Chapter 24

10.2K 159 18
                                    

"Maybe in another life, we can be together again.."

Buntis ako. 'Yon agad ang pumasok sa isipan ko nang makapasok ako sa loob ng bahay namin. Kagabi ay matapos akong pagpahingahin ng doktor ay hinayaan niya na rin akong umuwi ngayong tanghali. Sinabi niya rin na dahil nga sa pagbubuntis ko kaya ako nahihilo, nagsusuka at lumakas sa pagkain. 'Yon din daw ang dahilan kaya ako nawalan ng malay kasabay na rin ng pagod.

I wanna tell him that I am pregnant, na magkakaroon na siya finally ng baby, na magiging daddy na siya. Because I know na gustong-gusto na niyang maging daddy dahil kung hindi ay hindi siya magagalit ng ganito sakin ngayon. But how? Ang daming what if's ang pumapasok sa isip ko.

What if, tanggihan niya? What if, magalit siya, saktan niya ako ulit. Ngayon ay hindi na lang ako ang masasaktan dito, pati na rin ang baby namin at hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Kailangan kong alagaan ang anak namin. Dahil ito lang ang pinakamagandang ala-ala niya sakin. Ito ang pinakamagandang natanggap ko sa buong buhay ko, bukod sa kaniya.

Umakyat ako sa itaas para tingnan kung nandito ba siya. Pero ganon na lang ang panghihinayang ko nang makitang walang tao sa kwarto niya.

Wala sa sarili akong napatingin sa ginawa ko kagabi. Ano kayang reaksyon niya nung nakita niya 'to? May naramdaman kaya siyang saya o wala lang 'to sa kaniya?

Nagbuntong-hininga ako at pumasok na lang sa kwarto ko para magpahinga. Pakiramdam ko ngayon ay kulang pa ang naging pahinga ko noong nasa ospital ako.

Hindi ko namalayang nakatulog ako kung hindi ko pa maramdaman na parang may nakatitig sakin. Marahan kong minulat ang mga mata ko at napangiti nang bumungad sakin si Raizen.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko, "Mahal kita.." sabi niya.

Ramdam ko ang pagngiti ko kaya muli akong nagmulat ng mga mata, ngunit nagtaka nang wala si Raizen sa harapan ko. Tumingin ako sa buong kwarto ko pero wala talaga.

Panaginip?

Bakit parang hindi? Bakit ramdam na ramdam ko ang labi niya sa noo ko kanina? Bakit rinig na rinig ko ang boses niya? Mahal kita..

Panaginip lang 'yon? Kaygandang panaginip naman.

Tumunog ang cellphone ko kaya tamad na tamad akong tumayo para kuhanin 'yon at sagutin. Si Ken ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko.

["Kumusta ka? Sinaktan ka ba niya ulit?"]

Napangiti ako ng tipid sa tanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Ramdam ko ang pag-aalala niya na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Raizen.

"Ayos lang naman ako. Hindi ko alam kung nandito na ba siya sa bahay. Kakagising ko lang kasi." sagot ko.

He sighed, ["I see. Tawagan mo ako kapag sinaktan ka ha at 'wag na 'wag kang magsisinungaling sakin, Coleen Jessica."] mariing sabi niya.

Ngumuso naman ako, "Opo. Thank you, Ken!" sabi ko at pinatay na ang tawag.

"Bakit siya tumawag?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon sa may gawi ng pinto.

"H-Huh?" lang ang nasabi ko dahil sa nakita kong itsura niya. Napakagwapo kahit ang simple ng suot niya! Nakasuot siya ng white shirt at black jogging pants at simpleng simple na tsinelas.

Seriously, Coleen? Ganito naman palagi ang suot niya, bakit ngayon ay gwapong gwapo ka?

"Why are you looking at me like that?"  he asked saka ibinaba ang tray ng pagkain na dala niya sa side table.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon