Special Chapter - FIRST

5.7K 94 14
                                    

"Daddy. Can I go out with my friends? Bar lang po kami." paalam ko kay Dad nang makita ko siya sa living room.

He looked at me, "Ask your Mom muna. Alam mo namang lagot ako don pag pumayag ako nang hindi niya alam."

Ngumiti ako at tumango saka nagpunta sa kitchen kung nasaan si Mommy.

I am Brianna Zeneen Enriquez Evangelista. My Mom is Coleen Evangelista and my Dad is Raizen Evangelista.

I love how my Dad adores and loves my Mommy. Pati kung paano niya respetuhin ang desisyon ni Mommy.

Kagaya kanina, nagpaalam ako. Alam niya kasi na hindi siya pwedeng pumayag sa gusto naming magkakapatid hangga't hindi nalalaman ni Mommy.

"Ate, where's Mom?" Kali asked. Our baby girl. Siya ang bunso namin. Her name is Kaliah Rai.

"Kitchen, baby. Why?"

Ngumuso siya, "Help.." sabi niya at pinakita sakin ang coloring book niya.

Tumango ako at hinawakan siya sa kamay saka namin pinuntahan sa kitchen si Mommy.

"Mommy! Help!" sabi agad ni Kali at tumakbo kay Mommy. "Color color."

Tatawa-tawa akong lumapit sakanila.

"Mommy. Lalabas lang po kami ng friends ko. Pwede?" tanong ko habang tinitikman ang luto niya.

"Sure, baby. Basta know your limits, okay? Mag-iingat ka din." sagot niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Thank you, Mommy!"

Tumalikod ako at nakita ko si Daddy at Kuya Cole na magkatabing nakasandal sa may pinto ng kitchen.

Salitan ko silang tiningnan ni Daddy at si Kuya ay nakatingin lang sa damit ko.

"You can go out with your friends but change your clothes first." masungit na sabi ni Kuya.

Nakanguso akong nagbaba ng tingin sa suot ko. Naka crop top ako at short.

"Daddy.." tawag ko kay Daddy, humihingi ng tulong.

He shook his head. "Magpalit ka na. Hindi ka pupunta ng bar ng ganiyan ang suot mo."

Lumingon ako kay Mommy at ngumiti siya saka tumango.

"Fine." labag sa loob na sabi ko saka nakasimangot na lumabas ng kitchen.

Humanap ako ng dress sa walk-in-closet ko at napili ko ang red na dress na saktong sakto sa katawan ko. Nagpalit din ako ng red heels.

Humarap ako sa salamin at inabot ang hair straightener at ginamit pang-kulot sa laylayan ng buhok ko. Naglagay din ako ng light make up.

Done! I'm ready..

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko sila sa living room na halatang hinihintay ako.

"You're sexy.." komento ni Kuya.

Ngumiti ako sakaniya, "Thanks, Kuya." sabi ko at humalik sa pisngi niya.

He nodded. "Mag-iingat ka. Kapag alas onse na at wala ka pa, susunduin na kita sa bar. Naiintindihan mo?"

Kita kong napangiti sila Mom at Dad sa sinabi ni Kuya. Kuya's so OA but sweet. Hindi na nga ako pinaghihigpitan nila Mommy dahil alam nilang si Kuya na ang gagawa non para sakanila.

"Okay, Kuya." sagot ko at humalik sa mga pisngi nila at lumabas na ng bahay, deretso sa sasakyan ko.

Pinaghihigpitan ako ni Kuya pero siya pa ang nagregalo sakin ng kotse na 'to no'ng 18th birthday ko.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon