Sa mga nakalipas na linggo ay nakita kong unti-unti nang nakakabawi si Cole mula sa nangyari sakaniya.
Matapos kasi nang nangyari na 'yon ay hindi siya makatulog ng maayos, palagi siyang nagigising at malakas na iiyak. Sobrang laki ng impact ng ginawa ni Michelle sa anak ko.
Si Michelle ngayon ay nakakulong at si Raizen mismo ang nagpakulong sakaniya.
Hindi ako nakialam sa desisyon niya. Wala akong sinabi na kahit ano kahit pa anak namin ang ginalaw ni Michelle. Hindi ako nakialam dahil alam kong alam ni Raizen ang ginagawa niya. Alam kong alam niya kung anong tama at mali, kung anong dapat na maging kapalit ng ginawang kahayupan ni Michelle sa anak namin.
"Damn baby, you look so gorgeous.." nakatulalang sabi ni Raizen nang makita ako.
Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Thank you, baby.." I said and then kissed his lips.
"Wow! My Mommy's really pretty, right Daddy?" sabi ni Cole na kapapasok lang ng kwarto.
"Yes, baby.." he answered.
I kissed my son's forehead as I held his hand and Raizen's.
Magkakahawak kamay kaming lumabas ng bahay at pinagbuksan kami ni Raizen ng pintuan ng kotse.
Ngayon ang kasal nila Amber at Ken kaya hindi kami pwedeng ma-late.
Nakausap ko na rin sila Athena at sinabi nilang kami nalang ang wala pa bukod kila Amber.
Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa beach kung saan gaganapin ang kasal nilang dalawa.
Dream wedding talaga 'to ni Amber. 'Yon ang sinunod ni Ken. Mula sa place, date and month hanggang sa motif, sinunod niya. He really loves my best friend at masaya ako para sakanilang dalawa.
Ilang sandali ay nagsimula na rin ang wedding ceremony.
Naglakad kami ni Raizen sa aisle no'ng turn na namin.
"I love you," biglang sabi niya kaya nilingon ko siya.
"Sa susunod ikaw naman mag-isa ang maglalakad dito at nandoon ako sa dulo, naghihintay sayo.."
Nangilid ang luha ko sa sinabi niya at kung wala lang ibang tao dito ay paniguradong nahalikan ko na siya. Kaso hindi namin 'to araw. Araw 'to ng dalawang tao na mahalaga samin.
"Huwag mo akong paiyakin.." nakanguso kong sabi na ikinatawa niya.
"Totoo naman ang sinasabi ko.." he said and then smiled sweetly at me.
"Mahal kita." huli kong nasabi bago kami naghiwalay ng pwesto.
Pagtabi ko kila Arra ay inasar nila ako nang inasar.
Nakangiti kaming pinanood ang dalawa sa harapan.
"I do, Father." sagot ni Ken.
She smiled at him at napansin kong pinisil niya ang kamay ni Ken.
"I do." she answered and mouthed I love you to Ken. And Ken bit his lower lip.
"And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Father said.
Amber and Ken smiled at each other and then he kissed her on the lips.
Lumapit kami sakanila after that to congratulate them. Nag-picture kaming lahat. Memories. Noong una ay kumpleto kami sa kasal namin ni Raizen at kumpleto ulit kami ngayon sa kasal nila Amber.
Nagpunta kami sa mga cottages dahil dito nalang din naman ang reception kaya napili nila ang Beach Wedding.
Noong ihahagis na ni Amber ang bulaklak niya nag-abang kaming mga babae sa likod niya. Hindi ko inaasahan na ako ang makakasalo ng bulaklak kaya inasar asar nila ako. Ako na daw ulit ang ikakasal na sunod.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...