Chapter 26

11.8K 166 18
                                    

It has been five years since I left him.

Noong gabi na sinundo ako nila Ken at Amber sa bahay ay dumeretso kami sa bahay ni Amber. I stayed there for almost one month for my check up. Kailangan ko munang siguraduhin that time na maayos ang lahat sa pagbubuntis ko bago kami lumipad patungong Korea.

Amber said that it would be better for me and my baby kung may magbabantay samin. Kaya naisipan nila na isama ako sa Korea kahit pa nasa Pilipinas ang mga magulang ko.

Ayoko rin kasing mag-stay dito dahil ayaw kong makita si Raizen. Baka kasi kapag nagkita kami ay balikan ko na naman siya.

Kasabay ng pagiging ina ko ay naging International Flight Attendant din ako. International, yes. Ang lipad ko lang ay sa ibang bansa. Hindi pa ako ulit nababalik ng Pilipinas.

Hindi pa sakin natapat ang lipad pa-Pilipinas.

Hindi naman ako nahirapan sa pag-aapply dahil 'yun din naman ang natapos ko noong college kaya mabilis akong natanggap sa Incheon Airline.

Sa pangalawang taon kong pagtatrabaho, nakakuha ako ng sariling bahay para sa amin ng anak ko. Pero dahil nga sa trabaho ko, madalas nandito sa bahay namin si Amber dahil wala ako at walang magbabantay sa anak ko. Minsan naman ay nandito rin ang mga kaibigan namin para bisitahin kami ni Cole, maliban sa kaniya.

Napapitlag ako sa malakas na iyak ng anak ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya na nasa kama at naglalaro ng kung ano ano.

"Why baby?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. Umiiyak siyang nakatingin sakin at saka ngumuso.

Pinunasan ko agad ang luha niya dahil isa 'yon sa kahinaan ko. Ayaw kong nakikitang umiiyak ang baby boy ko.

His name is Cole Brian Enriquez Evangelista. Ang first baby namin ni Raizen.

"Where's my daddy, Mommy? I want my daddy! I want to see my daddy!" umiiyak na sabi niya saka pinaghahampas ang kama. Umiwas ako ng tingin at mabilis na pinangiliran ng luha.

Mula ng magdalawang taon siya, palagi ko nang naririnig sa kaniya ang salitang "daddy". Hindi man niya malinaw na nasasabi noon kung nasaan ang daddy niya ay alam kong hinahanap na niya si Raizen. Masakit sakin, siyempre. Kasi limang taon ang lumipas na hindi niya nakikita ang daddy niya. Wala naman akong balak itago sa kaniya si Raizen o ang anak ko kay Raizen, pero siguro hindi pa ako handa na magkita sila at ipakilala sa isa't isa. Ang dami kong pinagdaan kay Raizen. Walang masama ngayon kung mag-ingat ako at hindi agad maging handa.

Pero may isang hindi nagbago, 'yun ay ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa lumipas na limang taon, wala akong ibang pinagtuunan ng pansin kundi ang trabaho ko at ang anak ko. Wala akong ibang naging lalaki, siya lang at siya pa rin.

"I'm sorry, baby.." naiiyak kong bulong sa kaniya. Inosente siyang lumingon sakin at hinawakan ng maliit niyang kamay ang pisngi ko.

"Why are you sorry, Mommy?" tanong niya at ngumuso saka pinunasan ang luha niya.

Umiling ako at hinalikan siya sa noo, "Baby, diba Mommy told you naman before na daddy is working for you, for us?" malambing kong tanong. Tumango siya.

"You will see daddy at the right time baby. Promise 'yon ni Mommy sayo, okay?"

Muli siyang tumango saka ngumiti sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Noong nag three years old siya hanggang ngayon ay madalas niyang hanapin ang daddy niya. Ako naman ay paulit-ulit sinasabi sa kaniya na nasa Pilipinas ang daddy niya dahil nagtatrabaho para samin. Alam kong naiintindihan niya, pero dahil bata pa siya, madalas niya pa rin talagang hanapin ang daddy niya kahit alam na niya ang rason kung bakit hindi namin siya kasama.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon