Chapter 30

9.7K 157 24
                                    

"First love, never dies.. But true love can bury it.."

-

Kinabukasan ay naging matahimik lang ako. Hindi ako halos nagsalita kung hindi lang ako kinakausap ni Cole.

Pansin ko ang patingin-tingin sakin ni Raizen. Panay rin ang pagsasalita niya kanina pero hindi ko pinapansin. Tumabi lang ako kay Cole noong nanonood kami ng movie sa living area habang si Raizen ay tatayo at aalis tapos babalik tapos ganoon ulit.

I was preparing our lunch when Raizen hugged me from behind. Na lalong mas nagbigay sakin ng inis pero hindi ako nagsalita.

"Are you okay?" he whispered.

"Very." I sarcastically answered.

Lumayo ako sa kaniya at iniwan siya sa kitchen saka ako nagpunta sa living area para tawagin si Cole.

"Baby. Let's eat na. Stop na muna 'yan." sabi ko. Tumango naman siya at pinause yung pinapanood saka humawak sa kamay ko at sabay kaming nagpunta sa dining area.

Naabutan namin si Raizen na nakasandal sa may ref at kunot ang noo, tulala.

Imbes na tawagin siya ay naupo na ako sa upuan ko at hinayaan si Cole na lapitan ang daddy niya.

"Daddy?" rinig kong tawag ni Cole. "Daddy? Seriously? Tatayo ka lang po ba diyan?"

"A-Ahm. Sorry, baby. I was just thinking of something."

"Mommy?"

Rinig ko ang matunog na buntong-hininga ni Raizen bago ko narinig ang sagot niya, "Yes, baby."

Tumaas ang kilay ko habang kumukuha ng kanin at ulam.

"Really." sarkastikong sabi ko saka pairap siyang nilingon. "I highly doubt that, huh." nakangising sabi ko saka pairap ulit na bumaling sa pagkain ko.

Inalalayan ni Raizen si Cole na maupo saka siya kunot-noong naupo sa upuan niya.

Tumayo ako para lagyan ng pagkain ang pinggan ni Cole saka muling naupo at nagsimulang kumain, ng tahimik.

Nang matapos kaming kumain ay pinaliguan ko naman si Cole sa kwarto niya.

"Mommy, are you mad at daddy?"

Sobra. "Of course not, baby." sagot ko at ngumiti ng peke.

Tumango-tango siya at hindi na nagsalita pa ulit.

Hiniga ko siya sa kama matapos ko siyang paliguan saka ako nagpunta sa kwarto namin ni Raizen.

Naabutan ko siyang tulala ulit. Napairap na lang ako. Ganito ba ang epekto ng halikan nila ni Michelle at palagi siyang natutulala?

"Hey.." mahinang sabi niya at lumapit sakin.

"What?" masungit na sabi ko.

Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya pero wala akong pakialam.

"Why are you acting like that?" kunot noo niyang tanong.

"Acting like what?" taas-kilay na tanong ko na mas lalong kinakunot ng noo niya.

"Ano bang nangyari at nagagalit ka sakin?"

I raised my brow, "Ano nga bang nangyari?"

"Sabihin mo na sakin. Ano bang ginawa ko at nagkakaganiyan ka?"

"Ano nga bang ginawa mo? Dapat alam mo." malamig na sabi ko at tinalikuran siya saka ako pumasok sa walk in closet at kumuha ng damit dahil maliligo ako. Pam-palamig ng ulo.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon