Chapter 12

6.2K 117 5
                                    

"Girls are made to be respected not to be played."

-

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Magdamag kasi akong nag-iiyak kagabi hanggang sa makatulugan ko na.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, sakto naman na palabas din si Raizen na bagong paligo. Nagkatingin kami and I immediately looked away.

Napakalamig ng tingin niya. Walang reaksyon ang mukha niya. Napabuntong-hininga na lang ako at dumeretso na pababa saka nagpunta sa kusina para sana magluto pero nagulat ako dahil may pagkain na.

"Hindi 'yan para sayo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko siya sa likod ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagsunod niya sakin.

Tumango lang ako.

Para kanino naman kaya 'yon? Tss.

Nagluluto ako nang marinig kong may tumatawag sa labas. Agad naman akong nagpunta sa may pinto dahil wala naman na dito si Raizen. Baka umakyat ulit. Bahala siya!

Nagulat ako nang makita si Michelle. What is she doing here?

"I'm not here for you, so, padaanin mo ako." mataray na sabi niya.

Bahagya kong isinarado ang pinto na mukha ko lang halos ang makikita.

"Wala dito si Raizen." walang emosyon na sabi ko.

Alam ko namang alam niya na nandito si Raizen dahil paniguradong pinapunta niya 'tong babae na 'to. Nakakasigurado rin ako na para sa babae na 'to yung pagkain na niluto ni Raizen.

Naiinis ang mukha na tumingin siya sakin saka pilit na itinutulak ang pinto.

"Alam kong nandiyan siya kaya papasukin mo na akong malandi ka!"

Look who's talking. Raizen is already married to me. Hindi man niya ako mahal at itong babae na 'to ang mahal niya, nauna man siya, ako pa rin ang asawa. Ako na ang asawa. Hindi na ako ang malandi ngayon, siya na. Asawa na ako e.. kaya may karapatan na ako.

"Wala nga! Huwag ka ngang makulit!" pagpipilit ko pa rin.

"Raizen! Argh, umalis ka nga-ouch!"

Wala pa ring emosyon ang mukha kong binitawan ang pinto at dahil tinulak niya 'yon, nasubsob siya sa sahig.

Sinarado ko ang pinto at tumingin sa kaniya na nasa sahig pa rin at halatang hindi pa nakakabawi dahil sa pagkakasubsob niya.

I crossed my arms over my chest. "Oh, I thought you're looking for my husband? What are you doing there?" tanong ko at inirapan siya saka iniwan doon.

"You bitch!" rinig ko pang sigaw niya.

Bumalik ako sa kusina at nanlaki ang mga mata nang amoy sunog ang sumalubong sakin.

Aish!

Pinatay ko agad yung kalan at tinapon na lang sa basurahan yung kakain ko sana. I better call my friends and ask them to eat outside. Wala rin naman akong gagawin dito.

I don't want to watch them mag-landian.

Lumabas ako ng kusina at napadaan sa living room kung saan naghihintay si Michelle na ngayo'y masama pa rin tingin sakin. Ngumisi lang ako at inirapan siya saka umakyat sa taas. Nakasalubong ko naman si Raizen na pababa na.

"Oh, nandiyan na nga pala yung bisita mo. Hinihintay ka sa living room." sabi ko at inirapan siya.

Hindi naman siya kumibo at nilagpasan lang ako. Sigurado akong magsusumbong 'yon kay Raizen. Ano namang paki ko?

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon