Nasapo ko ang noo ko dahil nandito na naman si Daddy. I'm sure na ipipilit niya na naman na mag-girlfriend na ako.
"Ayoko, Dad." sabi ko agad.
"Napaghuhulihan ka na, Cole. Mawawala ka na sa kalendaryo at tumatanda na rin kami ng Mommy mo kaya bigyan mo na kami ng apo."
Inis ko siyang tiningnan.
"Dad naman! Ayoko pa nga! I want to give my attention sa work. So please, get out."
He raised his brow, "What?"
"I mean... kasi naman Dad, ang kulit." nauubusan ng pasensya nang sabi ko.
Umiling-iling siya at sabay kaming napatingin sa may pinto nang bumukas 'yon at sumilip si Rishelle. Ang secretary ko.
"What?" masungit na tanong ko.
Tumaas ang kilay niya sakin at umirap.
"Miss Desiree's here, Sir Cole." sarkastikong sabi niya.
Natawa si Dad at kumaway naman sakaniya si Rishelle. Close si Rishelle sa family ko at siya ang madalas kong makasama may trabaho man o wala.
She said she likes me? I don't know. She's pretty and smart and we have the same age so I am comfortable when she's around. Unlike Desiree, she's younger than me, so parang hindi ako masiyadong comfortable sakaniya kasi gusto niya ako tapos parang kapatid ko lang siya.
"Good luck, son. May the best girl win. Hehe." nakangisi niyang sabi saka tinapik ang balikat ko at lumabas. Kunot-noo ko naman siyang sinundan ng tingin. Tss!
"Cole!" sigaw agad ni Des pagkapasok niya.
"What are you doing here, childish girl? I'm busy."
She pouted. I admit, she's cute when she's doing that but she's younger than me, so no.
"You're so sungit!" parang bata niyang sabi saka pabagsak na naupo sa couch.
If katawan ang titingnan sakaniya, hindi mo iisipin na 22 years old na siya. Pero kapag ugali na, may pagka-isip bata siya.
"I'm busy nga. You should call me muna para ipaalam na pupunta ka hindi yung basta basta ka nalang nagpupunta." masungit kong sabi.
Sumimangot siya.
"Duh? Kahit naman i-call kita you won't answer din naman kaya nagpunta nalang ako."
I heave a deep sigh.
"I like you." sabi niya habang nakatitig sakin.
"I told you, you're younger than me.."
Alam na niya kung anong ibig kong sabihin. Hindi naman sa nire-reject ko siya, pero parang ganon na nga.
"I don't care. I like you.."
Nagbuntong hininga ako. Ang kulit.
"Fine! Fine! I'm leaving."
Tsk.
"You can stay here." mahinang sabi ko.
Matagal siyang tumitig sakin bago walang emosyong umiling.
"'Di na lang." sabi niya saka lumabas ng opisina ko.
Nasapo ko ang noo ko dahil sa gulo ng pag-iisip niya.
Hindi ko nalang pinagtuunan pa ng pansin 'yon at nagtrabaho nalang ako pero pansin kong hindi ko maituon ang atensyon ko sa ginagawa. Pilit na pumapasok sa isip ko si Desiree. Ugh! Kainis.
Tumayo ako at lumabas para magpaalam kay Rishelle.
"I'm leaving.."
She raised her brow, "Susundan mo?"
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...