PROLOGUE

23.8K 271 4
                                    

DISCLAIMER

Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

Halos mapatayo ako sa gulat nang biglang sumara ng malakas ang pintuan kaya lumingon ako don. Si Raizen. Tama nga ako. Hindi nga maganda ang araw niya. Galit na naman siya.

Sakin na naman ba?

Masama ang tingin niya sakin nang malingunan ako. Sakin na naman nga.

"This is your fault!" sigaw niya sakin. Kitang kita ang galit sa mga mata niya.

Hindi ako nagpatinag kahit nasaktan agad ako sa sinabi niya. My fault? Again?

"Ano na namang ginawa ko?" kalmado kong tanong. Nadala na ko. Ayaw ko nang sabayan ang galit niya dahil lalo lang kaming nagkakasakitan na dalawa. Hindi rin naman naayos ang problema. Lalo lang lumalala at nadadagdagan.

"She fucking left me because of you! Pinagpalit niya ako dahil sayo!" sigaw niya pa rin, bakas ang galit at sakit sa boses niya.

Hindi ko siya tiningnan. Nakatulala lang ako sa TV at nilaro-laro ang dila ko para pigilan ang pag-iyak ko.

Dahil na naman pala sakin. Dahil na naman sakin kung bakit siya nasasaktan. Pero wala akong ginagawa. Alam kong bulag pa siya sa katotohanan kaya siya ganiyan. Hahayaan ko nalang.

"Raizen.." nilingon ko siya. Nakatayo siya malapit sakin. Kuyom ang kamao at igting ang panga. "Hindi ka ba napapagod?" kalmado ko pa ring tanong.

Hangga't kaya kong mag-adjust para sakaniya, hangga't kaya kong intindihan siya, kahit pinalaya ko na siya, gagawin at gagawin ko pa rin. Dahil ganito ko siya kamahal.

Nakakatawa lang na, pinalaya ko na siya pero nandito pa rin ako sa bahay namin. Hindi ko naman kasi talaga siya kayang iwan eh. Yung kahit sobrang pagtitiis na yung ginagawa ko at yung sakit na nararamdaman ko, hindi ko pa rin siya magawang iwan. Siguro ganito nga talaga ako katanga. Buong sistema ko ang umaayaw na iwanan siya. Kaya eto ako ngayon, nakaupo at pilit na naman siyang inuunawa.

Ang dami niyang sinabi. Ang daming isinisi sakin, nakinig ako. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Dahil lahat naman ng sinabi niya ay halos hindi totoo. Wala akong kasalanan. Pipilitin ko 'yon sa sarili ko pero hindi ko 'yon ipipilit sakaniya. Wala akong laban sa sarado niyang isip at tenga.

---

Nasaktan ko siya. Sobrang nasaktan ko siya. Nagalit ako, pero tama pala siya, walang dahilan ang galit na nararamdaman ko. Ang tanga tanga ko.

"Hindi pa naman siguro huli ang lahat, Raizen. Kung ayaw mong tuluyan ka na niyang iwan, ayusin mo na ang sarili mo at balikan mo na siya. Nagbabalak na siyang iwan ka." sabi ni Liam.

Nagbabalak palang? Pwede ko pa bang mabago?

Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na nagpunta sa kotse ko saka umalis don.

Pagkarating ko sa bahay ay sa kwarto niya agad ako dumeretso. Nakita ko siyang natutulog. Lumapit ako at naupo sa harapan ng mukha niya. Nabigla pa ako nang magmulat siya ng mga mata at ngumiti sakin. Nginitian ko rin siya at hinalikan sa noo saka ko sinabi ang nararamdaman ko sakaniya, "Mahal kita.."

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon