I liked her first.
The moment I saw her, the moment we played, I stalked her. She caught my attention. Her brown eyes, her smiles, and her lips.We decided to study in BES. I know that it was her school kaya mabilis akong pumayag na lumipat kami noong second sem ng Grade 12.
But I didn't expect na ganoon ko siya kabilis na makikita. I saw her sa canteen, beside Mark. Sa kaniya ako tumabi at kita ko ang panlalaki ng mata ng isa sa mga kaibigan niya, hindi nagtagal ay tumingin siya sakin. Her eyes widened. I don't know what to feel pero paulit-ulit kong iniisip na I have Michelle and I love her. That time, naguluhan talaga ko. Naguluhan ako kasi parang nasanay na ako dun sa fact na palagi ko siyang nakakausap habang naglalaro kami kahit may girlfriend ako.
Ilang beses ko siyang nasaktan non. Sa Bataan, sa school, sa harap ng maraming tao. I like her but I still chose Michelle.
Maraming nangyari. Isa na doon ang isang bagay na hindi ko talaga inaasahan. They want us to get married. Gusto ko siya, oo. Pero may girlfriend pa rin ako. Si Michelle pa rin ang mahal ko. Kaya noong kinasal kami alam na alam ko sa sarili ko lahat ng sakit na pinagdaanan niya sakin.
Pero hindi ko inaasahan na pati anak ko kay Michelle ay mawawala. Sobrang galit ang naramdaman ko non sa kaniya. Gustong-gusto ko nang maging ama pero sa isang iglap ay nawala. Sunod na nawala ay si Michelle. Dahil isang buwan wala sa bahay namin sa QC si Coleen, doon siya tumuloy sa bahay namin sa Bulacan. I was there. Kahit saan siya magpunta, nandoon ako at binabantayan siya. Dahilan para mapabayaan ko ang relasyon namin ni Michelle. So.. she left me.
Wala akong ibang naramdaman non kundi galit. Yung pagkagusto ko sa sa kaniya, yung pag-aalala, yung pagmamahal na sana, biglang nawala dahil sa pagkawala ng anak ko at ni Michelle sa buhay ko.
Lahat ng nangyayari sa buhay ko sa kaniya ko isinisi, without thinking kung anong mararamdaman niya.
I felt guilty the next morning after we had sex, I saw pain in her eyes and maybe it's because of what I did. I forced her. I was actually mad at myself for still doing that thing rough tho I confirmed it myself that she was really a virgin. Malayo sa inisip ko sa kaniya noon.
Sobrang nasaktan na siya. Ang dami niyang sugat. Ang dami niyang pasa. To the point na nawalan na siya ng malay.
Namalayan ko na lang na nasa bahay na namin ang mga kaibigan namin. Narinig ko silang nag-uusap sa kwarto niya. Hanggang sa labas ng kwarto ko ay ramdam ko ang galit ni Mark at Ken.
Pero nagulat ako sa narinig ko. Coleen wants to stay with me hanggang sa wedding anniversary lang namin because that was the best thing that's ever happened to her. Hindi ko alam ang mararamdaman. Bigla kong naisip na sumobra na yata ako. Na wala na sa lugar ang galit ko, ang pananakit ko.
Mas nakonsensya ako nung nakita ko yung kwarto ko. I LOVE YOU RAIZEN. Wala pa man ay nakaramdam na ako ng panghihinayang. Sobrang mahal niya ako pero sobrang sakit naman ang ibinigay ko sa kaniya.
Two days bago dumating ang wedding anniversary namin. Napansin ko ang pagbabago sa kaniya. Ang medyo pagtaba niya. Ang pagiging malakas niya sa pagkain. Ang pagkahilig niya sa brace ko. Lahat 'yon napansin ko. I know for myself that I got her pregnant. Masaya ako. Doon ko naisip na magbago ng pakikitungo sa kaniya. Gusto kong ibalik ang sarili ko sa dating ako na gustong-gusto siya. Para rin sa anak naming dalawa.
Tinawagan ako ni Mark at gusto niyang makipagkita sakin. Pagkarating ko sa napag-usapang lugar ay sapak nila ni Ken ang sumalubong sakin. Hindi ako gumanti. Inisip ko na para 'to sa mga ginawa ko kay Coleen.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...