Aqua's POV
Potek. Pano nga kami mag di-discuss kung bantay sarado kami dahil sa tracker na to?!
"Oh ano na nga plano natin Aqua?" Tanong ng kausap ko sa telepono.
"Excited? We'll discuss through phone, i loud speaker mo para mapakinig nilang lahat." Saad ko at agad nya itong sinunod.
"There's a tracker on my wrist so I'm sorry but you all have to move without me. May sniper na naka bantay saakin kaya hindi ako makakalabas rito sa pinag tataguan ko. I'll switch hiding spots from time to time to confuse the sniper. Ako ang target so if you don't move suspiciously, hindi nila kayo papakealaman. Your task is to gather information and at the same time, beat those bad guys to the pulp but don't kill them. We need information, not dead bodies. Move in pairs or groups para mabilis matapos ang task. To add information, Tyrone is a traitor, do not trust him. Don't get caught and good luck." Mahabang paliwanag ko.
"Sabi na sayo Vaughn kung buhay pa ang gore, bagay na bagay syang queen- aray! Vaughn nananakit si Grey." Sumbong ni Kyle.
"Kung andyan lang ako, ako ang mananakit sayo." Seryosong saad ni Vaughn.
"Alright, shut up everyone, let's move." Si Jake yun, kung hindi ako nagkakamali. "Saan ka namin tatagpuin, Vaughn?"
"I'll stay with her. Kaya nyo na yan, I believe in all of you." Ano raw? Sasama sakin?
"King protecting his Queen! Oh wow aylabet!" Si Kyle ulit yun.
At naputol na ang tawag.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila? Di hamak na mas kailangan-"
"Mo ako." Pag tutuloy nya.
Hindi naman yun ang sasabihin ko!
"Tss. I can handle myself." Asik ko.
"Mhm, sure you can. But I prefer to catch all the bullets for you, my Queen." Saad nya at iniwan ako sa ilalim ng lamesa.
My face heated up, I'm not gonna lie.
F*ck ka talaga Idelfonso.
Sinilip nya ako at bumulong.
"Table 3 from the right. Cmon follow me, act normal then yuko. Got it?"
"Teka lang nasan ba ang sniper? Malabong nasa loob sya ng hall. Ngunit kung nasa labas naman siya ay pano nya ako nababaril kung kulong naman itong hall?" Tanong ko.
"Si Tyrone ang sagot. Kada lalabas at papasok siya, saktong babaril yung sniper. Gets? Tapos kanina, kaya rin sya pa balik balik ay dahil nag uutos sya sa mga tauhan nya at hindi dahil sa diarrhea, tss." Oh. Talino.
Tumango na lamang ako at tinanaw kung nasaan ang table na sinabi nya kanina.
Ngayon ko lang nakita na ang table na iyon lamang ang hindi mahahagip nang sniper kahit ano pang bukas ni Tyrone ng pinto. Talino talaga Vaughn!
"Yuyuko ka kaagad ah. Paalala." Bakit pa? E hindi naman yun abot ng sniper, tss.
Ngunit ginawa ko pa rin. Magka tabi kami ni Vaughn na mabilis na nag lalakad patungo sa table-
"Sh*t." Mura nya ngunit tumuloy lang kami hanggang sa maka dating na muli kami sa ilalim ng kabilang lamesa.
"Anong nangyari?" Tanong ko agad pagka rating namin.
"Wala. Let's just stay here for a while." Nakita kong hawak hawak nya ang kanang braso nya.
"Lintek nadaplisan ka no?" Umiling sya kaagad. "Patingin."
BINABASA MO ANG
His damn life
Roman pour Adolescents[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.