Kristen's POV
"Wake up tintin" Nagising ako dahil inaalog ako ng animal kong katabi.
"I'm awake, stop shaking the frick out of me."
"Makakalampas na kasi tayo, napaka himbing mo kasi matulog." Inunahan ko na sya sa pag baba.
Nang nasa tapat na kami ng mall ay nakita ko ang sarili ko sa reflection. I'm wearing a leather jacket. Great.
Sinamaan ko ng tingin si Kyle na patay malisyang naka suot ang kamay sa bulsa ng hoodie nya at naka tingin sa malayo.
Ay potek.
Hindi ko na rin naman binalik dahil nilalamig na din ako.
Yan tube pa Kristen.
Dere derecho lang ako ng pag lalakad hanggang maka rating sa entrance ng forever 21.
Papasok na dapat ako ng hilahin ako ni Kyle. Chill, Kristen Gail Alonzo.
Breathe in and out.
"Kain muna tayo pleaseee??" I swear itatapon ko to palabas ng mall. Kakakain lang namin wtf.
"Ganito na lang, kumain ka, at ako papasok dito." Turo ko sa forever 21. Para akong kumakausap ng 5 year old.
Bigla syang nag pout at umiling. Taena 5 year old nga yata ang kasama ko ngayon. Mukha syang iiyak kung hindi ko sinamahan.
Napa buntong hininga na lang ako at tinanong kung san ba nya balak kumain.
Bigla namang lumiwanag ang mukha nya at ngumuso sa sign ng dairy queen.
Ay ice cream ang gusto.
Tumango na lang ako at dali dali nya akong hinila papunta dun. Ang hyper din ng taong to.
Nang maka rating kami doon ay naupo ako sa isang tabi at hinayaan nalang sya mag order.
Bahala sya basta hindi ako nag dala ng wallet.
Iniwan nya sa table namin ang cellphone nya.
Napa smirk naman ako dahil sinapian ako ng pagiging evil.
Kinuha ko yon at pinilit na inisip ang password.
Matalik na magka ibigan kami noon kaya tinry ko yung password nya sa dati nyang phone.
Sana lang talaga hindi nya iniba.
Sitintintae
Nag bukas.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nabuksan ko o mayayamot dahil aish bahala na nga.
Una kong tiningnan ang mga snap nya. Pinipigilan ko na lang tumawa dahil sa mga nakita kong pictures nya. Mukha syang ulaga hahahaha
Shempre nag picture ako sa snapchat nya para naman may maayos na mukha syang makita dun.
Nahawa nako sa pagiging mahangin ni Flair.
Nexxxt, gallery naman kaya? Scroll lang ako ng scroll dahil puro mukha na naman nya yon. Di ako interesado.
Naka rating ako sa mga pictures na mukhang dati pa nakuhanan.
I think these are from his old phones kasi imposible namang ganito ang quality ng photos kung nakuhanan sila gamit tong current phone nya.
Napa tigil ako sa pag sscroll ng makita ko ang picture naming dalawa.
Naka ngiti sya sa camera habang ako naman ay naka focus ang tingin sa binabasa kong libro. That's definitely me alright.
Nag scroll pa ako at muntik nang malaglag ang cellphone na hawak ko nang may makita akong litrato na hindi ko alam na nag eexist.
BINABASA MO ANG
His damn life
Novela Juvenil[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.