Flair's POV
Oh, bakit na naman saking point of view ang ginugulo mo, author? Alam ko namang maganda ako, meaning maganda rin yung POV ko pero nakakasawa rin naman.
Ay sabi ko nga POV ko na lang e, wag nang mag reklamo at baka patayin ni otor
So yon na nga tinanong namin yung apat kung bakit sila tumabi samin kaso dumating si ms kaya di na nasabi. Mamaya na lang daw recess and charaaan! Recess na kaya. Sabay sabay kaming nag punta sa canteen. Oo kaming walo.
So ahm ganito yung seating arrangement nung nasa canteen.
Mahaba kasi yung lamesa kaya ganito:
Aera Table. Grey
Kristen Table. Kyle
Aqua. Table. Gab
Ako Table. JakeMag kakatabi kaming girls habang katapat ang boys. OTOR ANG HIRAP MAG EXPLAIN HA!
Medyo awkward kasi ngayon lang kami nagka sama sama na as in kami lang.
Lahat kami ay nananahimik lang kasi nga awkward pwera lang kay Aera at Grey na nag tatawanan at hinahampas pa yung lamesa. Ay hindi halatang close sila ah.
"Oh bakit nga." Panimula ni Aqua na ikinatahimik nung dalawang nag lalandian-- este nag kukulitan.
Si Grey na ang umimik.
"Kayo yung target ng mga lalaki kahapon diba? Alangan namang pabayaan na lang namin kayo diba."
Mata touch na dapat kami nang
"Huh? Sinundan ko lang sila." Sabi ni Kyle habang naka taas ang kamay at tinuturo turo pa sina Grey. Susko po!
"I was dragged by Kyle." Explain naman ni boy englishero nang tingnan namin sya. Ah so si Grey at Gab lang pala talaga ang nay intensyon na protektahan kami. Mga punyemas!
Napansin kong nagka tinginan si Aqua at Gab pero bigla na lang nahiya si Aqua kaya pinili na lang nito yumuko.
hMmmMm. Nakaka amoy ako ng isda. I translate nyo na lang sa english.
"Guys onga pala" Sabi ko na nakakuha ng atensyon nilang pito. "Yung room sa dulo ng building E." Pag kasabi ko nun ay seryosong tumingin saakin ang apat na lalaki samantalang naguguluhan naman yung tatlong babae.
"Anong meron sa room na yun?" Takang tanong ni Aera.
"Hindi ko rin alam basta nakita may nakita akong napaka raming weapons." Paliwanag ko naman.
Nag taka naman sila. Well yung girls lang.
"That belongs to the Fraternity of this school." Sabi naman ni, sino pa ba, edi si boy englishero.
"Pano mo nalaman?" Takang tanong ko.
Nagkatinginan naman ang apat na lalaki.
Sasabihin pa lang dapat nila nang tawagan na kami para mag praktis. Hindi tulad nung isang araw na mag kakaiba ang lugar na pag papraktisan. Napag pasyahan daw ng admins na dahil daw konti lang naman kami ay pag sama samahin na lang sa SMA or Sports' Main Arena. So yun nga sabay sabay kaming naglakad papunta dun.
Nga pala. Walang praktis ang swimming dahil di daw ayos ang pool kaya nakisama na lang samin ang maharot este ang palakaibigan na sina Aera at Grey!
Woah! I forgot how huge this place is! Isa kasi to sa pinakamalaking buildings dito sa Royale Academy. Pero sino ba talagang pvtanginang nakaisip ng pangalan na yun? Ang baduy kase! Nakakabanas!
*Isang malupitang flashback*
"Sina Gab ang may ari ng school na to at hindi kami"
*End of da madafakin flashback*
Bigla naman akong inubo sa naalala ko. Kina Gab nga pala eto ehe.
"Guys! Ang ganda ng pangalan ng school natin nuh. Royale Academy. O DIBA BONGGA!" Sigaw ko bigla. Taka silang tumingin sakin maliban kay boy inglishero at kay Gab na nakatingin lang kunsaan.
