"Raizen!"
Lumingon ako at nakita ko sila Marc.
"Mark, si Cole! Kuhanin mo si Cole!" sigaw ko sakaniya kaya sumunod siya kila Michelle dahil tumakbo sila at hawak ulit si Cole.
"Ryan, tumawag ka nang tulong!"
"Padating na! Padating na!" halatang wala sa sarili niyang sabi habang nakatitig kay Raizen.
"Hey, tumingin ka lang sakin. Tingin ka lang, okay?" nangungusap kong sabi kay Raizen.
Maya maya ay narinig ko ang tunog ng ambulance at pinagpapasalamat ko dahil malapit lang ang ospital dito kung nasaan kami.
Isinakay nila si Raizen at nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa ospital o maiiwan para bawiin si Cole. Pero sa huli ay napagpasyahan kong sumama na dahil may tiwala ako kay Mark. Alam kong babawiin niya ang anak ko sa pinsan niya.
Pinasok nila si Raizen sa operating room dahil kailangan nang matanggal ang bala sa katawan niya dahil marami nang dugo ang nawala sakaniya.
"Coleen!"
Tumingin ako sa tumawag sakin at naiyak ako dahil nakita ko sila Amber na tumatakbo palapit sakin.
Mahigpit nila akong niyakap.
"Si Cole? Nasaan si Cole?" tanong ni Nathalie.
"Tumakas si Michelle kasama si Cole at pinasundan ko siya kila Mark."
"Si Raizen. Anong nangyari kay Raizen?" Amber asked.
"Babarilin ako ni Michelle pero humarang siya. Humarang siya, Amber.." umiiyak kong sagot.
Kita ko ang galit sa mga mukha nila.
Hinaplos ni Amber ang buhok ko saka tipid na ngumiti sakin.
"I'm thankful that you are safe.." she whispered.
"Pero si Raizen.."
"Shh.. kaya niya 'yon. Kakayanin niya 'yon." sabi niya saka ako niyakap.
"Sila Mommy pala? Nasaan sila?"
Si Arra ang sumagot sakin.
"Alam na nila ang nangyari pero hindi na namin sila pinasama."
Mas okay na rin 'yon dahil mas mag-aalala lang sila. Saka ko na sasabihin sakanila kung anong nangyari once na masigurado kong safe na ang mag-ama ko.
Naupo ako at sinandal ang ulo ko sa pader saka tahimik na nagdasal. Para sa kaligtasan ng dalawang baby ko.
Sana mabawi ni Mark ang anak ko at sana maging ligtas ang Raizen ko.
Thank you for saving me, my love..
Napaisip ako kung paano siya napunta don? Hindi ko naman sinabi sakaniya kung saan ako pupunta kaya akala ko talaga kanina ay nananaginip lang ako. Pero totoo pala, na niligtas niya ako.
"Family of the patient?"
Dumilat ako at mabilis na lumapit sa doktor.
"I am his wife, Doc. How is he?" nag-aalala kong tanong.
He smiled, "You don't have to worry anymore because he is now stable."
Tila nawala ang mga parang kutsilyo na nakabaon sa dibdib ko kanina dahil sa narinig ko ngayon.
Nanlambot ang mga tuhod ko, inalalayan naman ako ni Amber kaya yumakap ako sakaniya.
"Thank God!" I whispered.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...