Chapter 18

7.5K 124 10
                                    

Nagising ako dahil napakasakit ng ulo ko. I opened my eyes only to find out na hindi ko 'to kwarto.

"You're awake.."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ko si Kuya Paolo.

"Kuya? A-Anong ginagawa mo dito? Saka nasaan ako?" tanong ko habang hawak ang ulo ko.

Nagbuntong-hininga siya saka ako tinulungang maupo sa kama.

"Bahay ko." sagot niya.

Bahay niya?

"Mo? Bakit ako nandito? Diba nandoon.. nandoon ako sa bahay namin?"

Akala ko si Raizen yung sumalo sakin bago ako nawalan ng malay. Si Kuya Paolo pala. Napangiti na lang ako ng mapait.

Totoo nga na wala talaga siyang pakialam sakin.

"Tinawagan ako ni Ate at sinabi niya sakin ang nangyari." nag-igting ang panga niya. "Hindi pa namin sinasabi sa kaniya kung nasaan ka at wala rin akong balak sabihin sa kaniya na nandito ka."

Hindi naman ako hinahanap non e, kaya hindi niya malalaman pero kailangan kong umuwi dahil may trabaho pa sa cafe.

"Kailangan ko pa rin umuwi, Kuya. Sa cafe na lang muna siguro ako mag-stay."

Labag man sa loob niya ay tinawagan niya si Ate Margaux para sabihin na babalik na ako sa bahay. Noong una ay ayaw niya pa pero sinabi ko na lang na wala naman si Raizen ngayon sa bahay dahil nasa company 'yon kaya pumayag din siya.

Pagkarating sa bahay namin dito pa rin sa Bulacan ay pinaalis ko na si Kuya Pao because my car is here naman so I can go to our house sa QC.

Pumasok ako sa loob ng bahay at malinis na 'yon. Wala nang mga bubog mula sa bote na binasag ko kagabi.

Umakyat ako sa itaas para sana magpunta sa kwarto ko pero nagulat ako nang mapadaan ako sa kwarto ni Raizen na medyo nakabukas ang pinto, dahil nandoon siya. Nakaupo sa sahig, may hawak na bote ng alak at nakayuko sa tuhod niya.

Hindi ko alam na nandito rin siya. Anong ginagawa niya dito..

Marahan kong nilakihan ang pagkakabukas ng pinto at sumandal saka siya tinitigan. Kung gaano kaayos sa ibaba, siyang kagulo naman ng kwarto niya. Gulo ang kama, nagkalat ang gamit sa sahig at ang daming bote ng alak sa tabi niya. Natulog pa ba 'to?

Nag-angat siya ng tingin at nagulat nang makita ako pero mas nagulat ako sa itsura niya, nangangalu-mata siya at yung damit na suot niya pa kahapon ang suot niya ngayon.

"Coleen..." pabulong na sabi niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, "What happened to you? Bakit ganiyan ang itsura mo?" mahina kong tanong.

Ibinaba niya ang boteng hawak niya saka tumayo at deretsong tumingin sakin.

"Coleen.." pabulong ulit na sabi niya saka mabilis na lumapit sakin at yumakap ng mahigpit at dahil don, mabilis na nangilid ang mga luha ko.

"I'm sorry.. I'm sorry.." bulong niya at mas hinigpitan ang yakap niya, naramdaman ko pa ang paghalik niya sa buhok ko. "I'm sorry.." bulong niya ulit.

Hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ganito ang inaasahan ko sa pag-uwi ko.

Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit niya at isinubsob ang mukha ko sa may leeg niya, doon ako umiyak.

Lumayo siya ng bahagya at hinalikan ang noo ko, "I'm sorry."

I nodded, still crying..

He wiped my tears and kissed my eyes down to my cheeks, to my nose and lastly, to my lips. Ginantihan ko ang halik niya habang humihikbi pa rin.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon