Chapter Number 20:

40 4 1
                                    

Author's note:

The book cover was made by obliviousE27 check out her stories if you have time! Thank you!

Aqua's POV

Maraming nag bago pagkatapos ng araw na yun. Si Keith ay miyat miyang sumusulpot sa tabi ni Flair at mukhang nasanay na naman si Flair doon. Yun nga lang, palaging nag aaway ang dalawa. Yung pang batang away! Pero tatawanan lang ito ni Keith kaya mas lalong naiinis si Flair sa kanya.

Si Nykyryl naman, close kami dati at close pa rin kami ngayon. Nykyryl was my childhood best friend. Kilala sya nina Flair, Kristen, at Aera of course. So naging madali para kay Nirikel na makisama saamin. Kilala rin sya ni Kuya kaya may tiwala na sya dito kaya hinahayaan nya na mag kasama kaming dalawa.

Yung tatlong lalaki naman, si Gab, Jake, at Kyle ay hindi masyadong komportable sa dalawang bagong lalaki. Hindi ko nga lang rin alam kung bakit.

Oo nga pala, yung box na binigay sakin ni nirikel. Customized silver necklace sya na may nakalagay na cursive nirikel as a pendant. Oo nirikel at hindi nykyryl. Sabi ni nirikel, ibibigay dapat nya yun bago sya maka alis ng bansa kaso naging biglaan ang pag alis nila kaya hindi na nya naibigay. Hindi ako nakaka alis ng bahay ng hindi naka suot ang binigay nyang yun hahahaha.

Kaklase na namin ang dalawang lalaki at mag tropa pala sila.

Okay, 3 days before Interschool. Lagi naming kasama yung dalawa kasi boring naman daw sa room. Nakatambay lang sila sa tabi at pag nag break na, halos magkanda dapa na sila papunta sa amin. Excited much.

Tumunog yung buzzer sa SMA meaning break na. Tumakbo si Nirikel papalapit sa akin at naiwan si Keith mag isa sa bench. Di pa kasi break sina Flair.

"O tubig" Hinihingal pang sabi ni Nirikel.

"Thank you Nirikel"

"Nykyryl!"

Tinawanan ko na lang sya at uminom ng tubig. Nagulat ako ng suotan nya ako ng headband. Yung pang sports.

"Your hair was in the way." Sabi nya at ngumiti. Bakit ba wala pang girlfriend ang nilalang na to?

Inayos nya rin ang knee pads at elbow pads ko na hindi ko na naayos kanina dahil sa pag mamadali. Napatawa na lang ako.

"Thanks dad" Natatawa kong saad. Bahagya naman nya akong tinapik sa ulo  at tumawa na rin.

Sa gitna ng tawanan namin ay may biglang humigit sa akin papunta sa court.... Vaughn.

Nakita ko na mag sisimula na pala ulit ang practice kaya marahas kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko. Mukha namang nabigla sya ngunit hindi nya pinakita. We still haven't talked after that day. Not that I'm still mad about it. I'm just... Aish ewan!

Flair's POV

Na late ang break namin kase aba malay ko! Pag ka ring ng buzzer namin ay tumakbo kaagad yung kupal palapit sakin. Oo kupal na ngayon si Lewis.

"Sa wakas nag break na din kayo!" Hinihingal pa na sabi ni Lewis. "Pero pag naging tayo hindi tayo mag be break" Naka banat pa nga ang kupal na to e.

"Shawn Keith Lewis, hindi ka ba napapagod?" Seryoso kong tanong sa kanya. Mula kasi ng araw na halikan nya ako ay palagi na syang nandyan sa tabe tabe.

"Bakit ako mapapagod? Kung cellphone ako at ikaw ay battery, anong saysay ko kung wala ka?"

"Wala ka naman talagang saysay." Hinawakan nya pa ang dibdib nya na parang nasaktan. "At nakaabot ka nga ng 16 ng wala ako." Patuloy ko pa.

"Ah basta hindi ako napapagod! Oh pagkaen gusto mo?" Muntik ko nang ingudngod yung mukha nya sa pagkain na dala nya.

"Eto naman! Joke lang e! Alam ko naman na hindi pede kasi baka mag suka ka dun!" Depensa nya ng muntik ko na syang sapakin. "Oh, water muna. Sama ka sakin mamaya libre kita ng milk tea at shawarma." Naka ngiti pa yung asungot. Kinuha ko na lang yung tubig at ininom.

"So payag ka na? Ha? Ha? Ha?"

"Hatdog! Pucha ang kulit mo ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Pero payag ka nga? Psst, psst, psst payag ka? Payag ka diba?"

"Tang*na oo na! Oo na!" Iritang sigaw ko. Nakakairita tong kupal na to ah.

"One vulgar word is equivalent to a kiss." Sabi nya na ikinabigla ko. He can't do that right?

"Nyenye hindi mo naman kaya pakyu! Hahahahah---" Hinalikan nga ako!! Tinulak ko agad sya ng bumalik ako sa reyalidad.

"What the" I cut my own sentence. "Madaya ka! Wala kang permission! Madaya madaya madaya! At kahit man humingi ka ng  permission, asa namang papayagan kita!" Tuloy tuloy kong sabi. Ugh sino ba sya para gawin yun?!

"Sige mag mura ka pa." Nanunukso nyang saad. Ghad! Shawn Keith Lewis is gonna be the death of me!

Bigla syang sumigaw ng malakas "Kita nyo tong pala murang babae na to?" Turo nya sa akin. Naka tingin na samin ang lahat. "Paki sabi saakin kapag nag mura ulit to para mahalikan ko! Salamat!" WTFFFFF?! Nag hiyawan naman ng "ayieeee" ang mga tao sa SMA.

"Lewis! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Medyo galit na sigaw ko.

"Ina announce sa lahat" sabi nya at nag wink. Buti na lang tinawag na ulit kami para mag practice dahil kung hindi, baka nasapak ko na yung lalaking yun.

Napansin ko namang may mali sa paglalaro ni Jake. He's usually calm and collected pero hindi yun ang nakikita ko ngayon. Nag lalaro sya without caring about a single thing around him. Parang nakikipaglaban sya pati sa mga kakampi nya at lalo na sa mga kalaban nya. At dahil kilalang kilala ko sya, Galit sya ngayon. Ang nakakapag taka ay wala akong makitang kahit anong rason para magalit sya.

Dati, pag ganito sya pupunta lang kami sa may dalampasigan, hahanapin yung paborito naming mag titinda ng dirty ice cream. Sa simpleng ganun, sobrang saya na namin. Pero sabi ko nga, dati yun.

Kaya kung akala nyo ay nagkaka ganyan sya dahil sa nangyari kanina, yung kay Keith, mali kayo. Tinapos na nya ang pag kakaibigan na iningatan namin ng ilang taon.

Tinapos nya ng hindi man lang inalam kung anong mararamdaman ko.

Hindi na sya yung Jake na kilala ko. Hindi ko alam kung sino yang nag lalaro ngayon sa harap ko. Kung sino man ang pvtanginang kumuha sa dating Jake, please ibalik mo na sya.

-------------
Naol ;>

His damn lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon