Chapter Number 18:

36 4 3
                                    

Kristen's POV

"Iho, ngayon ka na lang ulit dumalaw." Malungkot na sabi ni mom at nag papaawa effect pa. Ina ko talaga to?

Sasagot pa lang dapat si Kyle nang mag salita si dad.

"Oo nga. Mag kasama nga pala kayo ng anak ko? Kayo na ba?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig sa sinabi ng ama ko. Kaya ayaw kong papuntahin dito si Kyle eh! Hindi ko alam kung bakit pero paboritong paborito ng magulang ko yang punyemas na Kyle na yan. Simula pa nung pagka rating nyan ay hindi na tinigilan ng magulang ko na intrigahin sya.

"DAD! HINDI NGA PO KAMI AT KAHIT KELAN HINDI MAGIGING KAMI!" Sigaw ko na ikinabigla ng lahat lalo na ni Kyle. May nasabi ba akong masama? Totoo naman lahat yun a?

"Okay, okay. Hindi mo kinailangang sumigaw Kristy." Sabi ni mom na ikinairita ko naman. Yan na naman sila sa nickname ko. Hayst. Hindi pa pwedeng Kristen na lang? Tinitigan lang ako ni Kyle.

"High blood ka na naman Kristy. Hinay hinay baka matuluyan ka." Singit naman ng magaling kong ate.

"Ah ganyan. Mom, dad, nakita ko sina ATE KYANNA at si KUYA MICO (bf nya) nag hahalikan kanina sa kotse! Magkakainan na sila ng mukha!" Parang batang sumbong ko.

Imbis na mainis tinawanan lang ako ni ate. At bakit na naman?

"Naiinggit ka lang kasi ayaw kang halikan ni Kyle!" Sumbat nya at nag tawanan sila nina mom and dad habang napaubo naman si Kyle. Get me out of this place!

"May I borrow Kristen for a second?" Paalam ni Kyle na ikinabigla ko at pumayag naman ang magulang ko. Of course papayag mga yon.

Dinala nya ako sa may fountain namin. Malayo mula sa kinaroroonan ng magulang ko kaya kahit mag sisigaw ay hindi nila maririnig.

"Do you need anything from me?" Panimula ko.

Hindi naman sya sumagot at tumingin lang sa mga bituwin sa taas. Lumabas kami para lang tumingin sa mga bituin?

Tumingin sya sakin at hindi ko mabasa ang expression ng mukha nya. Ngumiti sya pero hindi normal na ngiti yun. Ewan! Hindi ko sya mabasa bakit ganun?

"Mahal mo pa rin ba?" Tinanong nya yun habang naka ngiti. Alam kong si Elijah ang tinutukoy nya. Ex ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Tintin..." Tawag nya. Sya lang ang nag iisang taong tumatawag saakin ng nickname na yun. Inis na inis ako sa nickname na yan ngunit wala akong maramdaman na galit ngayon.

Hindi ko alam ang isasagot!

"Hays Cintra." Muntik na akong madala sa awra nya nang "MAHAL KA PA NETONG KATABI KO OH! GINAGO MO NGA LANG!" Sumigaw ba naman!

Sisigaw na dapat sya ulit ng basain ko sya ng tubig mula sa fountain. Wrong move yata yun. Tiningnan ako ni Kyle ng masama, binaba ang jacket nyang suot at nag smirk. Sh*t! Nag umpisa na akong tumakbo at tama ang hinala ko. Hinabol nga nya ako! Nag pa ikot ikot lang kami sa fountain.

"JEREMY KYLE GONZALES---AHH!--TIGIL NA! BILI-- KYLEE!!" Pa tuloy nya parin akong binabasa kaya ginagantihan ko lang sya.

Nang na-kontento na kami sa ka childishan namin ay agad namang lumapit saakin si Kyle dala dala yung jacket nya.

"Tin, wear this. Magkasakit ka pa, konsensya ko pa yun!" GINAWA LANG PALA DAHIL SA KONSENSYA! E bakit nga naman nya gagawin yun diba. Makes sense lang yun.

"Mga bata kayo oh! Gabing gabi na kayo nag basaan! Baka magka sakit kayo, maligo na kayo." Salubong na sumbat ng mom ko pagka pasok namin ng bahay.

Naligo ako sa banyo ng kwarto ko at malay ko sakanya kunsaan sya. Pinahiram naman sya ng damit na pag mamay ari ng boypren ng ate. Tinawag na kami para kumain.

"Iho, gabi na at delikado na sa daan, can you just stay here for the night?" Tanong ng dad ko. Kyle looked at me for approval. Bat naman sakin sya hihingi ng approval? I just shrugged as an answer. Tumingin sya kay dad at nag smile.

"Sure po... Tito?" Halatang hindi sya sure sa kung anong itatawag kay dad hahaha! Mukha namang napansin yun ng mga tao sa paligid namin at tumawa na rin.

"Tito is nice but i prefer dad" Sabi ni dad nang naka devilish smile. Napa iling na lang ako sa kanya.

"I don't think that your daughter approves hahaha! Tito na lang po at baka masuntok pa ako neto sa galit" Turo sakin ni Kyle. Ang lalaking to talaga nakaka p*ta. At tumawa naman sila as usual.

"Kristy! Inaaway mo si Kyle?" Sumbat naman sakin ng ina ko. Yung totoo? Sino bang anak nila?

Flair's POV

Aba nga naman. Pinaka una ako saming apat? Magaleng magaleng magaleng! At dahil nga una ako, nag libot libot muna ako sa paaralang ito. Andaming haunted-- este vacant rooms. Pero mukha silang bodega. Hindi naman sa judgemental ako pero tinambakan nga kasi nila yun ng kung anu ano.

Kusa akong dinala ng mga paa ko sa kunsaan mang lugar na pinalilibutan ng haunted rooms. Jusme! Nung nasa pinaka dulo na ako ay may nakita akong kakaibang room. Di hamak na mas malaki sa iba at mas malinis rin. Kaso hindi ko alam pero parang may kakaibang aura na naka palibot sa kwartong iyon.

At dahil isa akong usiserang ops hinde palaka! Usisera lang! Tiningnan ko yung nasa loob ng kwartong iyon. H-hindi ko alam kung anong gagawin. Dahil sa takot at ayoko rin munang mag take ng risk, tumakbo ako pabalik ng room namin.

"Whoy Flair! Nyare sayo at hingal na hingal ka?" Tanong sakin ni Aera. Mukhang sya lang yung nasa mood. Si Kristen kase ay simangot na simangot habang lutang naman si Aqua. Ano bang nangyare? Well alam ko pala yung nangyare kay Aqua kahapon pero bakit tulala pa din sya? May nangyare pa ba?

Nabigla naman kaming apat nang tumabi sa amin yung apat na lalaki na sina Gab, Kyle, Grey, at Jake.

"Anong ginagawa nyo dito?" Sabay sabay na tanong naming apat na babae.

-------------

Ehe.

His damn lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon