Tatlong linggo akong nanatili sa Korea para sa trabaho ko bago ako ulit bumalik ng Pilipinas.
"Mommy!" salubong sakin ng anak ko nang sunduin nila ako ni Raizen sa airport.
Noong nagpunta sa Macau si Raizen ay hindi ko alam kung ilang araw siya doon o kung saan siya nag-stay habang nandoon siya at ako naman ay deretso trabaho lang. Hindi ko siya inisip. Basta matapos ng flight namin sa Macau ay nagkaroon ulit kami ng panibagong flight kaya halos hindi ko na talaga siya maiisip dahil sa pagod.
"I missed you, my big baby boy.." sabi ko hinalikan ang pisngi niya.
"I missed you too, Mommy. Daddy missed you, too." sabi niya saka kami niyakap kaya nagkalapit kami ni Raizen.
Kinuha niya naman ang maliit na maleta na dala ko.
"Why didn't you tell me na uuwi ka na pala?" Raizen asked.
Kay Cole ko lang kasi sinabi na uuwi ako noong magka-videocall kami. Hindi ko kasi kinakausap si Raizen kahit panay ang pagsesend niya ng messages sakin.
Hindi ko siya sinagot at nagkibit-balikat na lang bilang sagot.
"Do you want to eat lunch, baby?"
"Yes, Mommy! I'm hungry na po.." sagot niya sakin at ngumuso.
Hinawakan ko ang kanang kamay niya habang hawak naman siya ni Raizen sa kabila.
Sumakay kami ng kotse ni Raizen at dumeretso kami sa Infinity Restaurant. Nagustuhan na rin 'to ni Cole kasi dito daw sila unang nagkita ng daddy niya.
"After we eat lunch, mauna na kayo ni Cole umuwi." sabi ko habang matapos sabihin sa waiter ang order namin.
Mabilis siyang tumingin sakin, "Why? Saan ka pupunta? Hindi ka ba muna magpapahinga? Kakauwi mo lang, ah." dere-deretsong sabi niya, kunot-noo.
Nagbuntong-hininga ako at sinalubong ang tingin niya, "Pupunta ako sa cafe ko."
Sa cafe ko na nasa pangangalaga nina Amy at Ailee. Sa limang taon na lumipas na hindi ko nabantayan ang cafe ay ipinagkatiwala ko 'yon kila Ailee. Natutuwa naman ako dahil palago 'yon nang palago. Sinasabi naman nila sakin ang mga plano na gusto nila para sa cafe na buong puso kong sinang-ayunan.
"Okay. Hatid ka na namin ni Cole bago kami umuwi." sabi niya at saka nag-iwas ng tingin.
"Mommy, Daddy."
Sabay naming nilingon sa Cole.
"Away po ba kayo?" malungkot na tanong niya.
Hindi agad kami nakasagot ni Raizen sa tanong ni Cole. Nagkatinginan pa kami at ako ang naunang mag-iwas ng tingin.
"Of course not, baby.."
Magsasalita pa sana si Cole pero dumating na ang order namin na ipinagpapasalamat ko.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at sinabi na aalis na ako. Humalik ako sa pisngi ni Cole at tatalikod na sana ako nang tawagin niya ulit ako.
"Kiss daddy, too." sabi niya.
Napalunok ako bago tumingin kay Raizen na nakatingin lang sakin.
Nagbuntong-hininga ako saka lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi pero nagulat ako dahil niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry.." he whispered and kissed my head. "Bati na tayo.." bulong niya ulit.
Nangilid ang luha ko at ginantihan ang yakap niya. Narinig ko pa ang pagsinghot niya. Bumitaw ako at tiningnan ang mukha niya pero mabilis niyang iniwas sakin ang mukha niya at pinunasan ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...