"There's a rainbow always after the rain.."
-
I don't know what to feel..
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nakikita ko. Magkadikit pa rin ang mga labi nilang dalawa at walang nagsasalita ni isa sa mga kasama ko.
Pigil na pigil ang emosyon akong tumayo at patakbong pumasok sa loob ng bahay deretso sa kwarto namin ni Cole.
Doon bumuhos lahat ng luha ko.
Napakahawak ako sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko.
Hiwalay na tayo pero nasasaktan mo pa rin ako..
Nagpunta ako sa balcony at hindi ko na napigilan ang mga luha ko para ilabas ang sakit at inggit na nararamdaman ko.
Hindi ko pwedeng sabihin na sana ako pa rin dahil alam ko naman na simula palang hindi naman naging ako. Wala siyang naramdaman sakin hindi ko rin masabi na naging akin siya dahil hindi naman talaga.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan na hindi ko na pinansin dahil sa kaisipan na baka si Nathalie lang 'yon o si Amber.
Nakarinig ako ng buntong-hininga kaya nilingon ko 'yon at nagulat ako nang makita si Raizen na sapo ang mukha. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin at masalubong ang mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko.
Bumuka ang bibig niya pero wala siyang sinabi at umiling-iling lang.
"Lumabas ka na." sabi ko ulit.
Natigilan siya at tumitig sakin kaya tumitig din ako sakaniya. Muli akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang mapansin na hindi siya lasing pero nakuha niyang makipaghalikan sa ibang babae sa mismong harapan ko.
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang pumatak kong luha.
"I-I'm sorry.." mahinang sabi niya.
Mahina akong natawa ng sarkastiko. Sorry na naman. Ganito naman palagi ang sinasabi niya kapag nasasaktan niya ako.
"Sorry because?" tanong ko saka muling sinalubong ang tingin niya.
"Because I kissed her?" patanong na sabi niya.
Malamig ko siyang nginitian, "You can kiss anyone. You can have sex with anyone. I don't care, Raizen." sabi ko, deretsong nakatingin sa mga mata niya.
Pain crossed his eyes na mabilis ding nawala.
"Why are you crying, then?"
Matagal kaming nagtitigan, walang nag-sasalita. Nagbuntong hininga ako saka nag-iwas ng tingin.
Kasi napapagod na ako.. "Hindi mo na kailangan malaman."
Marahan siyang naglakad palapit sakin at hinawakan ang isang kamay ko. Dahan dahan akong nagbaba ng tingin sa kamay naming dalawa saka hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Naipikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang paghalik niya sa noo ko.
Pinakawalan ko ang paghagulgol ko saka siya pinagsusuntok sa dibdib niya.
"A-Ang sama mo.. Ang sama sama mo.." umiiyak kong sabi.
"Napapagod na ako.. Parang awa mo na, palayain mo na ako sa sakit na 'to kasi hindi ko na kaya.."
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka ako hinila para yakapin ng mahigpit pero maski ang yakap niya na gustong-gusto kong gawin niya sakin noon ay nagpapasakit na rin ng puso ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...