Aqua's POV
A week has passed simula nung nagkaalaman ng mga relationship status naming mag babarkada.
Aera and Flair had been a bit distant from us. Si Flair ay laging kasama si Keith at si Aera naman ay..
"Hey, ya'll know the drill. Una nako seeya tomorrow!" Ayan. Palagi na lang ganyan. Pag break, lunch, at vacant ay laging nasa cellphone at kausap si Louis. Tapos kapag uwian naman ay lagi syang nauuna kasi may date pa daw sila.
Ewan ko ba.
Si Tin naman ay ilang araw nang iniistorbo ni Kyle. Awa ko na lang sa lalaking to. May fiancé na yan oy.
Ako naman ay syempre pa chill chill lang. Single eh.
"Bunso, sabay ako sayo pauwi. Flat ang gulong ng kotse ko."
"Ge basta ikaw mag da-drive."
"Lagi naman diba" Inirapan ko na kang si Kuya at pumasok sa loob ng sasakyan.
"Hoy. Sino ang kausap ni Aera tuwing vacant?"
"Aba malay ko."
"Eh, alam mo ba kunsaan sya nag pupunta kada uwian?"
"Oo"
"Saan?!"
"Itanong mo sa kanya."
"Ayaw nga kasi sabihin."
"Edi kawawa ka." Sinamaan nya akong tingin, i sighed.
"Kailangan nyo na talagang mag usap, dalawa. Gusto mo sya diba?" Tumango sya. Napa ngisi na lang ako. Wala na sya sa in denial stage! I'm so proud. "Meaning, may masasaktan sainyong dalawa and most likely, ikaw yon. Ingat kuya." Naguluhan sya sa sinabi ko.
"At bakit naman ako masasaktan aber?"
"That's not my story to tell, kuya. Either tanungin mo sya or intayin mong sabihin nya. That is, kung may plano syang sabihin sayo ang nangyayari sa buhay nya."
"Ayoko ng nangyayari ngayon. She's been so distant and it's pissing me off." Pagmamaktol nya.
"Kaya nga kausapin mo."
"She's so close yet so far."
"Huh?" Takang tanong ko.
"Kasama ko sya pero lutang naman ang isip nya. Gusto kong malaman kung ano ba yung iniisip nya at hindi nya magawang ituon ng kahit saglit sakin ang atensyon nya."
"Kausapin mo ngaaa!"
"Oo na, oo na. Sana lang ay kung may dapat akong malaman, sakanya mismo manggagaling at hindi sa iba." Awtsu. Kailangan ko na yatang i remind si Aera na sabihin na kay Kuya.
"Bunso may tanong ako."
"Oh?"
"Kung sakaling ligawan ka ni Vaughn at ni Nykyryl ng sabay, sino ang sasagutin mo?" Napa kunot-noo ako sa tanong ni Kuya.
"Kung sino yung gusto ko malamang. Maaaring wala sa kanila?"
"May gusto ka nga ba ngayon?" Tanong nya muli.
"Ahm hindi ko alam."
"Aqua, kapatid moko. Alam kong isa sa kanilang dalawa ang gusto mo. O maaaring hindi mo alam kung sino sa kanila. Kasi hindi ka basta basta nag papa tabi sayo sa kama. Kahit nga palapitin sa kama ayaw na ayaw mo e."
Hindi ko rin alam kung bakit ko hinayaan na tumabi si Nykyryl o si Vaughn sakin.
Ampotek talaga.
BINABASA MO ANG
His damn life
Jugendliteratur[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.