Chapter Number 26:

38 2 1
                                    

Aqua's POV

Puti. Tang*na puro puti. Nasa langit na ba ako? Akalain mo nga naman. Sa lahat ng kasalanan ko, napapunta pa rin ako dito? Grabe.

"Aqua? Aqua?" Anghel ba yun? Sinusundo na ba ako? Dadalhin na ba ako sa-

Ay tanga naka pikit pala ako.

Sinasabe ko na nga ba na hindi ako qualified sa langit eh. Iminulat ko na ang mga mata ko. Tumambad sakin ang mukha ni Kristen.

"Aqua gising ka na!" Sigaw nya.

"Hindi ah. Tulog pa ako." Sagot ko naman. "Alam mo, tangina mo. Ayos ayos ng tulog ko tas gigisingin moko?" Imbis na sagut sagutin ako ay nginitian lang nya ako ng peke. Teka nasan ang iba?

"San sila?" Tanong ko. Tinuro nya ang tabi ko at nilingon ko naman iyon.

Si kuya at si Jake ay naka higa rin sa hospital bed, tulog. Si Nykyryl ay naka higa sa sofa, natutulog. Si Aera ay nakasubsob sa higaan ng kuya. At si Kyle na katabi ni Kristen sa sofa, tulog. Astig nun nakatulog ng nakaupo.

"Asan si Flair at Keith?" Tanong ko muli.

"May problema yata si Flair kaya nasa rooftop nag papahangin. Si Keith naman ay ayaw pa umalis kaso pinauwi na ng parents."

May kulang pa e.

Sh*t.

"Si Vaughn?!" Medyo pasigaw na sabi ko kaya nagising naman si Kyle at Jake. Nag sorry naman ako sa kanila.

"Aqua, chill. Magiging ayos rin sya- Aray!" Sabi ni Kyle pero siniko sya ni Kristen. Naupo naman si Jake sa kanyang hospital bed na mukhang hindi na muna babalik sa tulog.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.

"Aqua.." Kristen.

"Nasan sya." Seryoso akong tumingin sa kanya.

"N-nasa ER." Nauutal pang sabi ni Kristen. I tried to act like I'm cool with it but it didn't seem to work.

Nanahimik na lang ako at tinry matulog ulit.

...

Tang*na gusto kita puntahan gag*

"Kristen, magiging ayos din yan. Matulog ka na muna. Bawal ang hinde." Narinig ko kay Kyle at siguro natulog na yung dalawa. Ghash pano sila naka tulog ng naka upo? Nilingon ko sila.

AY CUTE!

Nakita ko naman na naka tingin sakin si Jake kaya nag taka ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakita ko naman na naka tingin sakin si Jake kaya nag taka ako. I raised my left eyebrow na parang nag tatanong kung bakit.

"A-ah.. Asan si Flair?" SI JAKE NAG STUTTER?! SI JAKE BA TALAGA TO?!

"May problema daw yata. Nasa rooftop da-"

"Sinong kasama?" Pag putol nya. Ay hamet?

"Hmm.. Sa pagkaka alam ko ay wala syang- hoy Jake! Anong ginagawa mo bumalik ka dito!" Tinanggal kasi nya lahat ng naka kabit sa kanyang katawan at biglang lumabas.

Tss. Halata na naman ayaw pang sasabihin na lamang.

Nag dadalawang isip rin tuloy ako kung gagawin ko din yon at pupunta sa ER.

Ops. Wala akong gusto dun nuh. No way!

Tutulog na nga ako.

Jake's POV

Tang*nang layo ng rooftop ah. Nag tatagalog naman ako minsan wag kayong ano.

I'm currently looking at her from a distance. I'm not sure kung lalapitan ko ba yan o ano.

She's facing at the view in front of her while I stare at her back.

Unti unti nyang itinaas ang mga kamay nya na parang lilipad.

Shit.

No.

Hindi ko na kinaya at nilapitan ko na sya. I didn't know what was happening but I found myself hugging her back.

Gulat syang tumingin sakin.

"J-Jake? A-anong ginagawa mo?"

"Don't. Please don't..." I hugged her tighter.

She looked at me then smiled. Unti unti nyang tinanggal ang pagkakahawak nya sakin at tinuloy ang binabalak nya.

Tumalon sya.

I cried helplessly..

I didn't even get to..

I'm so f*cking stupid!

~~

But of course, all of that is just a joke. It's not actually true. Peace!

Eto na totoo na to.

Naka tingin pa rin ako sa kanya mula sa malayo. Hindi ko naman kasi talaga alam ang gagawin ko. I just want to make sure that she's safe.

Damn Jake anong sinasabi mo?  "I just want to make sure she's safe"? Wow gag*.

"Uh? Bakit ka nandito?" Nabigla ako nang makita sa harapan ko ang babaeng tinitingnan ko kanina lang.

"Wanted some fresh air. But unfortunately, I saw you so I was thinking if i should go back." Gustong gusto kong sapakin ang sarili ko sa sinabi ko.

Tumawa sya na ikinabigla ko ngunit hindi ko ito pinakita. She looked directly at my eyes.

"Pano Jake?" I kept silent letting her continue. "Pano mo nakalimutan lahat ng ganun ganun lang?"

...

"Kaya nag tataka nako. Did you even care about me in the first place? You didn't even give a damn about my feelings."

"Parang wala lang kasi lahat para sayo! You selfish motherf*cker!" Sinuntok suntok nya yung dibdib ko. "Paano? Turuan mo ako! Paano!? Gusto ko nang kalimutan ka katulad ng ginawa mo sakin." She rested both her arms on my chest. I didn't move.

I hear her soft sobs. It's slowly breaking me.

Slowly breaking you? Deserve mo yan. Mas malala ginawa mo sakanya..

Shut up.

Hindi ko alam ang gagawin ko. I just stood there while watching her cry. I'm such a stupid f*cked up guy. I can't even comfort her. Nakatayo lang talaga ako.

Unti unti nyang sinandal sa dibdib ko nag ulo nya. Hinayaan ko lang.

"M-matt.. Balik ka na oh. C-come back to me. I-i swear hindi na kita gagalitin! Come back at h-hinding.... hindi na kita hahayaang umalis ulit." Her soft sobs became loud.

Kasabay ng pagpatak ng malalaking butil ng ulan ay ang pag bagsak ng katawan nya sa mga kamay ko.

She's asleep.

"Ibabalik na kita sa room huh. Hindi ka pwede sa ulan. Apoy ka diba?" Mukha akong tanga na kinakausap ang tulog pero wala akong pakealam.

Binuhat ko sya pababa ng hagdan. Hindi na ako magtataka kung madapa ako dahil sa kanya ako naka tingin at hindi sa daan. Pero dahil hindi ko pwedeng hayaan na mangyari yun ay ginawa ko ang lahat para sa daan mag focus ang tingin ko.

--------

End of Chapter 26





His damn lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon