"Daddy! I want to buy that and that and that one!" sabi ni Cole sa Daddy niya saka nagturo ng kung ano-anong mga laruan at libro.
Nandito kaming tatlo ngayon sa mall at hindi ako pumasok sa trabaho para sa 'family day' na sinasabi ni Cole.
Hindi pa kami nakakapag-usap ni Raizen ng masinsinan dahil kagabi ay nanood kaming tatlo sa living area ng mga movies na gusto ni Cole. Pagtapos non ay nakatulog na din agad kami kaya hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa.
Kaninang umaga ay nag-aya agad si Cole na mamasyal kasama ang Daddy niya kaya eto kami ngayon.
"Baby. Mommy told you before diba na kapag hindi naman masiyadong magagamit ang mga laruan huwag bumili ng marami? Saka diba palihim kang binibigyan ni Daddy mo ng foods at laruan?"
Nameke ng ubo si Raizen saka nag-iwas ng tingin samin. Guilty.
"But Mommy.." nakangusong reklamo ni Cole.
"No buts.." sabi ko saka ngumiti ng nang-aasar sakaniya at tumayo.
Bumitaw siya sakin at kay Raizen humawak. Aba't! Ang batang 'to talaga!
Hinila siya ni Cole kaya naiwan akong nakaawang ang bibig dito sa pwesto ko. Natawa si Raizen saka inalok ang kamay sakin na nakasimangot kong tinanggap.
Magkakahawak-kamay kaming naglakad at napangiti ako dahil seryoso silang naglalakad ng Daddy niya.
Bahagya akong nagpahuli ng lakad saka ko kinuha ang phone ko at kinuhanan sila ng picture na nakatalikod. Sunod ay kamay namin ni Raizen ang kinuhanan ko ng picture.
Habang umoorder si Raizen nang makahanap kami ng makakainan ay pinost ko sa instagram ang picture.
coleenj: "home", went from being a place to being a person. @/rznevangelista
Tinabi ko na ang phone ko matapos ko 'yong i-post.
Hindi ko nililingon si Raizen kahit alam kong kanina pa siya nakatingin sakin. Mabuti nalang mabilis ding dumating ang pagkain namin.
Si Raizen ang tumulong magpakain kay Cole kaya mabilis akong natapos at sila ay hindi pa. Kaya nagpresinta na akong tulungan si Cole para matapos na rin si Raizen sa pagkain niya.
Halos alas otso ng gabi kami nakauwi sa bahay at inayos agad ni Cole ang mga binili niya.
"Mag-usap lang si Mommy at Daddy, okay? Diyan ka lang." sabi ni Raizen at bigla akong kinabahan.
Gusto ko rin naman siyang makausap pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
Inaya niya ako sa balcony at tahimik lang akong nakaupo at nakatingin sa Namsan Tower.
"Coleen.." tawag niya.
"Hmm?" sagot ko, hindi tumitingin sakaniya.
He held my hand and squeezed it. "I-I'm sorry for hurting you.." pabuntong hiningang sabi niya.
"Samantha was there... when you left me."
Tumingin ako sa kabilang side para itago ang pamumuo ng mga luha ko.
"She helped me when I was at my lowest point. She became my strength. And what I mean with strength is tinulungan niya akong makabangon, makabawi. Mag-isip ng paraan para makabawi sayo."
Masakit sakin ang mga sinasabi niya dahil alam na alam ko sa sarili ko na yung mga nagawa ni Samantha ay hindi ko nagawa sakaniya.
She became my strength. Kailanman ay hindi niya ako naging lakas. Hindi niya ako napagkuhanan ng lakas..
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...