Okay! Back to the SMA. Sa sobrang laki nito ay nandito na lahat ng sports chenelulu. Tulad ng basketball court, volleyball court, and so on. Pero shempre wala namang swimming pool dito. Grabe naman yon.
"Ano ba pvtangina?!" Sigaw ko nang may humila saking lalaki na hindi ko kilala HABANG NAG BABASKETBALL ako. Tiningnan ko ng masama yung lalaki. "WANNA DIE?!" Sigaw ko muli.
At ang nakaka p*ta pa hindi man lang ako sinasagot! Naka titig lang sya sakin at dahil medyo matangkad sya ay nakatingala ako!
"WHAT?! ARE YOU NOT GOING TO SPEAK?!" Ayoko ng naiistorbo pag nag babasketball. "FVCK IT!" Sigaw ko at tumalikod na para bumalik sa pag babasketball. Sinayang nya ang ora---
What the fvck.
What
The
Fvck.
H-Hinalikan ako?
TANG'NA HINDI AKO MAKAGALAW!
Ni hindi ko sya ma tulak palayo! Na estatwa ako! Nang bitawan nya ako, I looked in his eyes with disbelief. Everyone's eyes are on us. Great. Tumalikod na yung lalaki at naglakad palayo.
"Shawn Keith Lewis nga pala. Paki alala ng pangalan ko para alam mo pag inangkin na kita." Malakas na sabi nung lalaki at tuloy tuloy nang lumabas ng SMA.
Aqua's POV
Well that was surely something. Una, hindi basta basta nagagalit ang isang Nicole Flair Cruz. Pangalawa, you don't see Flair getting kissed frequently right? Sayang dapat vinideo ko. Buti na lang na picturan ko nung hinalikan sya.
Flair's face! Hahahaha! Priceless! Kitang kita pa naman ng lahat ng tao sa loob ng SMA.
"Ang pangit mo tumawa hahahaha!" May lalaking nag salita sa likod ko at mukhang ako pa nga yata ang sinasabihan nya nun.
Lumingon ako sa likod at tinaasan ng kilay ang kunsino mang animal na pinagtatawanan ako. Nahawa na ako sa kasupladahan ni Aera. Nang tingnan ko ang lalaki ay nauutas na sya sa kakatawa. Isa pa baka matuluyan ang pagka utas ng lalaking to.
"Excuse me who are you?" Pag tataray ko sa lalaking asungot.
"Ako lang naman ang pinaka gwapong prinsipe sa buong mundo." Sabi nya at ngumiti. Abat talagan--- sh*t. Deja vu.
"Nirikel?!" Hindi naman ako excited.
"It's nykyryl."
"Wah! It's really you! Lalaking may tatlong Y sa pangalan!"
"Prince Nykyryl Montenegro at your service." Maloko nyang sabi at ngumisi.
May ibinigay sya saking kahon at bubuksan ko na dapat iyon nang pigilan nya ako.
"Mamaya na lang." sabi nya. Tumango ako as a response.
Lumingon lingon ako sa paligid at napansin na walang naka tingin sa dereksyon namin. Buti na lang. Baka maissuehan pa kami ni nirikel.
"Psst nirikel" Tawag ko.
"Nykyryl." pag tatama nya.
"Nirikel."
"Nykyryl!"
"Ni ri kel."
"Nykyryl nga sabi!"
Damn, this would be one hella fun school year.
--------------
Nykyryl pronounced as nikiril ;>
BINABASA MO ANG
His damn life
Teen Fiction[Completed] Ang alam ng karamihan ay isa syang "perfect" guy. Mayaman... Gwapo... Matalino... Famous. Ano pa ba ang wala ang isang Vaughn Gabriel Idelfonso? Attention? Love? Girlfriend? Care? It's something that someone needs to find out.