.
Napa tingin ako sa kanya nang sabihin nya yun.
"She's a year younger than you but your attitude reminds me of hers" Naka ngiti pa rin sya nang sabihin niya iyon.
"Where is she?" Hindi ko na napigilan pang itanong.
"Nasa malayo. I miss her, I miss our princess."
"Bat di nyo puntahan?"
"Vaughn tried once." Isang mapait na tawa ang sumunod sa kanyang sinabi na ipinagtaka ko.
"But she's not here? Saang bansa ba naka tira yung kapatid nyo?" Takang tanong ko. Hindi ba dapat kasama na nila ang kapatid nila ngayon?
"Andun na sya oh. Living peacefully." Pilit na ngiti ang kanyang ipinakita habang naka turo sa taas. Nabigla naman ako sa sinabi nya. Kaya pala hindi mapuntahan.
"W-what? So anong ibig mong sabihin dun sa sinubukan ni Vaughn na puntahan sya?"
Mag sasalita na dapat sya ng unahan sya ng lalaking nasa likod ko.
"Ayusin mo na ang kailangan ayusin para makalabas nako dito, denver." Sabi ni Vaughn at napa tango na lamang si Kuya Denver at umalis na nang hindi oa naiituloy yung sinasabi nya.
Akala ko ay babalik na sya sa kwarto niya ngunit tumabi sya saakin.
"Hey about Hea-"
"Let's not talk about her." Hindi na naituloy ang tanong ko dahil seryoso nyang sinabi iyon.
Okaay. Not the right time to know Heather then.
"What happened to you nga pala? Yung kay Lance?" Nabaril ba sya or ganun ganun.
"Yung huling suntok sayo ay kasabay ng putok ng baril nya, naka harap sakin ngunit may sumipa sa baril na hawak nya kaya hindi derektang sakin tumama ang bala. Nadaplisan lang ako sa braso." Turo nya sa benda sa braso nya.
"Sinong sumipa sa baril?"
"Yung lalaking kasama mo lagi. Mag isa nyang nilabanan yung mga kampon ni satanas at sya rin yung nag labas satin sa pesteng Hotel na yon."
Nykyryl.
That explains his scars and bruises. Hindi ko na naman na tanong kung ano yon nung isang araw.
"Tinawagan ako nung lalaking yun. susunduin ka na daw kasi hinahanap ka na ng mom mo." Yan qng huling sinabi nya at iniwan akong mag isa sa veranda.
---------
BINABASA MO ANG
His damn life
Teen Fiction[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.