It has been six months already since Raizen and I got married.
Wala naman halos naging problema maliban sa madalas na pagpunta dito ni Michelle at sa madalas rin na pagtatalo namin ni Raizen na halos hindi ko na alam kung ano ang dahilan.
Mahirap unawain ang ugali niya. Minsan sweet naman, may oras na kalmado, pero madalas at mas may oras na galit siya o iritado na hindi ko naman alam kung bakit. Napakahirap niya talaga unawain. Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya ko, kasi kung hindi baka iniwan ko na 'yan.
'Kaya mo?'
Hindi nga, e..
December 25, 2020
Paskong-pasko pero ako lang mag-isa dito sa bahay. Wala kasi ang mga kaibigan ko dahil may kaniya-kaniya rin naman silang pupuntahan ng pamilya nila.
Sila Mommy at Daddy naman ay nasa Japan para doon mag celebrate ng Christmas. Masiyado nila akong pinagkatiwala kay Raizen kaya nagpaalam sila sakin na sa Japan nga sila ngayong pasko, na hindi ko naman tinutulan dahil may sarili pa rin naman silang buhay.
Mag-isa ako kasi wala si Raizen dito. Kasama niya ngayon si Michelle at hindi ko alam kung saan sila nagpunta o kung anong ginagawa nila.
Hindi ko maiwasang maiyak kahit yung araw na 'to dapat ay masaya. Pero hindi ko talaga maiwasan. Sa ilang taon ay hindi ako naging mag-isa kapag pasko, ngayon lang talaga.
I looked at the wall clock, it's 11:46 in the morning.
Nagising ako na wala na dito si Raizen pero nag-iwan siya ng note na aalis siya. Eh, dahil pasko ngayon, malamang na si Michelle nga ang kasama niya.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit pagkatapos ay umalis ako ng bahay. Isang lugar lang ang gusto kong puntahan ngayong mag-isa ako — Batangas.
Ilang oras ang naging byahe ko bago ako tuluyang nakarating sa Batangas. Pagbili ng alak agad ang inuna kong gawin.
Safe naman kasi sa loob naman ako ng bahay iinom at hindi sa bar kaya wala akong pakialam kung sobrang malasing ako ngayong araw.
Hindi ko maiwasang mainggit. Dahil halos lahat ng nakikita ko dito masasaya, nagbabatian ngayong pasko, pero ako heto — bumibili ng alak at planong magpakalasing.
Napangiti ako ng malungkot sa kaisipang wala man lang akong kasama. Napaka lungkot nga.
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sumalampak sa sahig at nagsimulang uminom. Umiiyak.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga magawang ngumiti ngayon, ngiting malungkot, oo. Pero magsaya? Hindi ko talaga kaya. Hindi ko rin mapigilan ang pagpatak ng mga pesteng luha na 'to.
Wala akong kasama..
Ngayong kasal na ako, dapat palagi kong kasama ang asawa ko, diba? Pero heto at mag-isa lang ako ngayon. Asa pa naman akong makasama ko siya nang hindi kami nag-aaway o nag-tatalo sa maliit na bagay. Asa pa akong samahan niya ako ngayon. Bakit niya naman ako sasamahan? Hindi niya naman ako mahal. Nakakatawa lang.
Sa kalagitnaan ng pagluha ko ay tumunog ang phone ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang itsura ko nang makitang ang tawag ay galing sa group chat namin nila Amber. Kaming lima lang. Bukod pa yung group chat naming lahat, kasama sila Mark.
Sinagot ko 'yon nang masiguradong maayos na ang itsura ko. Ayokong iparamdam sa kanila ang lungkot ko.
"Hi guys!" masiglang bati ko sa kanila. Inilagay ko sa center table ang phone ko para hindi ako mangawit sa kakahawak.
["Coleen! Namiss kita! Merry Christmas!"] masayang bati sakin ni Amber. Ganon din ng iba pa. Nangilid ang luha ko nang makita silang lahat.
Nakita ko pang kasama ni Arra si Ryan. Nasa ibang bansa din sila ngayon. Uuwi silang lahat bago mag bagong taon. Kaya hanggang bago mag bagong taon ay mag-isa lang ako. Siguro dito na muna ko. Mabilis ko lang maaalala si Raizen kung mananatili ako don sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...