Author's Note
Mas maraming mura dito than usual ahee. Warning to, hahaha.
Kyle's POV
Naglikha ng isang malakas na tunog ang pag hampas ko ng raketa sa pader.
P*ta talaga.
Mine and mine only?
Anak ng. Hindi ako isinilang ng ina ko para maging cheesy.
Tas t*ngina naman, fiancé?!
Hindi ko tanggap malamang!
Mas tanggap ko pa sana kung sinabi nyang boyfriend nya si Jake diba.
At least kay Jake, alam kong mabait yung tao.
E yang t*nginang Elijah na yan?
Ni wala yang ginawa kundi paiyakin ang taong gusto ko.
Binasura nya yung taong pinapangarap ko.
Isang malaking p*tang*na.
"Pare, alam kong nag re-recite ka ng alphabet ng mga mura dyan sa utak mo kaso may tanong ako e, paistorbo ah?"
Kunot-noo kong hinarap kunsino man ang pumasok sa gym.
Akala ko ba ni-lock ko to?
"Ah, bakit andaming nakakalat na raketa?"
Tiningnan ko sya ng masama. "Idelfonso, baka gusto mong ikaw ang gawin kong raketa."
"Hoy teka! Mag tatanong lang e."
"Nag tanong ka na ah."
"Hindi naman kasi yon ang tanong ko."
"Pero tanong pa rin yun."
He sighed.
"Init ng ulo letse. Nasaan si Kristy?"
Ang naka kunot kong noo ay mas lalong kumunot.
"At bakit mo sakin tinatanong?" Medyo iritang tanong ko.
"Pinapauwi sya ni Tita. Kanina pa kasi namin sya hinahanap kunsaan saan dito sa campus, wala talaga."
"Bakit raw pinapauwi?"
"Nasa bahay raw nila yung fiancé ni pinsan. Kakausapin yata tungkol sa kasal. As soon as she's legal yata kasi e ikakasal na sya. Mag susukat yata ng-"
"Walang preno yang bibig mo hano? Kelangan ipa mukha? Harap-harapan?"
"Pwe! Pede namang sabihin mo na lang sakin na tigil na! Hindi mo kinailangan isubo sakin yang shuttle cock! G*go! Ang dumi-dumi! Pwe! Pwe!"
I shrugged.
"Ingay mo kasi. Wag kang mag alala, it's new, fresh out of the box."
"F*ck you."
"Ew, I don't do men."
"KILABUTAN KA NGA! KADIRI! AS IF I'LL BED YOU! G*GO!" Sigaw nya at pinag babato sakin yung mga shuttle cock.
Nag switch ata kami ng role ni Vaughn.
Iniwanan ko na sya at lumabas na ng gym.
Saktong naka salubong ko si Aqua.
"Pst, sabi ni Vaughn sakin kanina, ampangit mo raw saka napaka maldita mo daw."
"Ano?!" I shrugged and pointed the gym.
Patakbo syang nag punta sa gym.
Ang galing mo talaga Kyle.
Okay, time to find that somehow engaged woman.
BINABASA MO ANG
His damn life
Fiksi Remaja[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.