Chapter 3

7K 148 9
                                    

Weeks has passed already.

I'm trying my best to act normal. Lalo na kapag magkakasama kami. Halos buong oras na magkakasama kami parating sila Amber lang ang nagsasalita. Hindi ako kumikibo, nagsasalita lang kapag ako ang kinakausap.

Hindi na rin kami nagkakausap na dalawa ni Raizen mula no'ng gabing 'yon.

Madalas ko siyang makitang nakatingin sa akin pero kahit isang beses, hindi ko siya tinitingnan. Madalas ko rin mapansin sa kilos niya na gusto niya akong kausapin pero wala akong ginagawa para mangyari 'yon. Iwas ako sa kaniya. Kahit gusto ko siyang kausapin, pinipigilan ko ang sarili ko dahil iniisip ko na para sa akin din 'tong pag-iwas na ginagawa ko.

"Hoy babae!" malakas na sabi ni Amber at tinulak ako ng malakas sa braso. Muntik na akong masubsob mabuti na lang at maagap si Mark at nahawakan ako bigla.

Tiningnan ko siya ng masama, "Ano ba?"

"Ikaw naman kasi! Ano bang problema mo at hindi ka na nagsasalita diyan?!"

"Eh, ayoko nga, e." natatawang sagot ko.

Inirapan niya lang ako.

"Okay ka lang ba?" Nath asked.

Tumango naman ako. Ugh! Bakit ba ako na ngayon ang napapansin nila? Mas okay pa kapag hindi, e.

"Are you sure?" Sumimangot ako, nanigurado pa.

"Yep." nag-iwas ako ng tingin at hindi sinasadya na dumapo 'yon kay Raizen na nakatingin din sakin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Exam na sa Wednesday. Nag-review na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

Sabay sabay naman silang tumango.

"Guys! May sasabihin ako." nakataas pa ang kamay na sabi ni Ryan.

"Ano 'yon, hon?" tanong ni Arra na ikinalaki ng mata ko.

"Hon?" gulat kong tanong. Natawa sila sa reaksyon ko. Maliban siyempre, sa kaniya.

"Oo. Masyado ka kasing lutang these past few days kaya hindi mo alam na nagliligawan na 'yang dalawa na 'yan." mataray na sabi ni Athena.

What? Sobra ba talaga akong lutang para hindi mapansin 'yon? Akala ko pa naman normal ang kilos ko, hindi pala.

"Ano ba kasing problema?" tanong ni Liam.

Napasimangot ako. Hay, ako na naman.

"Wala nga. Ayos lang ako. Iniisip ko lang yung exam." ngumiti ako ng tipid. Mukhang hindi sila naniniwala, lalo na sila Amber.

May magsasalita pa sana kila Amber pero inunahan ko na, "Ano 'yung sasabihin mo, Ry?" tanong ko.

He smiled, "Kung okay lang sa inyo," pambibitin niya.

"Ano nga, tangina! Daming alam!" naiinis na sabi ni Ken.

"Hilig ni gago sa gano'n." napipikon na sabi naman ni Liam.

Tinawanan lang sila ni Ken, "Punta tayo beach after exam?" sabi niya.

Na-excite naman ang mga babae. Ito ang unang beses mag-beach kami na may kasamang iba, mga bagong kaibigan.

"Oh my god! Kailan?" natutuwang tanong ni Amber kay Ken na nagpasimangot sa huli.

"After exam nga, e."

"Psh! Pwede naman kasing Friday afternoon. Pwede rin namang sa Saturday na mismo." sagot naman ni Amber.

Ken raised his both hands na parang sumusuko, "Okay, okay."

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon